Alam mo bro, yan ang nakakapagtaka sa account ko naman. Parang 2 years na akong hindi nagpapaverify or nag-su-submit na kahit anong documents sa kanila. IIRC, parang nung 2017 pa ako last nagsubmit sa kanila. Bale ang sistema ng pag-gamit ko ng account ko eh nag-ca-cashout din naman ako ng malakihang PHP pero ang ginagawa ko eh nagca-cash-in din ako after non. Di ko siya kino-convert to BTC pero pinambabayad ko sila sa credit card bills ko (isama mo na ang postpaid plans and internet bills) na medyo malaking amount din. What I'm currently thinking eh as long as consistent yung cash-in and cashout mo, hindi ka nila hihingan ng kung ano-anong documents. Well, this might be the case for
my account only and might differ to other people.
Ang problema ko ngayon, baka mamaya may makabasa nito and bigla akong hingan nila ng documents. Laking tawa ko pag ganon.
Haha. Hindi naman siguro.
Parang same tayo ng position dito.
Sa akin naman minsan lang lumalaki ang cash out ko pero madalas may napasok talaga.
So siguro kaya hindi rin ako madalas maquestion dahil nga sa consistency.
Anyways, ingat pala guys sa pag scan ng barcode ni Meralco.
Nag-try ako kanina at kung ano anong number ang nalabas.
Yun ay nung nasa mild lit lang ako ng ilaw.
Kung mag-scan kayo siguraduhin na nasa liwanag talaga at lagi icheck muna ang 26 digit number.
Mabuti na sigurado para hindi sayang ang pera niyo.
Muntik na kasi ako buti na lang nagloloko internet kanina.
Kaya nagmanual na lang ako ng type ng number with triple check pa.