My question is indirectly related to coins.ph.
Sino dito nakapagcashout ng more than 100k sa BPI? May kaltas ba sa BPI mismo? I mean, aware ako na libre ang coins.ph to BPI na cashout, pero pag ba sa BPI na (which is over-the-counter na kasi lampas ng 20k), may kaltas ba yun? Thanks.
Edit: Nakatanggap na rin ako ng email from BPI. Libre lang daw ang withdrawal nila kahit more than 20,000.
Hindi ba sila nagtatanong or hindi ba masama tingin nila kapag nag withdraw ka ng ganun kalaking halaga? Haha parang nakakatakot kasi baka bigla nilang ihold yung withdrawal mo. Actually, never ko pa na experience mag cash out sa BPI ng ganong amount dahil pag malakihan sa cebuana ako nag cacash out. Anyway, thanks for this info dahil maari ko itong magamit in the future.
No questions asked naman nung nagwithdraw ako. It took me siguro 5 mins lang, nakuha ko na pera ko. Nabasa ko dati, kapag lampas 500k na ang withdrawal mo, saka ka pa lang iinterviewhin.
Bro tanong ko pang, nung nag cashout ka sa cebuana isang araw mo lang ba kinuha yung 150k mo? As in walang tanong tanong? Sakin kasi kapag nagcacashout ako hinahati hati ko pa e bale 50k every 2-3days para iwas tanong tanong
Dati ganyan din ako mag cashout every 3-4 days naman ako pero nung nakilala na ko sa cebuana is ok naman na kahit mag cashout pa ko ng 100k sa isang araw. Every cashout ko kasi is nagtanong na sila about coinsph and bitcoin and inexplain ko naman san galing yung cashout ko which is tru trading. Pero sa isang branch lang yun na kilala ako. Pag sa ibang brang is minimum lang ginagawa ko.