Pwede, pero post mo na lang o gawa new thread, para makita ng iba. Baka makasagot pa yung iba, kasi I am still going to get my CCNA, hindi pa ako nag exam. Meron mga nandito na CCNA na, o CCNP o CCIE na, syempre mas makakasagot sila.
sabagay boss dabs may point ka atleast makikita nung ibang mga certified na at makasali sa topic na yun salamat
sa mga beginner na tech savvy (technician level), yung ng mga experienced na or yung may mga talent talaga magbutingting at maglaro ng mga technology at protocols pwede na kayo mag simula sa GNS3..
huwag kang miniwala sa mga nagsasabing sa mga nag CCNP level na yang GNS3...ang GNS3 pinagaaralan din, konting tyaga lang...parang english, pag marunong ka nang mag english maski sinong amerikano pwede mo nang kausapin...ang tanong kailan ka pa magaaral ng english?pag nasa pilipinas ka pa o pag nasa amerika ka na?....study GNS3 before CCNA or before CCNP? advise ko sa mga beginners dyan before CCNA... siguradong mas smooth na ang direksyon mo papuntang CCNP pag marunong ka na ng GNS3.
GNS3 is bad for business...sa mga school na may cisco subjects (optional) in preparation sa mga students nila na mag eexam for CCNA, sa mga bootcamp for CCNA, they boast their laboratories and equipment... just study the concepts, principles, protocols, TCP/IP, OSI model ...
i forgot where i read this statement -> "Cisco is a software company", masterin ang IOS (internet operating system) ng Cisco... ang real hardware madaling pagaralan isang araw lang alam mo na kung alin ang isasaksak, saan isasaksak at kung alin ang pipindutin..
boss ariel mukhang masteral mo na talaga itong topic sa networking hehe ask ko lang po kung ilang taon kana sa larangan? at ano anong mga bagay mabibigay mong mga tips sa mga gusto maging network engineer?
nagsimula akos sa pag aayos ng PC noong high school pa lang ako, tapos early college nagttroubleshoot at setup na ako ng basic networks..meron kami sa college naming Cisco optional/elective subjects na macocomplete sa 4 na semester...pero mas marami pa akong natutunan sa 2 months sa pag GNS3 ko kaysa sa 4 na semester sa school, dahil sa tingin ko boring sa school dahil..
1. siksikan kayo sa equipment.
2. puro basa, kulang sa hands on
3. oras ng school ang masusunod hindi oras mo..for learning
sa GNS3 ang pagbasa at hands on sabay sabay, at magaaral ka sa comfortable na oras at mood mo kasi nasa computer mo na yung equipment mo...at solo mo ang laboratoryo mo hehe.
hindi ako expert sa network...as of now hindi rin ako network engineer, at hindi pa rin ako CCNA, as in zero .... i have not taken a single exam yet... frustrating isn't it?.
gusto ko lang i share ang GNS3 sa inyo at ang kapangyarihan nito hehe.. isipin mo noong 2009 sa GNS3 ko, my call manager express connected sa VMWARE na may Cisco/SIP softphone (windows 2000) na nakakatawag back and forth sa cell phone ko (wala pa akong smartphone noon na touch screen, nokia n82 pa lang gamit ko), dahil naka SIP trunk yung router ko sa GNS3 sa isang ITSP (internet telephony service provider)...that's how cool GNS3 is.
tanda ko meron pang syntax noon na kailangan ko sa SIP trunking na binili ko sa isang CCIE, yung syntax na yun hindi lumalabas sa command prompt ng cisco IOS (display commands) pero pag tnype mo papasok at gagana siya sa system, siguro mga 20 - 40 $ yata yung binayad ko sa CCIE na yun... ngayon nakapublish na yung syntax na yun sa libro ng network warrior 2nd edition hehe..
wala akong track record ng accomplishments para magkaroon ng boses o dating sa mga networking, pero alam ko kung ano ang lalim ng naabot ko sa pagaaral, experiment, at laro ng GNS3...ang masasabi ko ay "PASSION" ang magddrive sa iyo, paano ka magkakaroon ng passion kung..
1. wala kang hardware o pambili ng hardware
2. hindi tunay na network ang pinaglalaruan mo
dapat you are dealing with "real packets" or "real traffic", kung sa packet tracer ka nag ping, makikita mo sa simulator ay ping na fake, sa GNS3 tunay na ping packets ang makikita mo..gawa ka ng servers, magtransfer ka ng files, panoorin mo ang traffic etc.
noong pinagaralan ko ang diskless server ginamit ko ang GNS3 para ma simulate kung paano ang setup nito, within a month natutunan at sinetup ko na sa internet cafe ng friend ko...
P.S. lagi kong ginagamit ang salitang "laro" dahil pag may passion ka, it should be fun
at idagdag ko ito "PERSEVEREANCE"
yung adviser ko nga na ang tagal nang nagtuturo ng networking at Cisco sa college namin, sinabihan ako na hindi daw feasible ang project ko, diniscourage pa niya ako with sabotage tsk tsk...well hindi niya alam ang kapangyarihan ng GNS3, kaya kong iprovide lahat ng kailangan para masagot ang mga katanungan nila dahil parang may "real equipment" ako .. 2009 pa ito, bagong labas pa lang ang CCNA voice exam noon, yung project resources and references ko ay..
30% CCNA R&S and VOICE
60% CCNP R&S and VOICE
10% CCIE R&S and VOICE