Siguro hindi na ako magreinvest dito sa Axie kahit na may comeback special pa sila.
Ako rin hindi na, dump nalang gagawin ko na kahit papano para may mabawi at yun ay kung meron pa ulit na mababawi pero kung wala, good as losses na lang.
Ako nga binenta ko na lahat ng assets ko na may related sa axie bukod sa mga axies ko.
SLP, RON, AXS, at WETH. Lahat ng mga yan na may hawak ako, binenta ko na lahat at iinvest ko na lang sa mas safe na asset (Stock Market REITS in particular).
Mas malaki sana ang loss ko as a manager kung hindi ako nagbenta ng SLP noong bagong labas pa lang ang Katana noong November 2021. Noong mga oras na yun, umabot ng 6 PHP ang SLP at isa ako sa mga nakapagbenta sa taas. Nakabili ako ng mga bagong gadgets dahil dun at naiinvest ko rin ang iba. Overall, loss ako pero wala akong magagawa ganun talaga ang investing. Hindi araw-araw panalo dahil may times na talo ka. Iyak-tawa na lang yun na lang din magagawa natin.
Hindi ko makakalimutan tong Axie Infinity na ito dahil sa 5 years kong nag-iinvest, ngayon pa lang ako nagkaroon ng loss sa pag iinvest sa isang project.