Medyo nakalimutan ko na kung cash in nga ba yung ginawa ko noon.
Basta parang wala sa option ng gcash yung babayaran ko na bill kaya parang binalik ko sa coins.ph.
Nakalimutan ko na din kung paano.
As of G-credit naman tama siya. For usage lang to to pay and not to put money sa isa pang payment system.
Na-try ko na ito naman sa Shopwise nung nagkulang ako ng cash. Naalala ko lang na pwede nga pala yung g-credit. More on pang emergency lang sa akin. Ayaw ko kasi ng may utang.
Madali lang magfund ng GCASH to Coins.ph via dragon pay checkout basta naka mobile ka instant din ang dating ng pera sa coins.ph, Sa G-credit hindi talaga pwde for cash-in.
Yun Dragonpay. Salamat sa pagpapaalala, nakalimutan ko na talaga.
Automatic nga ito parang may mag tetext lang ng confirmation and then dadating na agad.
Yung mga wala pang g-credit sa gcash app nila, apply lang kayu at ang credit limit nyo nakadepende sa pumapsok sa account nyo. ang akin 12,000 pesos ang interest pa piso piso lang daily.
Ganon ba yun? Kasi yung sa akin kahit inaabot na ng 10k ang laman ng Gcash ko hindi pa din umaakyat ang Gcredit na available.
Still 1k pa din ang max ko.
Baka kapag ginagamit mo or sinasagad mo? Parang bank loaning system or yung sa credit cards. Di ko pa sure since hindi ko pa nasasagad yung 1k.