Approved ako kinabukasan lang din. Pero nung mismong araw, may mga mali ako pero yun din naman sinubmit kong IDs. Ganyan din sa akin tulad ng sayo.
Posibleng sa angle ng camera yan kaya di nila inapprove, ulitin mo lang. Naka ilang ulit din ako bago nila inapprove kinabukasan, sa picture at selfie talaga tumagal.
Fortunately, na-approve na din yung documents ko for level 2 verification. Unforunately, naka "CUSTOM" pa din yung level ko kaya nag message ako sa coins.ph help-desk about this issue. Again, they told me na kailangan daw i-complete yung kanilang "enhanced KYC verification" where need ko din mag provide ng documents showing kung saan ko nakukuha source of income ko (since unemployed ako, yung remittances or payslip ng mom ko, etc.).
Grabe, sobrang higpit nga ng coins.ph ngayon sa kanilang KYC na nirerequire din malaman yung income statement ng benefactor ko (unemployed ako kaya documents ng parents ko). I do hope ma-approve kasi sobrang dami nila nirerequire talaga.
Mahigpit talaga sila ngayon kasi nga hinigpitan din ata sila ng BSP. Akala ko yung custom parang level 4 and above yun pala pwede nilang i-custom kahit level 2. Ang baba lang ng limit niyan tapos custom pa ginawa nila sayo. Provide ka nalang ng mga hinihingi nila para tumaas limit mo, pero kung goods naman sayo yung limit sa level mo, wala rin namang problema.
Mukhang possibleng may camera angle talaga ang Coins kung saan tinatangap nila ang isang document, kasi ako sa pangalawang pag kakataon hiningan ng KYC verification at 2 or 3 beses ko ng pinasa yung driver's license ko pero hindi daw klaro yung pag ka kuha ko ng signature ko samantalang napaka clear naman ng pag ka kuha ko lol.
Sa ngayun hinahayaan ko muna, try ko kung hanggang kailan nila ako e prohibit gumamit ng platform nila lol.
Posible talaga sa camera angle din minsan kasi kahit malinaw, na deny yung sinend ko sa kanila pero the same doc lang din naman sinend back ko sa kanila tapos inapprove din naman.