Yes totoo talaga ito. Sa mga balita mapatelevision man o sa mga newspapers, or online advertisements sobrang hindi talaga maganda ang mga feedback about bitcoin. Yes maraming mga scams sa cryptocurrency pero hindi naman lahat scam. Marami lang namang naiscam kasi hindi pa nila alam ang proseso. Its like hindi pa kasi sila familiar sa nga ganap sa bitcoin kaya madali silang naloloko. Sa mga susubok tuloy magbitcoin nahihirapan silang magdecide kung itutuloy nila dahil sa mag bad news na kanilang nababasa o napapakinggan. Pero kung ako ang tatanungin worth it naman ang bitcoin, kasi talagang kikita ka dito if alam mo at masanay ka na sa kalakalan.
Naunahan ng scam kaya takot ang mga tao subukan.
Sa fb marami akong nakikitang news o kahit showbiz news na unrelated comments tungkol sa paginvest sa crypto, iniisip tuloy ng iba na scam lang talaga ito.
Hindi naman kailangang ipilit sa iba ang tungkol sa crypto dahil once na interested ang isang tao gagawa sya ng paraan para alamin ang tungkol dito.
Tama ka diyan , karamihan ng mga takot na sumubok ay yung mga nadali ng mga mababangong salita na akala nila ay ikakayaman nila kaya imbes na tumuloy itinigil na lang.
Kalat na kalat na talaga ang mga negatibong balita tungkol sa crypto dahil na nga rin sa mga taong ganid sa salapi kaya hindi umuunlad ang crypto dito sa pinas.
Very agree ako jan , kung gusto talaga gagawa ng paraan yan para magkainteres sa ganitong bagay. Parang ako nung una , nagsimula sa mga faucet claims at hanggang ngayon tumatangkilik parin. Kapag may success na nangyayari sayo lalo ka magkakaroon ng interes sa isang bagay.
Napakadami na kasing pinoy ang hindi financial literate na kung saan ang kanilang knowledge ay kakaunti lamang patungkol sa business, finances at marami pang iba. Karamihan sa kanila at naniniwala kaagad sa kuro kuro at mga opinion ng ibang tao patungkol sa isang isyu.
Karamihan sa mga balita about cryptocurrencies ay puro negative, madalas sinasabi na magingat at ito ay totoo naman dahil napakadaming scammers out there.
But we should see the bigger picture, hindi lang puro negative ang pwede nating makita dahil meron din itong kaakibat na positibo na makakapag bigay benepisyo saatin. Kung magiinvest lang tayo saating financial literacy, for sure na lalago ang ating wealth at pati nadin ang ating kaalaman.