Gawin mo lang libangan at sa origin ibang iba ang gameplay. Kung enjoyment ka lang naman at sa classic ang gusto mo, hindi ko lang sigurado kung magkakaroon sila ng panibagong season dahil mukhang successful naman itong nakaraang season at mga nasa rankings na pasok ay may reward ng AXS. Kung gusto ng manager mo sa origins at di ka pa sanay, tuloy mo lang at practice ka lang at nasa sayo yan kung mae-enjoy mo. Pero kung hindi ka enjoy at gusto mo lang mag stay sa classic, kung ako sayo bili ka nalang ng sarili mong mga axie dahil napakamura naman ngayon. Sabagay okay din naman gamitin sa classic yung mga axies mo sa origin kaso ibang iba ang gameplay parang tipong walang tatalo sa classic. Ayaw ko ng origins kasi parang di ko trip kaya kung enjoy enjoy lang at hanap ng sakit ng ulo, punta lang sa classic version at laro laro lang hanggang sa sumakit ulit ang ulo sa stress. Pero pwera biro, nakakaenjoy talaga ang classic at madami pa ring naglalaro.
Naeenjoy ko naman ang pagbabalik sa Axie Infinity: Origins, naging komportable na ako sa paglalaro nito, at ito na ang gusto ko. Hindi ko na iniisip kung may makukuha ako o wala, kaya mas pinipili kong maging iskolar na lang dahil hindi naman ako nakafull-time dito. Mas naging exciting na dahil sa pag-equip ng runes at charms nila, parang nilalagyan ng thrill ang classic, at puwede pa itong i-mint o ibenta. Ngayon, nag-disenchant na ako ng mga expired runes at charms para magkaroon ng bago sa Season 6.
Sa new season nabasa ko parang mas malaki ang chance makakuha ng AXS para sa mga magpaparticipae. Kahit tipong nag eenjoy at laro ka lang, may chance na kahit hindi maka top leaderboards. Yun ang sabi ha, hindi kasi ako bihasa sa origins at sa classic ako nanatili at palaro laro lang minsan at biglang tumumal na din gawa ng pagiging busy sa mga bagay bagay.
Unti-unti ko na ring nakukuha ang strategy sa tulong ng mga coaches para makaakyat sa leaderboad.
Good luck diyan kabayan. Mabuti at may coaches ka, nood ka din ng mga nags-stream sa origins, tingin ko meron meron pa rin naman at baka may masagap na mga strategies din.