Sana magandang update talaga ito at sana worth it, kase kung hindi mukang unte unte na talaga magaalisan ang mga investors. Anyway, malaki naren naman ang chance ngayon na makapasok sa 300k winners for AXS pero syempre hinde naman ganoon kalaki ang chance na makapasok, pagalingan na ang labanan ngayon.
Mahirap masabe sa ngayon, kase panigurado marameng managers at players ang nagquit na pero hopefully tumaas talaga ang presyo ni SLP para naman worth it paren ang pag grind. Kase if ever, nasa 250-400 pesos nalang ito per cut off, sobrang nakakalungkot at nakakatamad na maglaro, baka magcause lang ito ng stress. Let’s see and hope for the best.
Hindi lang "baka", infact nag dudulot na ito ng stress sa mga iskolar at managers. Alam na alam ko yan kasi maraming iskolars dito sa amin isa na dun relative ko na kakapanganak lang kasi nga pagalingan ang laban at nahihirapan sila kumota dahil minsan tinatamad na sila dahil sa baba ng SLP.
May advantage nga pala talaga ang pagiging isang crypto enthusiast kasi alam mo kung paano mag hold at pahabain ang pasensya lalo na't alam mong may chance pa yung isang project/alt coin.
Pataas na ang presyo ni Bitcoin, sana mahatak nya na ulit ang mga altcoins at si SLP. If stress na ang nararamdaman mo, better to pause for now pero don't sell at a loss kase baka pagsisihan mo ito sa bandang huli lalo na kapag tumaas na ulit si SLP.
Ang pagiging crypto-enthusiast talaga ang bentaha natin kung bakit madali natin tanggapin yong mga nangyayari sa Axie Infinity sa ngayon. Ang masakit lang para sa kababayan natin ay medyo marami yong newbie pa lang sa crypto world kaya panay ang reklamo nila noong bumaba na ang presyo ng SLP.
Tanggap ko na nga na wala na tong game na ito pero hindi ko pa rin ipinagbili yong mga teams ko, baka naman may milagro pang mangyayari sa susunod na mga buwan.