Pages:
Author

Topic: Coins.ph Official Thread - page 41. (Read 291599 times)

legendary
Activity: 3108
Merit: 1290
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
August 29, 2021, 06:50:34 AM
Magpadala kasi ako ng pera sa kapatid ko using a number via coins.ph pero ang problema ay nagkamali siya ng pag-input ng number, ang nailagay niya ay yong number na hindi pa register sa coins.ph pero nakatanggap naman siya ng text sa number na iyon na mayroon siya natanggap na pera galing sa akin pero hindi nya magawang i-withdraw sa ngayon dahil wala nga ito sa coin.ph.

May chance pa ba na makuha yong pera na yon or ano ba pwede gawin?
Yes, pwede pa rin niya iwithdraw yung pinadala mo sa kanya, as long as na mag register siya with that number [within 5 days]. If for some reason di siya pwede mag register within that period, automatically ibabalik nila yung amount sa account mo Wink


Pwede palang ganito, mukhang hindi naman safe ang ganitong style nila, di kaya pwedeng hindi nalang tanggapan ang pinadala kung hindi mag appear ang number sa system nila, dahil online naman sila, so madali lang makikita. Ang ibig kung sabihin ay yung gaya ng pag send ng pero from gcash to gcash, kung di registered ang number mo, hindi mo pwedeng i send ang pera.
legendary
Activity: 2968
Merit: 3406
Crypto Swap Exchange
August 29, 2021, 02:51:44 AM
Magpadala kasi ako ng pera sa kapatid ko using a number via coins.ph pero ang problema ay nagkamali siya ng pag-input ng number, ang nailagay niya ay yong number na hindi pa register sa coins.ph pero nakatanggap naman siya ng text sa number na iyon na mayroon siya natanggap na pera galing sa akin pero hindi nya magawang i-withdraw sa ngayon dahil wala nga ito sa coin.ph.

May chance pa ba na makuha yong pera na yon or ano ba pwede gawin?
Yes, pwede pa rin niya iwithdraw yung pinadala mo sa kanya, as long as na mag register siya with that number [within 5 days]. If for some reason di siya pwede mag register within that period, automatically ibabalik nila yung amount sa account mo Wink

hero member
Activity: 2072
Merit: 542
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
August 29, 2021, 02:16:35 AM
May tanong lang ako mga kabayan with regards to may recent experience.

Magpadala kasi ako ng pera sa kapatid ko using a number via coins.ph pero ang problema ay nagkamali siya ng pag-input ng number, ang nailagay niya ay yong number na hindi pa register sa coins.ph pero nakatanggap naman siya ng text sa number na iyon na mayroon siya natanggap na pera galing sa akin pero hindi nya magawang i-withdraw sa ngayon dahil wala nga ito sa coin.ph.

May chance pa ba na makuha yong pera na yon or ano ba pwede gawin?

Maraming salamat sa sasagot..
hero member
Activity: 3010
Merit: 629
August 26, 2021, 08:20:37 PM
Para sa atin na kumikita sa crypto, I think kahit 100 php pa yan, hindi na natin pansin yan dahil sa transaction fee pa lang sa pagtransfer ng crypto natin, malaki na babayaran nating fee lalo na kung galing sa mga exchanges and pera natin. 10 pesos fee is nothing compared to the fees exchanges are charging us, but we are still thankful na may free charge and instapay now.
Tama naman kung ikukumpara sa fee ng ibang exchanges, maliit naman talaga ang 10 pesos. Pero still, free is free kaya nakakatuwa lang mag transact na wala sila ichacharge na fee. Anyway kala ko forever na ito pero hanggang 31 lang pala. Hehe

Sa tingin ko pag naglabas na ang gcash ng crypto trading, saka lang gagawa ang coins ng paraan para mag stay ang users sa kanila. Pwedeng isa na dyan ang pagtanggal sa fee hopefully.  Smiley
legendary
Activity: 3108
Merit: 1290
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
August 26, 2021, 04:36:01 PM
Ohh , until 31 lang pala kabayan ? kala ko pa naman permanente na dahil madalas pa naman ako mag cash out thru Gcash nitong mga nakaraan
Naku malabo yang permanente. Wag natin iexpect yan. Smiley Pero malaking bagay yang libreng fees.

Malaking tulong nga kahit isang buwan lang na free ang instapay. Pero mura narin yung Php10 per transaction sa instapay compared noon na Php25, at sa mga remittances naman ay Php10 pero Php1,000 transaction.
Na eenjoy ko talaga yung mahaba habang panahon na naging free yung instapay noong simula ng pandemya halos isang taon ata yung free sa instapay. Pero hindi talaga ito libre, may bayad talagang ang instapay. Kaya't hanggang may libre ay sulitin na natin dahil maaring hindi na natin ma aavail ang ganitong libre pag wala ng pandemic hehe.


Para sa atin na kumikita sa crypto, I think kahit 100 php pa yan, hindi na natin pansin yan dahil sa transaction fee pa lang sa pagtransfer ng crypto natin, malaki na babayaran nating fee lalo na kung galing sa mga exchanges and pera natin. 10 pesos fee is nothing compared to the fees exchanges are charging us, but we are still thankful na may free charge and instapay now.
hero member
Activity: 2716
Merit: 552
August 20, 2021, 06:38:24 AM
Ohh , until 31 lang pala kabayan ? kala ko pa naman permanente na dahil madalas pa naman ako mag cash out thru Gcash nitong mga nakaraan
Naku malabo yang permanente. Wag natin iexpect yan. Smiley Pero malaking bagay yang libreng fees.

Malaking tulong nga kahit isang buwan lang na free ang instapay. Pero mura narin yung Php10 per transaction sa instapay compared noon na Php25, at sa mga remittances naman ay Php10 pero Php1,000 transaction.
Na eenjoy ko talaga yung mahaba habang panahon na naging free yung instapay noong simula ng pandemya halos isang taon ata yung free sa instapay. Pero hindi talaga ito libre, may bayad talagang ang instapay. Kaya't hanggang may libre ay sulitin na natin dahil maaring hindi na natin ma aavail ang ganitong libre pag wala ng pandemic hehe.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
August 19, 2021, 10:09:46 PM
Ohh , until 31 lang pala kabayan ? kala ko pa naman permanente na dahil madalas pa naman ako mag cash out thru Gcash nitong mga nakaraan

Naku malabo yang permanente. Wag natin iexpect yan. Smiley Pero malaking bagay yang libreng fees.

Take note, bago nag-charge ang coins.ph ng mga withdrawal fees sa Gcash, Banks etc. Na-enjoy ng mga users nila ang no withdrawals fees ng halos isang taon or if I'm not mistaken, sobra pa ng isang taon dahil sa memonrandum related sa pandemic.

So pag may ganyang events, promotional man or hindi, i-take advantage lang natin. Smiley
Lagpas ata isang taon din yun kasi bago din yung pandemic, libre lang din dati yung transfer nila at mabilis lang din naman. Karamihan lang na may fee dati ay yung sa mga remittance. Tama ka, na hangga't nandyan yan ay i-enjoy nalang natin at malaking bagay na rin yan kung palagian kang may transaction sa mga wallets o banks na may libreng fee. Sana i-extend pa nila kasi may mga banks naman na hanggang katapusan ng taon pero hindi natin alam at kung tutuusin okay naman ang serbisyo ni coins.ph at walang problema.
legendary
Activity: 3122
Merit: 1398
For support ➡️ help.bc.game
August 19, 2021, 06:20:04 PM
Ohh , until 31 lang pala kabayan ? kala ko pa naman permanente na dahil madalas pa naman ako mag cash out thru Gcash nitong mga nakaraan

Naku malabo yang permanente. Wag natin iexpect yan. Smiley Pero malaking bagay yang libreng fees.

Take note, bago nag-charge ang coins.ph ng mga withdrawal fees sa Gcash, Banks etc. Na-enjoy ng mga users nila ang no withdrawals fees ng halos isang taon or if I'm not mistaken, sobra pa ng isang taon dahil sa memonrandum related sa pandemic.

So pag may ganyang events, promotional man or hindi, i-take advantage lang natin. Smiley
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
August 19, 2021, 02:34:21 PM
Napansin ko lang nawala yung fee pag nag cash out sa gcash at metrobank through instapay.
May announcement ba sila tungkol dito at hanggang kelan kaya?
Sana wag na nila ibalik ang fee para mas convenient mag cash out sayang din kasi pang load.
Nag process din ako ng withdrawal from Coins to Gcash nung isang araw ata yun, napansin din namin na walang fee.

Ngayon ko lang nalaman na for promotional purposes lang pala nila yun. Medyo makati rin yang fee kasi kapag need ulit mag top up sa ibang wallet, sayang din yun para sa marami. Sana tagalan pa nila yung libreng fee, or kahit bawasan nalang nila.
malabo yata yan, tingin ko eh dun lang sila mas kumikita,... Tignan na lang natin nung first year ng pandemic, tingin ko sa market ng Coins eh talagang bumaba sila although tumaas naman ang mga users pero hnd sila masyadong kumita dahil kaliwat kana din ung isinabay nilang events kaya tingin ko ngayon na yan magbabawi. Kaya asahan na natin panandalian lang yan
sr. member
Activity: 1764
Merit: 260
Binance #SWGT and CERTIK Audited
August 16, 2021, 12:54:28 PM
Napansin ko lang nawala yung fee pag nag cash out sa gcash at metrobank through instapay.
May announcement ba sila tungkol dito at hanggang kelan kaya?
Sana wag na nila ibalik ang fee para mas convenient mag cash out sayang din kasi pang load.
Nag process din ako ng withdrawal from Coins to Gcash nung isang araw ata yun, napansin din namin na walang fee.

Ngayon ko lang nalaman na for promotional purposes lang pala nila yun. Medyo makati rin yang fee kasi kapag need ulit mag top up sa ibang wallet, sayang din yun para sa marami. Sana tagalan pa nila yung libreng fee, or kahit bawasan nalang nila.
legendary
Activity: 3108
Merit: 1290
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
August 16, 2021, 10:30:42 AM
Napansin ko lang nawala yung fee pag nag cash out sa gcash at metrobank through instapay.
May announcement ba sila tungkol dito at hanggang kelan kaya?
Nag tweet sila nun Aug 13 tungkol sa pagtangal ng mga fees for cashing out through InstaPay at unfortunately, hanggang Aug 31 lang walang fee [link].
- Surprisingly, di nila sinama yun sa "blog post" nila!
Ohh , until 31 lang pala kabayan ? kala ko pa naman permanente na dahil madalas pa naman ako mag cash out thru Gcash nitong mga nakaraan dahil lumalakas na ang Gcash cash-in cash- out ni misis.
sayang din kasi yong natitipid sa fee lalo na pag emergency cash out lang pag nasagad ang laman ng gcash , pinapaikot ko from btc to peso to gcash at ibabalik ko nalang sa btc pag marami na nag cash in..
anyway salamat sa Update , at least sasamantalahin kona itong mga susunod na araw bago ibalik ang fee requirements hehe.
Nagtaka nga ako kung bakit biglang walang fee, hehe.. promo lang pala to nila, pero ayos na rin ako sa fee, 10 pesos per transaction lang naman kasi, di gaano kalaki compared sa convenient na nabibigay ng GCASH.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
August 16, 2021, 06:57:46 AM
Napansin ko lang nawala yung fee pag nag cash out sa gcash at metrobank through instapay.
May announcement ba sila tungkol dito at hanggang kelan kaya?
Nag tweet sila nun Aug 13 tungkol sa pagtangal ng mga fees for cashing out through InstaPay at unfortunately, hanggang Aug 31 lang walang fee [link].
- Surprisingly, di nila sinama yun sa "blog post" nila!
Ohh , until 31 lang pala kabayan ? kala ko pa naman permanente na dahil madalas pa naman ako mag cash out thru Gcash nitong mga nakaraan dahil lumalakas na ang Gcash cash-in cash- out ni misis.
sayang din kasi yong natitipid sa fee lalo na pag emergency cash out lang pag nasagad ang laman ng gcash , pinapaikot ko from btc to peso to gcash at ibabalik ko nalang sa btc pag marami na nag cash in..
anyway salamat sa Update , at least sasamantalahin kona itong mga susunod na araw bago ibalik ang fee requirements hehe.
legendary
Activity: 2968
Merit: 3406
Crypto Swap Exchange
August 16, 2021, 12:52:30 AM
Napansin ko lang nawala yung fee pag nag cash out sa gcash at metrobank through instapay.
May announcement ba sila tungkol dito at hanggang kelan kaya?
Nag tweet sila nun Aug 13 tungkol sa pagtangal ng mga fees for cashing out through InstaPay at unfortunately, hanggang Aug 31 lang walang fee [link].
- Surprisingly, di nila sinama yun sa "blog post" nila!
hero member
Activity: 3010
Merit: 629
August 15, 2021, 09:11:52 PM
Napansin ko lang nawala yung fee pag nag cash out sa gcash at metrobank through instapay.
May announcement ba sila tungkol dito at hanggang kelan kaya?
Sana wag na nila ibalik ang fee para mas convenient mag cash out sayang din kasi pang load.
legendary
Activity: 3122
Merit: 1398
For support ➡️ help.bc.game
August 04, 2021, 06:37:08 PM
Totoo yan, mas convenient pa rin kasi ang pag cash out through bank kesa remittance.

Wag natin icompare yan bro kasi talaga namang mas convenient ang cash out through bank. Di niyo talaga masisi iyong iba kung remittance sila tumatanggap ng pera lalo sa mga province na mas kalat ang remittance centers kaysa sa ATM. Ilan beses ko na naranasan yan nung lagi ako umaalis as a service sa provinces. Walang kwenta ang Gcash card at ATM card pag sobrang lalim na ng napuntahan ko kaya dapat mag withdraw na sa madadaanang may ATM sa bayan or stopover.

Ibig sabihin kahit sino pwede mag open ng bank account basta may pang initial deposit lang na pasok sa requirement ng banko.

Sa Unionbank, iyong annual fee sa savings account lang babayaran, around Php 500. Pero aside sa primary ID, need supported docs para ivalidate iyong address kapag pupunta na sa branch. Puwede na iyong 2 primary basta same address.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
August 03, 2021, 02:41:40 AM
Actually madali lang naman pero ngayon ata naghigpit na din ang banks sa ID's na acceptable nila para makapag open account. Usually primary ang hinihingi kaya kung wala ka nun hindi rin magiging madali.
Ang mga madalas lang naman na walang primary ID ay yung mga students palang at bagong graduate. Pero madali lang yan makakuha kasi rerequire naman yan sa karamihan ng mga future transactions na gagawin nila, kaya sila nalang gumawa ng paraan para makapag open ng bank account. At sa mga students naman, pwede naman silang mag open ng bank account kasi open na ang mga banko para ipush ang pag-iipon para sa mga students. Oo nga pala, may London hard fork sa Ethereum sa August 5 at nag announce na si coins.ph kung anong mangyayari kapag naganap na yan ano ang allowed at hindi, nasa FB page nila check niyo nalang.
legendary
Activity: 3108
Merit: 1290
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
August 02, 2021, 12:28:38 PM
Mahirap ba mag bukas ng bank account? Sa BPI 500 pesos lang ang deposit. Sa BDO, maybe 2000 pesos, not sure.
Actually madali lang naman pero ngayon ata naghigpit na din ang banks sa ID's na acceptable nila para makapag open account. Usually primary ang hinihingi kaya kung wala ka nun hindi rin magiging madali.
Hindi rin, ini encourage ng government ang mga tao na mag open ng bank account kaya madali lang ang ID requirements for KYC.
Ito ang mga acceptable IDs ayon sa https://www.bpi.com.ph/bank/savings/list-of-acceptable-ids para sa BPI.

Quote
Here's a list of acceptable IDs when you open a savings or a checking account.

Passport including those issued by foreign governments
Driver's license
Professional Regulation Commission (PRC) ID
Postal ID
Voter’s ID
Taxpayer Identification Number (TIN)
Government Service Insurance System (GSIS) e-Card
Social Security System (SSS) card
Senior Citizen card
Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ID
Overseas Filipino Worker (OFW) ID
Government office and Government-owned and Controlled Corporation (GOCC) ID e.g., Armed Forces of the Philippines (AFP), Home Development Mutual Fund (HDMF) IDs
ID issued by the National Council on Disability Affairs
Integrated Bar of the Philippines (IBP) ID
Company IDs issued by private entities or institutions registered with or supervised or regulated either by the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Securities and Exchange Commission (SEC) or Insurance Commission (IC)
PhilHealth Health Insurance Card ng Bayan
National Bureau of Investigation (NBI) Clearance
Police Clearance
Baranggay Certification
Seaman’s Book
Alien Certificate of Registration / Immigrant Certificate of Registration
Department of Social Welfare and Development (DSWD) Certification
Professional ID cards issued by Maritime Industry Authority (MARINA)

Ibig sabihin kahit sino pwede mag open ng bank account basta may pang initial deposit lang na pasok sa requirement ng banko.
hero member
Activity: 3010
Merit: 629
August 02, 2021, 08:00:25 AM
Mahirap ba mag bukas ng bank account? Sa BPI 500 pesos lang ang deposit. Sa BDO, maybe 2000 pesos, not sure.
Actually madali lang naman pero ngayon ata naghigpit na din ang banks sa ID's na acceptable nila para makapag open account. Usually primary ang hinihingi kaya kung wala ka nun hindi rin magiging madali.

While I'm all for "bitcoin is for the unbanked", mas madali pa rin kung meron ka any of the supported big bank accounts, lahat gumagana sa coins.ph.
Totoo yan, mas convenient pa rin kasi ang pag cash out through bank kesa remittance.

sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
August 02, 2021, 01:46:07 AM
kasi sa part ko di na ako nagbibigay ng kahit anong ID now every withdrawal ko kasi kilala na ko sa tatlong branches na pinag cacash outan ko.

Dapat nga ganyam lagi. Sa kaso ko kasi may ibang branches na need ng dalawang ID kahit may record ka na. Iyong isang branch ng LBC dito malapit sa amin sobrang daming arte. LBC card tapos need pa 2 valid IDs. Wala namang problema kaya lang dapat di na ganyan at puwede na kahit isang ID lang. Iyong iba ngang branch ng LBC, card lang ang need wala ng ID. Di ako nakikilala ng mga teller or cashier. Ang nakakatanda lang sa akin mga guwardiya lol.

Nako kapag LBC talaga ay masyadong maraming arte. Dati pa yan eh.
Yung pinag ca-cashoutan ko dati is Cebuanna kaso parang tinggal na ata ng Coins sa isa sa mga options ng CO, kaya lumipat ako sa ML. So far ok naman sa ML isang ID lang hinahanap.
Pero mas mainam kung mag bank transfer nalang kasi mas mabilis at mas mura. Kasi Php10 lang ang tx fee any amount sa instapay. Compared sa mga remittances na kadalasan ay Php10 per Php1,000 transaction.
Noon nag cacash out din ako sa LBC and yeah medyo maarte nga talaga sila pero eventually naging close ko din sila ang naging maluwang na din sa mga withdrawals ko.

though may instance din na pag bago ang teller eh required talaga akong mag provide ng ID lalo na kung medyo malaki ang withdrawals ko.

kaso now mas malapit na ang mlhuiller sakin kaya di na ako gumamit ng lbc.
sr. member
Activity: 1764
Merit: 373
<------
August 01, 2021, 05:40:51 AM
Mahirap ba mag bukas ng bank account? Sa BPI 500 pesos lang ang deposit. Sa BDO, maybe 2000 pesos, not sure.

While I'm all for "bitcoin is for the unbanked", mas madali pa rin kung meron ka any of the supported big bank accounts, lahat gumagana sa coins.ph.

Bihara ang tao na meron 10 bitcoins or 100 eth, or something na ganun, tapos walang bank account? Hanap ka lang pinaka malapit na bank. BDO, BPI are in most malls kasi SM at Ayala sila.

Wala po atang Citibank or HSBC si Coins.ph .
Pero di ko lang po sure kung meron na. Last time kasi while I was telling my cousin about coins.ph , tinanong nya ako kung available ba for deposit/withdrawal thru these 2 intl banks, wala po akong naisagot. Hahaha
Pages:
Jump to: