... pero dapat yung kayang punan lang ng kanilang user at hindi na kailangan ng super daming requirements para diyan..
Di yan basta-basta bro. Sumusunod lang sila sa batas. Sila ang mayayari sa BSP. Paano kapag suspicious amount? Or kahit di suspicious pero sabihin natin Php Php50,000 - Php100,000 araw-araw ang winiwithdraw pero walang dineclare na source of income. Alarming yan talaga. Sa totoo lang, mas OA pa nga sa banko e. Dati di naman sila mahigpit di ba? Di sila ang reason bakit ganito na ngayon.
Ang nakikita kong mas ok gawin dyan is, wag sila mag-required ng sobrang hirap na requirements dun sa di naman kataasan ang average withdrawal. Ang paghigpitan lang talaga nila iyong talagang alarming or iyong mga laging naglalabas ng pera pero sa KYC eh walang declare na source of income.
Ano kaya sa palagay mo ang sasabihin nila pag ganon?
Bro tama iyong sinabi sa taas, tingin ko rin di tatanggapin iyong screenshot kasi wala namang backup details dun sa form.
Agree din ako na wag mo muna sagutan iyong form kasi may timeframe naman yan. Di ko rin sinagutan agad yan after ko mainterview although madali lang sa akin kasi mayroon ako majority nung mga documents. Instead, mag-open ka ng ticket at ipaliwanag mo yang signature campaign earnings mo. Then from that, tingnan natin if i-allow nila iyong screenshot. Maayos ang support, iguide ka nila sa kung anong gawin.
Pero bro tinatanong na yan sa interview a, di ba tinanong yan as in parang verification lang ginawa niyo?
Marami na nakapasa na walang source of income or hirap dun sa mga documents. Ang ginawa lang nila is nakipag-usap ng maayos sa support stating their situation.
May na-interview dito dati, nakalimutan ko na kung sino pero few months ago lang yata iyon. Tinatamad na ako kasi mag-backread sa haba. Wala sya source of income and nag-worry din sya. Pero ayun nakapasa. Kung nababasa mo to, magpost ka ngayon lol.