sana nga maglabas na ng statement ang tagal na nyan kung di pa ayos di ko pa kasi nakikita ulit ngayon e pero base sayo hanggang ngayon wala ang masakit pa dyan may pending kang transaction na hanggang ngayon di mo pa nakukuha. Mas maganda na ireach out mo na yung security bank mismo dyan kasi wala naman magagawa ang coins sa mga ganyang issue.
Di ko lang maintindihan sa coins.ph na yan bakit kailangan i-hang ang tao sa update.
Investigating - Please be advised that Security Bank is undergoing system maintenance. During this time, eGiveCash Cash Out will be unavailable. Nov. 5 pinost yan. Malaking kawalan sa service ng Sec. Bank pag di nila naayos yan kaya imposible na di agad yan nasolusyunan. Working 100% ang EgiveCash ayon na rin sa friend ko na nagwowork dun. Between them and coins.ph talaga ang problema which is di pa rin binabanggit hanggang ngayon kung ano talaga nangyari.
Meron sana akong gusto itanong, meron akong mahal sa buhay abroad somewhere in middle east na magpapadala ng pera this month para pang pasko namin. Pwedi ko ba gamitin Coins.ph ko para mag cash in ng pera from UAE to here in the Philippines? o di kaya mas mainam kung mag open account ako sa Banko? Sino naka try tulad ng ganitong scenario?
Wala pang direct service to coins.ph pero puwede yan between 2 crypto exchanges. Pero I doubt gagamit ng crypto exchange yang mahal mo sa buhay kasi hassle din mag cash-in sa kanila if ever and di natin alam kung may crypto local exchanger sila dun sa bansang iyon.
Puwede rin naman bangko or para di na hassle para sau na mag open, sa mga remittances na lang like Western Union, ML Kwarta, Cebuana etc.