Payo ko lang, maging honest ka sa kanila. Wala namang masama kung sasabihin mo talaga saan galing ang weekly funds mo. Nade-deactivate lang yung account kapag galing sa hindi maganda yung funds na narereceive sa account nila at nadetect nila. Meron akong nabasa dati na yung pondo ng account ay galing sa ponzi at pinoy scam na pyramiding kaya ang ginawa ni coins ay disabled na ang account forever. Pero may case na yung pondo pinawithdraw pa rin naman nila sa mga namali nilang akala na galing sa scam pero hindi na nireactivate basta pinawithdraw nalang yung laman.
Good to know naman na pinapa withdraw nila yung funds bago ideactivate ang account pero sa other stories ng virtual friends ko before, na ban yung account nila without releasing the funds, maybe depende sa case.
Kaya simula noong may nalaman akong ganyang pangyayari, maliit man o malaki, iwas na ako mag send o receive sa mga gambling sites.
User agreement kasi yan na madalas hindi na natin binabasa upon signing up.
Kakatamad kasi.
Betur, Inc., dba Coins.ph is duly registered with the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) as Remittance & Transfer Company (RTC) with Money Changing (MC)/ Foreign Exchange Dealing (FXD) & Virtual Currency Exchange (VC) service, and all such activity is subject to the rules and regulations of the Bangko Sentral ng Pilipinas and the Anti-Money Laundering Act (AMLA), as amended.
Prohibited Uses include transaction or activities related to:
*(c) Gambling: Online gambling, lotteries, casinos and informal gambling, gaming operations, sports betting, and other games of chance and forms of speculation;
Wala tayo laban diyan kung sakali. Kasi nakasaad ito sa kanila.
Maswerte ka na lang kung warning muna at may pag asa ka pa maka-withdraw muna.
Problema naman, pano ung mga susunod na transaction mo. Pinaka-madali na ngayon is Coins.ph application.