Kung tama ang pagkakaalala ko, parang kaka-comply ko lang ng interview at fill ups kay coins.ph early 1st quarter nitong taon o di kaya last year ng December. Kakareceive ko lang email sa kanila na need ko mag comply ulit sa KYC nila para sa interview at nag pa schedule na ako.
Grabe naman yan kung walang kinalaman sa mga expired documents... Sa akin naman binabaan nila ang level ko from 3 to 2, pero since bihira na ako gumamit ng services nila, di ko pinansin.
Parang nire-ready ko na nga sarili ko eh, from 400k monthly cashout limit down to level 2 na pwede din mangyari sakin, accept nalang din gagawin ko tutal wala naman akong magagawa. Okay lahat ng docs ko na sinend sa kanila pero siguro nga dahil lang sa mandate ni BSP at posible rin dahil sa bagong management.
Out of curiosity, binago mo ba ang behavior ng account mo in the past months [ngayon lang ako nakakita ng ganitong case]?
Medyo, madalas na kasi ako sa ibang exchange pero may pinapasok pasok pa rin naman ako tapos same services, loads, bills, etc. na mga common service nila na madalas kong gamitin.
Unfortunately, it was bound to happen eventually.
Yun nga eh, kaya maganda na magkaroon ng ibang mga competitors para rin sating mga users na madami pagpipilian tapos pagandahan sila ng service.
Paborito ka ata ni coins at madalas ang pag verify sayo, sakin kasi hindi ko na matandaan parang 2-3 years na pero di na naulit. Ako na nga mismo yung nagtatanong kung kelan nila a-update yung account ko para mag comply ulit sa kyc pero hanggang ngayon wala. Isa ang account ko na nasa level 3 pero naka custom limit kaya 25k lang yung limit ko monthly para sa cash-in at cashout, napakababa. Baka may unusual na transaction sa account mo kaya ganyan. Naghigpit kasi talaga sila kaya mahirap mag-iwan ng pera sa coins.
Grabe naman yan, parang di ko ata na masusulit kapag kahit level 3 tapos custom limits into 25k. Parang mas okay pa na idowngrade nalang sa level 2 kesa naman level 3 pero sobrang baba ng limit. Ewan ko ba dito kay coins, wala naman tayong magagawa eh. Hindi naman na tulad ng dati ginagawa ko na malakihang transactions pero nirerequired pa rin nila ako eh. Ngayon naintindihan ko na bakit ang daming may ayaw na sa kanila, sa side ko walang problema kasi gustong gusto ko sila pero baka magbago din yun depende kung anong maging resulta na bibigay nila sa akin after ng interview.