Nakakalito pa din sa part ko ano po kaya ang ideal na puhunan para sa mga starter? kapag 2k po ba pwede na din? or matatalo po ako sa transaction fee? I'm about to start this month din na magtrading, gusto ko lang po sana malaman kung ano advice niyo na maging puhunan? para matutunan ko na ang trading by following your steps sir.
Advise ko sayo is kung wala ka pa savings na mga P10,000 ang gawin mo mag open ka muna ng coins.ph account then deposit mo yung P2,000 mo using.Cebuana para mura charge P40 lang or use Unionbank cash deposit para free. Then pag nasa coins.ph wallet mo na yung P2,000 ibili mo ng bitcoin. Then mag appreciate na yan by the time you buy your first bitcoin. Wag mo gagalawin or transfer sa iba kasi mahal ang transfer fee. Tapos ipon ka ulit ng another P2,000 kung kelan mo kaya then ilagay mo ulit sa coins.ph at ibili ng bitcoin.
Ulitin mo lang process hanggang maka P10,000 kana na naipon. Then pwede kana mag start ng trading. Para sa mga baguhan wag kayo agad basta bibili ng mga altcoins lalo na kung hindi nyo pa alam or kilala yung coins. Suggestion ko para safe, try nyo muna mga crypto picks ko para hindi kayo matalo sa unang trade nyo. Kasi nakakakaba talaga trading lalo na sa umpisa. Baka kasinmag panic kayo pag kabili nyo biglang bumaba tapos benta nyo agad. Talo kayo nun.
Tandaan nyo hindi kayo matatalo kung hindi nyon ibebenta coins nyo. Paper loss lang yung nakikita nyong loss, pero the moment ibenta nyo na magiging realized loss na yun. Tataas pa yan kung bumaba man kasi waiting game ang trading. Yung mainipin at mabilis bumigay talo.