Sa tingin ko kaya di nila binabalik ang egive cashout kasi inaalagaan nila ang partners nila para kumita din sila kasi anticipated na nila na once ibalik nila ang egive cashout ay sigurado ito ulit ang tatangkilikin ng mga users ng coins.ph especially na libre ang cashout method nato.
May point ang sinabi mo about inaalagaan nila ang mga remitance partner nila kasi kumikita din sila ng pera or in short "beneficial" sa kanila
and since negosyo ang usapan then walang duda na mas pipiliin nila kung saan sila kikita.
Hold your horses mga bro it might mislead others sa mga speculations niyo
.
Napag-usapan yata namin yan dito kung bakit wala iyong EgiveCash sa coins.ph nung walang pang Cryptotalk campaign kaya baka na-miss niyo.
Di ang coins.ph ang mismong dahilan. Maganda search niyo na lang din. Check niyo iyong June or July updated terms ng Security Bank regarding EgiveCash. Doon niyo malalaman bakit unavailable ang EgiveCash sa coins.ph.
Ang di ako sigurado kung bakit na-disabled agad ito nung 4Q ng 2018 tapos bumalik ng February 2019 then nagtagal lang ng 2 to 3 weeks yata kasi ang daming problema at puro maling codes kahit tama naman ang input.
Anyways, nagpost ako dito before ng instruction sa mga loyal sa Egivecash kung gusto talaga ipilit. Kaya lang nakakatamad na halukayin iyong post ko na iyon lol. Saka di na convenient. Mag ATM card na lang para talagang maraming options kahit emergency.