Sa bridge din ba sayo nangyari yan?
Grabe nga ngayon ang fees, pumapalo ng 11k. Grabe talaga! Kung meron lang sana na wiling bumili dito ronin to ronin. Kahit patingi tingi. Ayaw ko kasi maghold ng matagal, pero naniniwala naman ako na aangat muli ang presyo ng SLP. May nababasa akong thread tungkol sa pagtaas ng presyo. Pero parang hindi kapani paniwala ang sinasabi nila na ang presyo ng gas fee ay direct proportion sa presyo mismo ng ETH. Kasi diba dapat ang pagtaas ng presyo ng gas fee ay base dapat sa dami ng nagtatransact sa loob nito? Kasi may nagsasabi na may mga blocks daw na halos walang laman, pero mataas parin ang fees. Dapat kung congested talaga ang blockchain ng ETH dapat expected na madalang lang ang pagkakaroon ng mga blocks na walang laman o tx.