@Jercyhora2
Nakadepende na sa Mavis Team yung economy ng laro nila. Kapag hinayaan nilang ang earning mechanism ng laro eh nanggagaling sa new players then you can call it "ponzi" pero kung mag dedeploy sila ng bagong feature na mag da-drive ng earning mechanism aside from new players, then that would be the ideal scenario.
Yan mismo ang iniisip ko noong mapanuod ko ang video na dapat talaga silang gumawa ng paraan para mas mapababa o mapabagal ang minting ng SLP para hindi ito tuluyang bumagsak. The more na mas dumadami ang supply ng SLP, the more na mas mahihirapan ang SLP upang umangat ang presyo. Yung ginawa nilang pababain ang earnings sa PVE, sa aking opinyon isa itong maganda paraan para mapabagal ang minting ng SLP ngunit magsa suffer ang mga low class na axie o yung mga axie na may pangit na kombinasyon ng mga cards. Dapat lang talaga makapag isip sila ng iba pang paraan upang hindi mag end up sa pagiging ponzi nitong axie.
Sinasakyan lang nya lkahat na nag ti trend. Though may point sya sa ibang issues pero parang views pa rin ang hanap para sa channel nya. Much better sa Axie na dagdagan na ang gamit ng SLP hindi lang pang breed kungdi magagamit din in-game para dagdag din demand.
Tama pwede din ito, which is ito yung paraan ng karamihan ng mga youtuber para humakot ng views, yun ay ang pagtalakay o makisabay sa trend. At para dun naman sa mga pinag sasabi niya, may point naman talaga, kaso meron siyang sinabi na hindi ako sumasangayon. Yun ay ang pag judge sa isang project sa pamamagitan ng pag investigate sa website nito. Hindi naman porke hindi maganda o 'ginaya' ang isang site is nangangahulugan na isa na itong iskam. Pwede, pero hindi tama ang ganung klase pag judge.
Overall, may point naman talaga siya. Sadyang masyado pang maaga para sabihin na isa itong scam. Batid naman natin kung gaano kalakas ang team sa likod ng axie, at marami narin itong natutulungan lalo na sa ating mga kababayan ngunit syempre hindi yon sapat para magpikit bulag tayo kung sakaling humantong ito doon kahit pa isa tayo sa nakikinabang.