hindi naman mawawala sa isang laro ang mag karoon ng mga cheater eh at karamihan sa mga games tlga lalo na kapag sobrang dami nag lalaro nag kakaproblema tlga madalas. sa dami ba nmn ng matatalio at mahilig kumalikot ng gadgets ngyon. ang mahala ienjoy lang natin yung laro. Kaya nga ginawa yan axie bukod sa malibang at marelax sa pag lalaro eh kikita ka din. yung nga lang kung scholar ka at may quota sayo si manager dun ka talo tlga. pero kung hindi naman masyado hapit si manager at nauunawaan nya yung sitwasyon ngyon ng axie mas ok dba. tska iexpect na tlga natin kahit sa una pa lang na darating yung time na bababa at bababa ang value ng slp pasalamat nalang tayo dahil kahit papaano eh nabigyan pa tayo ng pag kakataon na kumita habang nag lalaro.
Yon siguro ang pakay ng mga developers ng Axie noong una pero nang sinakyan na ito ng mga managers at nag-pump na yong SLP, investments na ang turing nito at hindi na libangan dahil napakamahal kaya magbuo ng isang competitive na team.
Tingin ko, pababa/mawawala na yong mga investors sa Axie na medyo kulang ang knowledge sa cryptocurrencies at ang maiiwan ay yong mga hardcore gamers nalang para mag-compete sa paligsahan nila.
Yong value ng SLP ay tataas lang kung ang daily active users ay babalik sa ten thousands, kung milyong ang active users mawawalan lang ito ng value lalo.
Imbes na ma-enjoy mo yong laro, kabaligtaran ang nangyari dahil marami akong alam na managers/scholars na na-stress na dito at naaapektuhan na yong health dahil sa stress.