Paps nalabas na raw iyong mga pasok sa qualifying sa Mobile Legends tournament?
Narinig ko lang sa GC namin pero wala naman sila source. Pati sa Facebook ng coins.ph wala naman update.
Oo kagabi sa amin sinend nung captain namin. Kasali kami doon sa unang GC na ginawa ng representative ng coins.ph kaya na-update iyong captain namin agad. And yes, kasali kami ulit.
Saka oo nga napansin ko parang walang update sa coins.ph Facebook page. Di ko alam kung allow to pero dito mo makita iyong bracket:
https://challonge.com/CoinsCSQ1?fbclid=IwAR0GSIscUKrJqeMtPcoj3M2zR8R1JeiioFc59JH_0GyD_Lp61KRjnut32tg
Ayos a may insider pala kayo. Kaya pala kayo lang may link. Pero baka i-announce na rin yan sa coins.ph page. Pati dun sa coins.ph Gamers Facebook page wala rin yan e. Ang dami kasali. Di man lang kami pinalad. Master rank lang kasi iyong isa namin sabi ko habulin niya ranggo hangga't di pa final iyong mga sasali. Baka yan ang dahilan kasi ok naman requirements nung iba kong kasama. Sayang kahit diamonds lang sana.
Ano name ng team niyo? Puwede sabihin hehe.