Ang buong akala ko agad agad din tataas slp paglabas nitong update nila pero mukhang hindi eh. Sa floor price ng axie, medyo tumaas ng konti kahapon tapos ngayon bumaba din ulit. Tingin ko Sky Mavis lang din ang magiging panalo sa ganito pero kawawa tayo na umaasa pero ganito talaga, sugal din to eh at bagsak din talaga ang market ngayon.
Ang masakit dyan kabayan kahit mag pump na si Bitcoin or nasa bullish trend na ulit tayo, di makakasabay si SLP. Need talaga ng one time big time update although imposible naman irelease iyon since may timeline at roadmap na sinusunod.
Sad to say, pero kahit Php 2 hirap na maabot ni SLP. The more na lumilipas ang araw, padagdag lang ng padagdag ang namimint na SLP. Di rin natin alam hanggang kailan ang bearish trend na parang mas tatagal pa gaya dati.
Di naman ako masyadong negative pero hindi na talaga aabot yan sa dating ATH, posible yung P1-P6 yan na siguro pwedeng pinakamataas para sa akin. Ang dami kong nababasa na aabot daw $50 isang SLP, sobrang taas nun at napaka labo maliban na lang kung grabe yung demand at burning mechanics na upgrade nila.