Speaking of Axie nalang din, mukhang nagte-trending ulit ang SLP at AXS dahil tumaas ng konti ang value niya. Pero sa totoo lang kahit anong taas pa rin ulit niyan, mukhang malabo na bumalik sa dating presyo na nakasanayan natin yung tipong lima piso pataas at bente pesos parang suntok sa buwan na ulit mangyari yan. At kahit nga yung piso isang SLP baka malabo pa rin mangyari yan pero tignan natin kung mag times 10 man siya sa bull run, balik piso na din. Medyo napag iwanan at nalimutan ko na updates dito sa larong ito dahil nabusy sa ibang laro tapos nag stop lang din.
Grabe kung sakaling mangyari yan ang laking pera ang kakailanganin nung developer at nung mga nasa likod ng hype, biruin mo sa x10 palang nyan
gaano kalaking halaga ng pera ang kailangan pakawalan para maka attract ng mga bagong investors.
Tapos alam naman natin na maraming mga naka hold pa at kung makikita nila yung opportunity baka isang bagsakan lang eh lagas agad yung
perang gagamiting nung mga naghahhype.
Pero gaya nga ng sinabi mo, tignan na lang natin kung hanggang saan kakayanin ng mga hypers yung value at kung meron na ulit bago at mga
lumang investors ag makisabay sa pag pump ng project na to'