Edit2: Okay, sa lahat ng may problema sa Gcash app at hindi makita sa playstore. Maghanap ng ibang telepono na pwede ito or may nakainstall na.
Send sa inyo thru Xender or Shareit. Gagana na ulit. Sa end daw ng Gcash ang problema.
Pero weird bakit kaya maapektuhan iyong sa Playstore nila and talagang nawala sa applist? Napacheck tuloy ako sa Playstore and buti nakita ko pa naman ang app. May update din pala last December 13 at ngayon ko lang na-update lol.
Dun naman sa part na need ng KYC verified para maka-transfer, sigurado ako puwede kahit hindi pa fully verified. Nung di pa ako nag-uundergo ng KYC sa Paymaya nakakapagtransfer ako sa GCASH. Bale iyong number verification lang yan or Basic kung tawagin. So dahil nakapag-KYC na ako, di ko alam kung ganyan pa rin ang terms ngayon regarding Basic account. Pero ikaw mismo pwedeng ma-verify yan, itry mo ngayon and check mo kung gagana.
Confirming na nagbago na ng terms si Paymaya regarding sa basic account na can only be use to buy load, pay bills and received money(bawal na mag transfer at withdraw to bank). About naman sa pag upgrade kay Paymaya it takes 48 hours to check all the information kaya matagalan at kinakailangan ng patience (from my exp.).
Salamat bro. Mukhang dadaan na naman sa mahaba-habang pag-aantay si bro craiz.
Talagang lapitin siya ng mga pagsend ng ticket at query. Una sa coins.ph, tapos sa Coinbase, tapos ngayon sa Paymaya lol.
Paano kaya kapag hindi na claim ng receiver yung Ang Pao? May time duration din ba yan katulad sa Gcash kung ilang araw lang pwede ma claim?
Dapat active din account nila at verified? Balak ko rin mag share sa relatives ko na merong coins ph account since wala akong physical gifts for them.
Basta verified ang account puwede maka-claim. However, puwede rin namang magclaim iyong mga wala pang account pero need nila magpa-verify after sign-up.
Kung gaano katagal ang validity nung link, no idea. Kadalasan kasi ng mga pinagbigyan ko before na-cclaim agad.