Pages:
Author

Topic: Bakit hindi tinatangkilik ng Pilipinas ang Cryptocurrency - page 3. (Read 1264 times)

newbie
Activity: 12
Merit: 1
Tinatangkilik naman, kaso ngalang hindi tayo pwede mag expect ng madami agad mag aadopt sa crypto lalo at marami gumagamit sa pangalan ng bitcoin o crypto dito sa pinas na gumagawa ng mga ponzi scheme.

Kay may negative idea ung iba tungkol dito . Pero nag linawan sila na magkaiba ung sinalihan nila sa totoong crypto pwedeng magbago.

Kaso ngalang to have more addoption dapat may benifits din yun sa knila.
Tama, may mga iilang tumatangkilik ng cryptocurrency sa ating bansa, ngunit kung susumahin napakarami paring bulag sa benepisyo na pwedeng makuha sa cryptocurrency, marahil hindi pa sapat ang kaalaman ng ating mga kababayan tungkol sa mga umuusbong na teknolohiya, marami paring mga nasa laylayan na hindi maalam tungkol sa cryptocurrency. Ngunit kung iisipin, kung magkakaroon sila ng pagkakataon na malaman ang dulot at maaring epekto nito sa kanilang buhay at sa ating bansa, maaaring tangkilikin rin nila ito gaya ng ating ginagawa.
newbie
Activity: 12
Merit: 1
Sa aking palagay, kaya iilang pinoy lamang ang tumatangkilik ng cryptocurrency dahil laging napapalabas sa telebisyon o sa mga balita na mayroong naggaganap na iscam sa crypto, kaya walang taong gustong sumubok maginvest dito dahil ang tingin nila sa cryptocurrency ay isa lamang scam.
Indeed, maaring isa sa dahilan ay ang bagay na iyan, isa sa mindset ng mga pinoy ay lahat ng bagay ay nakukuha sa hirap at tyaga, kaya ang inaakala nila na ang cryptocurrency ay maaaring isang scam. Sarado pa ang isip ng mga nakararaming mga pinoy sa usapang cryptocurrency kaya uunti lamang ang mga gumagamit nito sa ating bansa.

Kung makikita lamang nila ang halaga nito at ang maaring maging dulot nito sa ating bansa at sa ating mga sarili, maaring makasabay tayo sa mga umuusbong na bansa, katulad na lamang ng mayamang bansa na New York kung saan gumawa sila ng isang generator para sa crypto mining machine which is really worth it for them dahil kumikita na sila sa halagang 50,000 dollars araw - araw, diba napakalaki, bago pa ang plated generator na yan kaya hindi imposibleng mas lumaki pa ang kita nila sa mga susunod na araw.
full member
Activity: 1624
Merit: 163
Tinatangkilik ng Pilipinas ang cryptocurrency pero hindi ganoon kalakas bukod sa mga IT, mga students, or mga taong gustong kumita kasi nga hindi pa ito masyadong sikat. I-ilan lang talaga ang may nagmamay-ari ng Bitcoin. Pero sa kasalukuyan ay paunti na ng paunti ang pagbibigay ng atensyon ng Pilipinas sa cryptocurrency. I think meron na tayong rules and regulation regarding sa cryptocurrency. Meron na ding mga cafes at merchants na nag a-accept ng cryptocurrency as payment at ang pinaka the best sa lahat ay meron tayong coins.ph na nagbibigay daan sa mundo ng cryptocurrency.
sr. member
Activity: 1400
Merit: 283
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Kung titignan mo naman sa kabilang banda, mas OK na yung ganito dahil kung sakaling magsisimula silang mag legalize or gumawa ng paraan upang magkaroon ng Bitcoin implementation ang gobyerni dito sa bansa, malamang makakaranas tayong ng high tax pay rates katulad ng nangyayari sa mga ibang bansa ngayon. mas mabuti na yung ganito na neutral lang ang tingin ng gobyerno sa cryptocurrency upang mapagaan sa atin ang paggamit nito at pagkaroon nito.
Agree ako sa iyo mas mabuti na siguro ganito nalang kasi if kung na involve na ang government nito Im sure may tax na tayo at sa tingin ko malaki rin yun. Mas comfortable na nga ako ng ganito kasi mapaisip pa tayo na may babayaran pa, Actually natangkilik naman ang crypto dito sa pilipinas kaso nga lang wala pa masyado may gusto or may alam kasi yug iba kasi negative palagi ang iniisip kaya hindi natin ipagtataka kung bakit.
sr. member
Activity: 2282
Merit: 470
Telegram: @jperryC
1. Misinformed by the media. Maraming news ang napapanood ko in regards sa cryptocurrency specially bitcoin na kung saan ay pinpaliwanag na scam daw pero hindi nila inexplain ng maayos na yung scam ay kung saan sila nag invest ng bitcoin which mostly are the ponzi schem and pyramid schemes.

2. Limited knowledge about cryptocurrency. Alam natin lahat o karamihan saatin na kapag shinare mo sa iba ang cryptocurrency ang sasabihin nila ay scam ito dahil hindi nila alam kung ano at paano ito gumagana isama narin natin yung mga technicalities ng cryptocurrency such as the types of wallets, etc. kung walang effort para aralin ng isang tao ito talagang hindi sila matututo.

3. Needs of hardware and internet connection. Hindi kagaya ng fiat na kung saan pwede mong ipagpalit ng mga goods or services ang cryptocurrency ay nangangailangan ng mobile or computer and internet connection para makapagtransac na hindi lahat ng Filipino ay kayang makuha.
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen
Kung titignan mo naman sa kabilang banda, mas OK na yung ganito dahil kung sakaling magsisimula silang mag legalize or gumawa ng paraan upang magkaroon ng Bitcoin implementation ang gobyerni dito sa bansa, malamang makakaranas tayong ng high tax pay rates katulad ng nangyayari sa mga ibang bansa ngayon. mas mabuti na yung ganito na neutral lang ang tingin ng gobyerno sa cryptocurrency upang mapagaan sa atin ang paggamit nito at pagkaroon nito.
member
Activity: 504
Merit: 23
Epsilon Omega
Hindi naman sa hindi tinatangkilik, kasi marami na rin sa mga kababayan natin ang gumagamit ng Bitcoin when it comes to their transactions mostly online. Sadyang ganyan talaga ang adaptation ng bitcoin, medyo may kabagalan. Naalala ko pa noon na may nagsabi saken na isang foreigner na ang bansa daw natin ay maraming nakatira na mayayaman. Kasi isa ang bansang pilipinas ang open sa pag access sa crypto. Hindi tulad sa ibang bansa na kung hindi naka ban, may patong naman na malaking tax sa pag gamit ng crypto for example, remittances.

Hindi lang siguro natin ganun nararamdaman pero in my own opinion, nasa pagkilala o familiarizing stage parin ito lalo na sa ibang kababayan natin na hindi masyadong nakaka access sa internet.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
Masakit man sabihin pero hindi tayo katulad ng ibang bansa na may "investor's mindset" ni ang sarili nga nating stock market wala pang 5% ng populasyon natin umi-invest dun paano pa kaya ang crypto market na mas bago lang? Sa bansa natin walang tinuturo ang mga guro tungkol sa pag-save at invest ng pera, wala tayong subject na ganun, kung hindi ka ng business related course wala kang subject na business financial kung saan maituturo yun. Mas uso pa sa atin ang mga utang and loans kaya mas madami gumagamit ng credit cards at chake down payment plans para hindi masakit sa bulsa.

Bitcoin as a payment naman ay medyo sablay din, kasi kahit gaano kaluwag yung batas natin sa crypto wala namang business ang nag-aaccept nito and baka dahil na din wala silang nakikitang demand para dito. Sana nga matapos na yung Crypto Valley ng CEZA para maging malinaw kung malaki ba chance ng crypto industry sa Pilipinas na ma-adopt dito.
legendary
Activity: 3010
Merit: 1280
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
There are already a lot of countries that accept bitcoin in their land, which is really good for them, they spent a lot of money just to implement it in their country, some countries plant generator in their country for bitcoin mining machine purposes, they spent a huge amount of money on that but that is really worth it because they earn 50,000 Dollars everyday.

Alam ko na di ganun kayaman ang ating bansa at sobrang dami pang problema ng ikinahaharap kaya di napaguusapan ang cryptocurrency, may roon pang higit na kailangang pag tuunan ng pansin bukod dito, pero actually pwede nilang unti untiin asikasuhin ang cryptocurrency sa ating bansa para makipagsabayan naman tayo sa ibang bansa.

Napakalaking opportunity kung mayroon ito sa ating bansa kaya sana naman mayroong asensya na umasikaso nito para mapatupad sa ating bansa.

Sa pagkakaalam ko may agency ang Pilipinas para sa cryptocurrency ang that is CEZA.  If you suggest that the government ay magmina ng cryptocurrency, sa tingin ko malabo ito dahil unang-una may kakulangan tayo ng supply ng kuryente, pangalawa, masyadong mahal ang presyo ng ating kuryente which makes the set up of crypto mining industry sa ating bansa na medyo alanganin for profit.
hero member
Activity: 3010
Merit: 629
Marami ng nakakaalam ng tungkol sa crypto dito satin, malaking bagay ang coins.ph kasi ang mga users ay naging aware sa existence ng bitcoin at iba pang altcoins.

Hindi man ganoon ka suportado ng government ang crypto atleast hindi nila pinagbabawal ang pag gamit nito kaya malaya tayo sa gusto natin gawin.

Sadya lang nakakasira sa image ang mga napapabalitang scam tapos ginagamit ang bitcoin as tool kaya yung iba na sa tv kumukuha ng info napapaniwala.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
  • Karamihan ay mas prefer ang cash kesa digital payments
Ito talaga yung isa sa mga pinaka rason kung bakit kakaunti pa rin ang gumagamit ng bitcoin. Halos lahat din kasi ng mga sikat na services ngayon tulad ng mga gcash, paymaya exclusively cash lang at sapat na rin ang mga ito para mapadali or i-fulfill yung mga online transactions kaya parang hindi na kailangan maghanap pa ng ibang alternatibo.
yan nga ang problema eh,pero ang hindi nauunawaan ng mga tao ay ang advantage ng volatility ng cryptocurrency.
hindi nila nauunawaan ang pakinabang nito kung sakaling ito na ang gagamitin nilang isa sa mga option compared sa gcash at paymaya.
tsaka sa security issues mas safer naman ang crypto basta marunong tayong gumamit ng method sa pag iingat.
legendary
Activity: 3374
Merit: 1922
Shuffle.com
  • Karamihan ay mas prefer ang cash kesa digital payments
Ito talaga yung isa sa mga pinaka rason kung bakit kakaunti pa rin ang gumagamit ng bitcoin. Halos lahat din kasi ng mga sikat na services ngayon tulad ng mga gcash, paymaya exclusively cash lang at sapat na rin ang mga ito para mapadali or i-fulfill yung mga online transactions kaya parang hindi na kailangan maghanap pa ng ibang alternatibo.
sr. member
Activity: 700
Merit: 254
Sa aking palagay, kaya iilang pinoy lamang ang tumatangkilik ng cryptocurrency dahil laging napapalabas sa telebisyon o sa mga balita na mayroong naggaganap na iscam sa crypto, kaya walang taong gustong sumubok maginvest dito dahil ang tingin nila sa cryptocurrency ay isa lamang scam.
Oo totoo yan sa balita palang gamit ang cryptocurrencies ay sira na ito agad dahil sa kagagawan din NG mga kapwa nating pinoy hirap tayo na Ipaliwanag sa mga tao na hindi ito scam dahil nga nanood nila ito sa balita. Pero sa palagay ko unti unti rin yang makikilala lalo Nat marami na  ang nakakaalam na ang cryptocurrencies ay maganda.
newbie
Activity: 38
Merit: 0
Marami akong nababasa na kinakabit nila ang "scam" sa bitcoin lalo na pag may namamarket sa social media. Syempre natatakot ang mga pinoy dahil di sila familiar dito. At hindi rin mahilig sa investment ang pinoy. Mas uunahin nila ang basic needs.
sr. member
Activity: 1330
Merit: 326
Maraming reason kung bakit hindi pa fully accepted and cryptocurrency sa Pilipinas.
 
  • Lack of knowledge
  • Takot sumubok sa bagong Technology
  • Karamihan ay mas prefer ang cash kesa digital payments
  • Not all has internet connection lalo na sa mga liblib na lugar

 Ilan lamang yan sa napakaraming dahilan kung bakit hnggang ngayon, kulang pa rin ang suporta ng karamihan sa cryptocurrency. Though, our government still has a positive approach towards cryptochrrency, hindi naman maikakaila na napakadami ding ginagamit ang bitcoin for scam scheme that makes it less reputable.
 
 Actually, we already have a few steps forwards for adoption sa bansa natin. Ilan lamang sa magpapatunay ay ang pagdami ng certified virtual exchanges by BSP, ang pagdagdag ng mga Merchandise na nagtatanggap ng cryptocurrency payments. Kung iisipin mo din naman, mas dumarami ngayon ang nagiging interesado sa bitcoin dahil sa benefits na magi gain dito.
legendary
Activity: 3318
Merit: 1133
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Sa aking palagay, kaya iilang pinoy lamang ang tumatangkilik ng cryptocurrency dahil laging napapalabas sa telebisyon o sa mga balita na mayroong naggaganap na iscam sa crypto, kaya walang taong gustong sumubok maginvest dito dahil ang tingin nila sa cryptocurrency ay isa lamang scam.

Tama, isa na to sa mga dahilan.

Pangalawa para sa akin, kulang pa sa kaalaman. Out of ilang tao sa Pilipinas na nasa tamang gulang na ay iilan lamang dito ang may kaalaman tungkol sa crypto.
Nasa daan pa din tayo ng pag diskubre nito. Marami ay hindi pa nasasagi ang gantong experience pero kahit na gapang ang nangyayari sa ngayon ay darating din tayo sa point na kailangan ng baguhin ang paraan ng payments specially.
Marami na ang nagamit ng Gcash at Paymaya at isa na ito sa mga unang step.

Reality check din. Mas madali pa din matapos ang transaction kapag cash ang gamit mo. Unang option pa din kasi ito sa mga local merchant.
Tulad na lang sa pamamalengke at pagbili sa mga tabi tabi.

Groceries, Gcash na gamit ko. No hassle kasi. Iwas na din ito sa hassle ng pag-withdraw sa ATM which is madalas mahaba ang pila.
Hindi pa tayo ready dahil hindi naman ito madalas na usapin sa local news. Kung nabanggit man ang crypto currencies ay nadadamay pa sa scam.
Medyo slow ang pag yakap pero darating din yan.
Sa akin, share ko na lang sa mga friends at maging positive na mashare din nila.
full member
Activity: 2520
Merit: 214
Eloncoin.org - Mars, here we come!
hindi pa  ganon kahanda ang Pinas para sa sa ganitong technology kaya expect na natin na hindi pa ganon kadali para sa lahat ng Pinoy na tanggapin ang ang Bitcoin at ang cryptocurrencies .

though madami na dint atayong tumatangkilik ng Bitcoin pero hindi pa din sapat para sundan tayo ng majority of Filipinos .
full member
Activity: 896
Merit: 198
Let's take the case sa mga kamaganak natin. Try natin tanungin o hikayatin na gumamit ng bitcoin o kahit anung cryptocurrency yung mga kamaganak natin.

Ito yung mga kadalasang sagot, sa case ko:

1. "Ayaw ko, nakakalito gamitin okay na yung cash pinapakomplikado lang yung pagbabayad"
2. "Scam yan, tignan mo sa facebook"
3. "Hindi naman lahat ng oras may net ako sayang lang"

Di ko alam kung ganyan din yung mga sagot sa case nyo kung tatanungin nyo sila, pero madalas na nag sasabi nyan sakin ay yung mga may edad na, at hindi na open yung mindset nila para iadopt yung technology natin.

Yung iba naman may kabataan pa kaya curious malaman kung pano gumagana yung sistema.

hindi naman kasi maiiwasan nag pagduddahan nila yun. Kasi new technology to wala pa to nung panahon nila,kaya mahirap para sa kanila na intindihin ang lahat.


Kasalanan din ng mga investment scheme yan kaya akala ng iba pag sinabing bitcoin eh ponzi scheme na kasi ganun siya pinakilala ng iba, hindi bilang isang crypto currency.
sr. member
Activity: 1078
Merit: 256
Actually, di ako sang-ayon na di tinatangkilik ng Pilipinas ang cryptocurrency. Bakit ko nasabi? Ang dami kayang ganap dito at ang daming naloloko sa mga ROI gamit ang cryptocurrency. Isa pa, nabalitaan ko na ginagamit na ng Union bank ang Blockchain, at ang BDO ay nagbabalak na din na i-adopt ang Blockchain technology. Ang daming upcoming implementation ng Blockchain sa malalaking kumpanya dito sa Pilipinas na maaari ding sundan ng ilang maliliit na kumpanya.
Nadale mo bro, sa dami nung na biktima ng mga ponzi at hyip masasabi nating meron talagang mga kababayan tayo na tumatangkilik ng industryang ito, ang problema nga lang mas malaki yung porsyento nung mga nagmamadaling kumita kesa dun sa mga taong nagsuri muna bago talagang sumabak sa
pag iinvest. Pero gaya nga ng nabanggit mo may banko ng gumagamit ng blockchain at kung and BDO ay sumunod na rin sa pag adopt malaki anf magiging impact nito sa pagsunod nung iba pang mga negosyo sa bansa.
hero member
Activity: 1120
Merit: 553
Filipino Translator 🇵🇭
Actually, di ako sang-ayon na di tinatangkilik ng Pilipinas ang cryptocurrency. Bakit ko nasabi? Ang dami kayang ganap dito at ang daming naloloko sa mga ROI gamit ang cryptocurrency. Isa pa, nabalitaan ko na ginagamit na ng Union bank ang Blockchain, at ang BDO ay nagbabalak na din na i-adopt ang Blockchain technology. Ang daming upcoming implementation ng Blockchain sa malalaking kumpanya dito sa Pilipinas na maaari ding sundan ng ilang maliliit na kumpanya.
Pages:
Jump to: