Share din ako...
ke bali dalawa po course ko, isang vocational course at isang bachelors degree na course.... 2 year computer hardware technician po at Bachelor of Science in Electronics Technology. Basically medyo related lang po sila dalawa. Nung natapos po ako ng college sa hirap ng buhay talagang masyadong palabiro ang tadhana, sa pag usbong ng Business Outsourcing na Employment medyo mahirap maghanap ng trabaho na related sa natapos natin. Nakakalungkot isipin na tinapos mo ang apat na taon na pag-aaral mo at pagnakapasok ka nga ng trabaho sa isang Call Center na companya katabi mo naman ay isang undergraduate na merong 82 units lang minsan pa nga HS graduate lang, mas malungkot pa non kapareho mo pa sya ng sahod. kaya tinatak ko talaga sa isip ko na hindi man ako makapagtrabaho related ng course ko ay hahanap ako ng ibang mapagkakakitaan na magagamit ko ang aking napag-aralan ng mahabang panahon.
Since electronics at computer po ang curso ko, pinasok ko ang larangan ng pagawa ng pisonet. Kahit medyo may kamahalan ang capital sa pagawa ng pisonet, nagsumikap akong makahanap ng paraan upang makalikom ng kapital. At yon nagsimula ako sa isa, hangang naging dalawa umabot sa punto na umabot na labing-lima ang nagawa kong pisonet. sa unang bahagi ng pagawa ko ng pisonet, ang saya ng buhay, yong tipong aakalahin mo na eto na pagkakataon kong yumaman. Pero ng lumaon hindi pala madali, lalong lalo na kapag ang competisyon ay umabot na sayo. Dumating na sa punto ultimo kapitbahay mo pilit ginagaya ang ginagawa mo. At ayon biglang bagsak ng pinagkakakitaan ko.
At eto na ako ngayong nakikipagsapalaran sa ibang bansa, nangngamuhan sa mga Arabong mapagmataas. Pero kahit papano linya parin sa napagaralan ko ngayon ang field ko dito... kasalukuyan po akong IT-Support sa isang Advertising Firm dito sa Qatar... My advise sa mga nakikipagpalaran ngayon upang magkaroon ng ikabubuhay sa kani-kanilang pamilya, panghawakan nyo po ang prinsipyo ninyo wag po kayong sumuko kaagad sa buhay, at higit sa lahat... Ipagpatuloy nyo ang naunsyaming pangarap nyo sa pagpili ninyo sa corsong pinag-aralan ninyo, sayang din kasi ang panahon at pera na ibinuhos mo at ng iyong magulang upang makamit mo ang degree na pinaghirapan mong makamit.......
God Bless po sa lahat.....