I'm not pessimistic about Axie pero kung titingnan natin ang history nya, tayong mga Pilipino lang talaga ang nagpapalaki sa kanya dahil nga marami sa ating mga kababayan ang natutulungan dito kahit pa ang presyo nito noong araw ay 1Php lang pero kung mkakuha ka ng 200 SLP araw-araw, sapat na yon para may panggastos ka pambili ng pagkain.
Almost 2 million users na nag-farm ng SLP at wala na ganon kalaking demand ng SLP for breding, where do you think this will go?
Meron kasi talagang pagkakakitaan sa Axie at hindi lang naman din sa farming. May mga kababayan din tayo na tuloy pa din sa breeding. Tingin ko tiwala naman ako sa devs kung ano man ang ginagawa nila at na overwhelm man sila sa growth ng laro pero na-anticipate na din siguro nila nung pinaplano nila na may "what if" kung umabot man sila sa malaking reach at users na active daily. May mga developments pa naman sila na hindi pa tapos kaya bigyan natin sila ng chance at tuloy lang din hanggang nandyan ang Axie. Wait din natin ang susunod na update nila na Ronin Dex, tingin ko malaki magiging ambag niyan sa pagtaas ng presyo ng SLP at AXS.
Hindi development ng game ag nais ipoint out ni bisdak40 kundi ang lumolobong supply ng SLP dahil sa dami ng nag fafarm at kakulangan ng demand. Parang networking lang yan, Kung wala ng bagong player na papasok sa game para bumili ng SLP at ang lahat ay nag fafarm na. Imagine kung anong mangyayari sa price lalo na't infinite ang supply ng token na ito.
Maganda talaga ang pinaka laro at magaling ang devs. Ang problema lang ay ang use case ng SLP, Hindi ito masyadong nagagamit sa game unlike AXS at limited ang supply. Sana magkaroon ang devs ng panibagong use ng SLP at mag introduce ng supply cap since sobrang lobo na ng supply lalo na sa eimission ng daily reward. Kawawa yung mga narerecruit lng ng mga kakilala at nag iinvest ng malaking halaga tapos hindi naman naiintindihan yung game. Sila ang dahilan kung bakit may value pa hanggang ngayon ang SLP.
Part ng development ang pag-tackle ng team sa lumalaking supply ng SLP. Alam naman ng mga devs yan kasi nababasa ko sa mga twitter accounts ng dalawang popular members ng team, si psycheout saka Jihoz. Lagi nilang tine-tweet yung tungkol sa oversupply ng SLP kaya parte ng development yung burning features na kasama daw sa update na magaganap soon, yun yung ronin dex, sabi naman nila magdadagdag pa sila ng ibang mechanism para mapababa ang supply ng SLP kasi sobrang dami ng minting talaga. Kasama din pala yung AXS staking kaya para sakin sa SLP, benta talaga agad pero yung AXS, yun yung maganda ihold.
Meron ako lagi pina follow na stream ng isang abogado at marami syang point na mali sa Axie ayaw ko mag FUD pero dahil sa pagbagsak ng SLP sa market parang lumalabas na tama yung mga point nya na Ponzi scheme ang AXIE, magiging sustainable pa kayo itong AXIE ito kasi ang modelo ng mga Play To Earn scheme pag bumagsak ito mawawalan na ng industry leader at matatakot mag invest ang mga investor.
Si Atty. Libayan yan, subscriber ako niyan at lagi ko pinapanood mga videos niya dati. Pero simula ng mag-content yan ng Axie at hindi na tinigilan, nakakaumay na kaya unfollow na. Bago palang kasi sa ating marami ang play to earn, kaya para sa akin naman may potential talaga at hindi natin alam kung ano ang kahihinatnan pero kung aasa ka lang sa SLP para sa pang-araw araw parang yun yung mali talaga.