Tingin ko natanong na ito dati pero hindi ko na rin mahanap ang sagot sa dami ng replies.
My question is indirectly related to coins.ph.
Sino dito nakapagcashout ng more than 100k sa BPI? May kaltas ba sa BPI mismo? I mean, aware ako na libre ang coins.ph to BPI na cashout, pero pag ba sa BPI na (which is over-the-counter na kasi lampas ng 20k), may kaltas ba yun? Thanks.
Edit: Nakatanggap na rin ako ng email from BPI. Libre lang daw ang withdrawal nila kahit more than 20,000.
Hindi ba sila nagtatanong or hindi ba masama tingin nila kapag nag withdraw ka ng ganun kalaking halaga? Haha parang nakakatakot kasi baka bigla nilang ihold yung withdrawal mo. Actually, never ko pa na experience mag cash out sa BPI ng ganong amount dahil pag malakihan sa cebuana ako nag cacash out. Anyway, thanks for this info dahil maari ko itong magamit in the future.
The reason I wanted an over-the-counter withdrawal kasi nga baka makalibre ako sa fees hahaha. And fortunately, libre nga (pero may bago silang inilibas na fee structure to be implemented starting September). Pag Cebuana kasi, 500 pesos for every 50k, namamahalan ako kasi more than 1500 na yung charge nung sakin kung nangyari.
No questions asked naman nung nagwithdraw ako. It took me siguro 5 mins lang, nakuha ko na pera ko. Nabasa ko dati, kapag lampas 500k na ang withdrawal mo, saka ka pa lang iinterviewhin.