Pages:
Author

Topic: Coins.ph Official Thread - page 83. (Read 291200 times)

legendary
Activity: 2240
Merit: 1069
January 21, 2020, 04:42:42 AM
Guys, sino na naka experience sa inyo sa app e mag lolog in ulit kapag binuksan ito? Nag open kasi ako at ayun nga pinag log in ako pero hoping na di kasama yun sa dagdag security nila.

Ilang days of weeks ba inaabot bago mag expire yung log in sa app at kailangan mo ulit mag log in? baka kasi nag expire lang yung log in ko kaya pinag log in ulit ako? 

Di ko alam kung random or kung may update kapag nagrerequire ng log in ulit sa app, pero nangyayari yan paminsan minsan. Kahit araw araw mo pa gamitin coinsph app, may pagkakataon na biglang nag rerequire ng login. Di naman mahirap mag login. wag na natin gawing issue ito.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1149
https://bitcoincleanup.com/
January 21, 2020, 01:54:06 AM
~
Ilang days of weeks ba inaabot bago mag expire yung log in sa app at kailangan mo ulit mag log in? baka kasi nag expire lang yung log in ko kaya pinag log in ulit ako? 
Case to case basis din yata kapag ma-log out ka ni coins. Gaano ba ka-frequent yun sa'yo? Nangyayari din sa akin ito at sa ibang apps pero hindi ko na masyado pinapansin dahil sa tagal bago mangyari ulit.
hero member
Activity: 3010
Merit: 629
January 21, 2020, 01:34:33 AM
Guys, sino na naka experience sa inyo sa app e mag lolog in ulit kapag binuksan ito? Nag open kasi ako at ayun nga pinag log in ako pero hoping na di kasama yun sa dagdag security nila.

Ilang days of weeks ba inaabot bago mag expire yung log in sa app at kailangan mo ulit mag log in? baka kasi nag expire lang yung log in ko kaya pinag log in ulit ako? 
Ganyan nangyayari sakin kapag matagal akong hindi nakapagbukas parang nire refresh kaya dapat ulit mag log in.

Anyway kumuha ako ng bank statement para i send as documents sa coins, malapit na ko di makapag cashout kasi pabawas ng pabawas account limits ko sana ma approve na at ng back to normal na transaction na pwede ko gawin.
sr. member
Activity: 770
Merit: 253
January 21, 2020, 12:14:14 AM
Guys, sino na naka experience sa inyo sa app e mag lolog in ulit kapag binuksan ito? Nag open kasi ako at ayun nga pinag log in ako pero hoping na di kasama yun sa dagdag security nila.

Ilang days of weeks ba inaabot bago mag expire yung log in sa app at kailangan mo ulit mag log in? baka kasi nag expire lang yung log in ko kaya pinag log in ulit ako? 

Baka nga po for security reason lang din, kapag naging inactive ka, so far naman po sa akin di ko pa naexperience siguro dahil almost everyday naman ako nagamit ng coins.ph dahil kay Yobit kaya lagi ko to naoopen, pero better to verify pa din, katakot na kasi now baka may something na naman, para maging aware and makampante tayo.
sr. member
Activity: 924
Merit: 265
January 20, 2020, 11:22:37 PM
Guys, sino na naka experience sa inyo sa app e mag lolog in ulit kapag binuksan ito? Nag open kasi ako at ayun nga pinag log in ako pero hoping na di kasama yun sa dagdag security nila.

Ilang days of weeks ba inaabot bago mag expire yung log in sa app at kailangan mo ulit mag log in? baka kasi nag expire lang yung log in ko kaya pinag log in ulit ako? 
legendary
Activity: 3262
Merit: 1130
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
January 20, 2020, 09:34:33 PM
Oras-oras ba nagwiwithdraw ang ilan dito at ang simpleng OTP e hassle pa para sa kanila haha.

[snip]

Simpleng OTP lang yan. Wag na palakihin. Pag dumating kayo sa time na na-hack kayo, malalaman niyo ang halaga nyan.

Di rin naman natin alam kung ano sitwasyon nila. Baka nga minu minuto sila nag cacash out, kaya sobrang hassle sa kanila. At parang normal naman na mareklamo ang mga pinoy sa pagbabago kahit pa sa mga bagay na ikabubuti nila.
Tama. Di natin yan alam. Iba't iba ang business natin dito. Baka meron nga talaga na kada araw ay nagwiwithdraw.
Okay na din ako sa 2FA ko. As long as wala naman makakanakaw ng cellphone ko eh nasa safe mode pa ako.
Kahit naman mahack nila e-mail eh kelangan nila dumaan sa butas ng karayom para maprove na kanila ang account ko.
Yun ang kinagandahan ng security ng Coins pag dating sa mga nawalang 2FA. Mostly, palit ng cellphone at nawala ang 2FA key.

May Enhanced Verification Form na naman si coins.ph. Same rin lang naman na information ang kinuha pero bakit kailangan pang ulitin.
Medyo tamad yata mag update etong si Coins.ph sa akin.
Wala ako niyan. Yung OTP wala din. Wala din kahit sa text.  Grin
legendary
Activity: 2240
Merit: 1069
January 20, 2020, 08:46:43 PM
Oras-oras ba nagwiwithdraw ang ilan dito at ang simpleng OTP e hassle pa para sa kanila haha.

[snip]

Simpleng OTP lang yan. Wag na palakihin. Pag dumating kayo sa time na na-hack kayo, malalaman niyo ang halaga nyan.

Di rin naman natin alam kung ano sitwasyon nila. Baka nga minu minuto sila nag cacash out, kaya sobrang hassle sa kanila. At parang normal naman na mareklamo ang mga pinoy sa pagbabago kahit pa sa mga bagay na ikabubuti nila.



May Enhanced Verification Form na naman si coins.ph. Same rin lang naman na information ang kinuha pero bakit kailangan pang ulitin.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
January 20, 2020, 07:28:12 PM
Oras-oras ba nagwiwithdraw ang ilan dito at ang simpleng OTP e hassle pa para sa kanila haha.

Di ko makita saan banda naging hassle ang OTP sa cashout. Paano naging hassle ang pag-input ng 6 digits code. Di lang naman sa text yan pati sa email puwede naman. Mga local exchange sa ibang bansa ganyan ang sistema saka buti nga dito sa coins.ph hindi mandatory ang 2FA at puwede idisable so parang subong-subo na sa atin ang convenience.

Simpleng OTP lang yan. Wag na palakihin. Pag dumating kayo sa time na na-hack kayo, malalaman niyo ang halaga nyan.
Hehe. Hindi naman malaking bagay na hassle yang OTP kung tutuusin ang sabi nga additional security layer yan para sa lahat. Siguro yung pagkakaroon ng dobleng security measures para sa mga accounts nila tuwing magwiwithdraw ay ayaw nila. May nakapag activate na ba ng OTP nila? kasi sakin hanggang ngayon wala parin pero may 2FA ako.

yung 2FA mandatory sya sa lahat ng transactions gaya ng buy load kapag naka enable sya.
yung OTP, from the word itself na one-time, isang beses lang sa device kung saan naka insert yung registered number mo.
correct me na lang if I'm wrong.
Tama, kasi ang meaning nyan ay one-time password.
legendary
Activity: 2688
Merit: 1065
Undeads.com - P2E Runner Game
January 20, 2020, 04:55:35 PM
Oras-oras ba nagwiwithdraw ang ilan dito at ang simpleng OTP e hassle pa para sa kanila haha.

Di ko makita saan banda naging hassle ang OTP sa cashout. Paano naging hassle ang pag-input ng 6 digits code. Di lang naman sa text yan pati sa email puwede naman. Mga local exchange sa ibang bansa ganyan ang sistema saka buti nga dito sa coins.ph hindi mandatory ang 2FA at puwede idisable so parang subong-subo na sa atin ang convenience.

Simpleng OTP lang yan. Wag na palakihin. Pag dumating kayo sa time na na-hack kayo, malalaman niyo ang halaga nyan.
sr. member
Activity: 840
Merit: 268
January 20, 2020, 01:18:16 PM
I believe there is a first time for everything and this is my first time hearing this idiom Smiley. You're welcome for the laugh? I guess? @bL4nkcode, thanks for the correction of what concept I have.

Ano gamit niyong printer pag print ng bill receipts pagbayad nyo gamit coins.ph o Gcash? Balak ko kasing iinform yung friends ko na sa akin na lang sila magbayad gaya ng electric bill. Meron ba bluetooth printer for android mobile device?
May business permit ka na? Ang alam ko lang may printers na pwedeng iconnect sa wifi tapos pwede na dun magshare ng ipiprint kahit from mobile device to printer.
legendary
Activity: 2240
Merit: 1069
January 20, 2020, 12:38:37 PM
Ano gamit niyong printer pag print ng bill receipts pagbayad nyo gamit coins.ph o Gcash? Balak ko kasing iinform yung friends ko na sa akin na lang sila magbayad gaya ng electric bill. Meron ba bluetooth printer for android mobile device?
May mga printer na pwedeng iconnect sa wifi. Pwedeng iyon ang gamitin mo kung mobile device manggagaling ang receipts.

yung 2FA mandatory sya sa lahat ng transactions gaya ng buy load kapag naka enable sya.
yung OTP, from the word itself na one-time, isang beses lang sa device kung saan naka insert yung registered number mo.
correct me na lang if I'm wrong.
Ibig sabihin nito, minsan mo lang pwedeng gamitin yung isesend sa iyo na password. Hindi na ito pwede gamitin sa susunod na transaction. Kaya every transaction na required ng OTP, magpapadala ng bagong OTP si coinsph.
hero member
Activity: 2464
Merit: 594
Bitcoin Casino Est. 2013
January 20, 2020, 12:29:33 PM
Ano gamit niyong printer pag print ng bill receipts pagbayad nyo gamit coins.ph o Gcash? Balak ko kasing iinform yung friends ko na sa akin na lang sila magbayad gaya ng electric bill. Meron ba bluetooth printer for android mobile device?



yung 2FA mandatory sya sa lahat ng transactions gaya ng buy load kapag naka enable sya.
yung OTP, from the word itself na one-time, isang beses lang sa device kung saan naka insert yung registered number mo.
correct me na lang if I'm wrong.
sr. member
Activity: 882
Merit: 301
January 20, 2020, 09:19:30 AM
Diba pareho lang yung OTP at 2FA kasi both are the same second factor or code? O baka basta meron ka 2FA, yun na rin ang ginagamit. Sa aken, every transaction that goes out, whether pay bills or cash out to bank, required yung 6 digit code.
Yes, pareho silang second layer protection pero magkaiba pa din. Mas maganda nga sana kung yung mga users na hindi enabled yung 2FA ang mapadalhan ng OTP pero hindi naman nakalagay sa email notice kung sino ang papadalhan nila. May chance na mag OTP ka kahit enabled ang 2FA.
legendary
Activity: 3416
Merit: 1912
The Concierge of Crypto
January 20, 2020, 09:00:57 AM
Diba pareho lang yung OTP at 2FA kasi both are the same second factor or code? O baka basta meron ka 2FA, yun na rin ang ginagamit. Sa aken, every transaction that goes out, whether pay bills or cash out to bank, required yung 6 digit code.
legendary
Activity: 3262
Merit: 1130
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
January 20, 2020, 08:58:47 AM
Sa totoo lang hassle talaga everytime mag load na amy 2FA, lalo na kug may OTP pa minsan delay ang text. Hidi ba pwede ito maging option lang kung gusto mo i activate or compulsory talaga?
Na try mo na ba mag load may otp ba?

Kasi nagload ako kanina (though di sya na process bumalik lang sa account ko) wala naman hiningi na otp, 15 lang ni load ko eh sa globe mukhang my problema din yung network kanina.
Yam talaha ang hindi maganda sa OTP dahil need pa makuha yung mismong code sa may mismong text para gumana yung icacashout mo at iba pang service na gagamitin mo kaya maman pwede rin yung iniisip mo na dapat itong maging optional lalo na kung ang isang user ay ayaw nitong iactivate kaso need talaga yan as requirements nila.

Para walang sisihan din yan.
Magkaproblema sa end mo, pwede mo isisi sa kanila. Ito yung pinaka defense system nila.
Kung sa end naman nila yan ang mahaba habang ticket na usapan.

Tulad nga ng nasabi ng mga matatagal natin dito, mabuti na din ito. Wag lang talaga sa loading system kasi wala naman malakihan masyado dun.
Sa withdrawals na lang.
Like lagyan nila ng limit, if ever umabot like 50k na ang ilalabas mo eh pwede na dumaan muna sa OTP.
Suggestion ng iba? Lalo sa atin na mabagal ang internet tapos papasok ka sa e-mail at ilang refresh pa bago lumabas ung code.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 267
January 20, 2020, 08:23:19 AM
Sa totoo lang hassle talaga everytime mag load na amy 2FA, lalo na kug may OTP pa minsan delay ang text. Hidi ba pwede ito maging option lang kung gusto mo i activate or compulsory talaga?
Na try mo na ba mag load may otp ba?

Kasi nagload ako kanina (though di sya na process bumalik lang sa account ko) wala naman hiningi na otp, 15 lang ni load ko eh sa globe mukhang my problema din yung network kanina.
Yam talaha ang hindi maganda sa OTP dahil need pa makuha yung mismong code sa may mismong text para gumana yung icacashout mo at iba pang service na gagamitin mo kaya maman pwede rin yung iniisip mo na dapat itong maging optional lalo na kung ang isang user ay ayaw nitong iactivate kaso need talaga yan as requirements nila.
hero member
Activity: 3010
Merit: 629
January 20, 2020, 08:17:36 AM
Sa totoo lang hassle talaga everytime mag load na amy 2FA, lalo na kug may OTP pa minsan delay ang text. Hidi ba pwede ito maging option lang kung gusto mo i activate or compulsory talaga?
Na try mo na ba mag load may otp ba?

Kasi nagload ako kanina (though di sya na process bumalik lang sa account ko) wala naman hiningi na otp, 15 lang ni load ko eh sa globe mukhang my problema din yung network kanina.
sr. member
Activity: 1111
Merit: 255
January 20, 2020, 05:49:41 AM
mas secure ang 2FA kaysa OTP->sim swapping risk

bakit kaya binalik yung coins.ph to pro coins transfer ko? hmmmmmm....kasi nag rarally nanaman ang BTC hehe.. alam na ang drill, maging handa lang kayo sa mga alternative cashoutan ninyo  Wink

Last bull run ganyan din, biglang naintroduce ang limit ng conversion ng BTC to PHP at consider cash-in na 400k max per day. Hindi nila kinaya ang volume at alam nila na majority ay walang alternative to covert their BTC.

Ngayon dami ng alternative at hindi pwede yang style nila na yan para maipit ang BTC ng customers nila at sila lang ang kumita sa bentahan sa ATH.

Eto.
Isa yan sa magiging reason ng paghigpit na naman nila.
Isa rin ito sa mga nakakabwisit na oras ng Coins.ph, whereas matagal silla mag update ng price ng bitcoin.

Back to the problem na OTP, masakit ito sa mga nagloload. Kasi may OTP na may 2FA pa?
Hassle sobra. Yun ay kung ipapasok din nila ito sa loading system or sa withdrawal lang ba?
Kasi considered din yun as withdrawal ng pera since napalitan na ang coins mo ng cash which is load sa cellphone.

Anyone na nagtry na magload? May OTP din ba?

Sa totoo lang hassle talaga everytime mag load na amy 2FA, lalo na kug may OTP pa minsan delay ang text. Hidi ba pwede ito maging option lang kung gusto mo i activate or compulsory talaga?
Mayroon na rin bang code na magtetext kapag magloload?  Sakin wala naman code na nagtetext bago ma process ang load ko.  Diko pakasi na try mag load ngayon saka kaka update ko lang kanina ng coins.ph wallet ko
hero member
Activity: 1414
Merit: 505
Backed.Finance
January 20, 2020, 05:29:15 AM
mas secure ang 2FA kaysa OTP->sim swapping risk

bakit kaya binalik yung coins.ph to pro coins transfer ko? hmmmmmm....kasi nag rarally nanaman ang BTC hehe.. alam na ang drill, maging handa lang kayo sa mga alternative cashoutan ninyo  Wink

Last bull run ganyan din, biglang naintroduce ang limit ng conversion ng BTC to PHP at consider cash-in na 400k max per day. Hindi nila kinaya ang volume at alam nila na majority ay walang alternative to covert their BTC.

Ngayon dami ng alternative at hindi pwede yang style nila na yan para maipit ang BTC ng customers nila at sila lang ang kumita sa bentahan sa ATH.

Eto.
Isa yan sa magiging reason ng paghigpit na naman nila.
Isa rin ito sa mga nakakabwisit na oras ng Coins.ph, whereas matagal silla mag update ng price ng bitcoin.

Back to the problem na OTP, masakit ito sa mga nagloload. Kasi may OTP na may 2FA pa?
Hassle sobra. Yun ay kung ipapasok din nila ito sa loading system or sa withdrawal lang ba?
Kasi considered din yun as withdrawal ng pera since napalitan na ang coins mo ng cash which is load sa cellphone.

Anyone na nagtry na magload? May OTP din ba?

Sa totoo lang hassle talaga everytime mag load na amy 2FA, lalo na kug may OTP pa minsan delay ang text. Hidi ba pwede ito maging option lang kung gusto mo i activate or compulsory talaga?
legendary
Activity: 3262
Merit: 1130
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
January 20, 2020, 05:19:03 AM

Maraming factors siguro and kino-consider bago magpadala ng OTP. Other than the amount, siguro naka-base din sa account at sa manner ng withdrawal.

Mukhang okay din naman yung random OTP para hindi naman sobrang hassle every time mag-transact ka sa coinsph. It was probably designed that way para hindi din madaling ma-detect yung pattern nila.
Random. Ganyan nga sana. Hindi yung every transaction na lang eh ganon ang mangyayari.
So na-prove na rin na sa loading system ay hindi mangyayari ito.
Isa pang naprove ay hindi tayong lahat ang tinamaan ng OTP na madalas.
Just like me and Casdinyard. 


Yesterday, I activated my 2fa and I withdraw some and wala naman dumating na OTP sakin. I actually waited but nothing arrived. I don't know if it's on my end or ganun talaga.

Actually sa akin ay walang OTP na naganap kahit isa.
Same pa din. 2FA lang.


Napa-read back talaga ako dun sa 2 cents OTP  Grin


Haha, talagang hinalukay mo pa ha.
Pages:
Jump to: