Share ko lang experience ko regarding sa level 2 and 3 verification. Around 8 am kahapon, nagsubmit ako ng ID and selfie, gamit ang postal ID (nag-apply ako for postal ID last June 5, natanggap ko June 25), sinubmit ko, very clear ang ID pero sa selfie, hindi siya ganoong ka-clear dahil yun lang nakayanan ng phone ko. Around 7 pm, naverify na. Agad akong nagproceed sa level 3, nagsubmit ako ng Barangay Certificate (pinakamadaling makuha kung walang proof of billing). Pagka-gising ko, level 3 verified na din ako. Nakakatuwa lang dahil within 24 hours, nareview at naverify ang account ko, level 3 pa!
So sa mga nagbabalak na taasan ang limits nila, kung wala kayong valid gov't ID, pinakamadaling makuha (sa experience ko) ay postal ID, isang araw lang din ata kapag police clearance pero mas marami ata ang requirements. Sa level 3 naman, kung walang proof of billing na nakapangalan sa inyo, pumunta lang kayo kay kapitan at humingi ng Barangay certificate. Medyo i-clear lang yung shots kapag pinicturan at dapat na isubmit ng magkasunod ang ID at selfie para hindi ma-reject.
Kapag completo talaga ang gamit mung requirements eh talagang mamabilis ang proceso mo sa pag upgrade ng account, 3 - 4 days lang ata upgrade na kagad account ko sa level 2 nag message kasi ako sa support staff para mapabilis pa lalo kaya kung medyo mabagal ang pag process nila kailangan niyo lang silang i-PM through support email.