Alam ko na di ganun kayaman ang ating bansa at sobrang dami pang problema ng ikinahaharap kaya di napaguusapan ang cryptocurrency, may roon pang higit na kailangang pag tuunan ng pansin bukod dito, pero actually pwede nilang unti untiin asikasuhin ang cryptocurrency sa ating bansa para makipagsabayan naman tayo sa ibang bansa.
Napakalaking opportunity kung mayroon ito sa ating bansa kaya sana naman mayroong asensya na umasikaso nito para mapatupad sa ating bansa.
Meron rin naman iilang platform-based na networking, kung nakakapag-invest sila ng pera without knowing the person behind those project, I guess they have the ability to invest in crypto din.
Natatakot sila kasi bago sa kanilang pandinig at tsaka sa dami ba naman ng scam na binalita gamit ang bitcoin e tiyak yung mga baguhan e mag-iisip na scam talaga ang bitcoin at marami na akong nakasalamuha na ganun nga ang pag iisip kaya dapat mabago talaga ito dahil kung walang edukasyon or positive news na inilalabas sa media ukol sa paksang bitcoin tiyak magiging mang-mang parin ang pinoy sa ukol dito.
Sa aking palagay naman ay hindi pa komportable ang Bangko Sentral at mga bankers na i-adopt ang Cryptocurrency as a financial tool na makakatulong sa mga Pilipino. Marami nagsasabi kasi na sinadya daw na ang mga upper echelons of business na wag pansinin ang cryptocurrency at Bitcoin dahil nga sa mga decentralized features nito. Well kung gagamitin ang cryptocurrency sa paglaganap ng online based transaction at online based na mga negosyo ay sure na tatangkilikin ito ng mga tao. But the problem nga is that the higher ups don't see the need to make Bitcoin and Cryptocurrency be accepted in Philippine society.