Medyo nakakalito parin pala mag trade hehe siguro para matutunan ko kung paano gawin yan kailangan ko ng panahon para paghandaan at pag aralan kung paano mag trade or to buy low and sell high tsaka medyo hindi pa kasi ako marunong bumasa ng chart e di ko pa alam yung mga sign kung tataas ba or bababa hehehe sana matuto rin ako para naman maka share din ako ng ideas about trading
Nakakalito pa din sa part ko ano po kaya ang ideal na puhunan para sa mga starter? kapag 2k po ba pwede na din? or matatalo po ako sa transaction fee? I'm about to start this month din na magtrading, gusto ko lang po sana malaman kung ano advice niyo na maging puhunan? para matutunan ko na ang trading by following your steps.
suggestion ko kung gusto nyo talaga mag trading ay basahin nyo po yung thread na ito from the start to end. bigyan nyo lang po ng time kasi kung wala kayong time malamang po hindi para sa inyo ang trading.
hindi po ako expert sa trading, at hindi din po traditional strategy ko na ginagawa ng mga stock trader. iba po kasi ang crypto at wala syang company financials na pinag babasihan sa ganda ng coins na bibilim mo. kaya nga po pati mga stock trader hindi nila mapasok ang crypto kasi nga po medyo iba ang galawan nya.
kung babasahin nyo po lahat ng post dito mapapansin nyo na yung mga terms na ginagamit ko hindi po sya terms ng mga trader. madali lang po mag trade parang naglalaro ka lang pero syempre bago ka mag start mag trade dapat alamin mo muna mga ito:
1. pag aralam ang bitcoin, ano ba sya? ilan ba total coins meron sya? sino gumawa? papano sya nag work? papano ka bibili? saan mo sya ilalagay? ano ba ang wallet? ano ang paper waller? ano ang online wallet? ano ang mobile wallet? ano ang hardware wallet? meron kana bang wallet?
2. ano ba ang trading? palitan ito ng ibat ibang coins, sample meron kang bitcoin tapos nalaman mo na maganda pala ang ETH, NEO at EOS tapos gusto mo din magkaroon nito, so para magkaroon ka nito makikipag trade ka sa iba. so saan nyo ito gagawin? ang normal ay sa exchange nyo ito gagawin. so ipapalit mo ang bitcoin mo kapalit ay ibang coins.
3. pumili ng exchange kung saan mo gusto mag trade (bittrex, bitfinex, binance, etc) pagaralan papano gamitin ang trading system nila. halos mag kakamuka naman yan so kung saan ka masaya dun ka.
4. pumili ka ng magandang wallet para sa inyong coins. for bitcoin and altcoin i suggest ledger nano s. pero may mga libre naman na wallet dyan na pwede sa computer or mobile phone.
5. makibalita para updated ka kasi mabilis ang galaw ng crypto news so dapat updated ka lalo na sa mga hard fork, split, airdrop etc. para makisali ka at makinabang ka.
6. ready kana so start trading, start with a small amount first para masanay sarili mo sa trading.