Pages:
Author

Topic: Coins.ph Official Thread - page 101. (Read 291604 times)

legendary
Activity: 1638
Merit: 1046
December 11, 2019, 06:01:10 AM
Coins.ph>Withdraw>Bank>Paymaya

Paymaya>Bank Transfer>G-exchange

Instant yan kasi powered din ni Instapay. Check niyo rin baka kasali BDO and BPI.

About sa error, always check lang from time to time. Di rin ako maka-login as of now, 4:30AM due to System Maintenance.

Working na 6:30am.


Ok na yung gcash naka withdraw na ko at nakapag bayad na sa utang buti hindi na bawasan ang gcredit ko.

Ang problema naman hindi ako maka pag register sa paymaya maintenance nga nung umaga ngayon naman ayaw parin makapag register kahit anong gawin ko .
Bakit kaya ganon? nag try din ako icontact ang support nila via email pero wala pang nag rereply kundi yung bot lang nila.

Any other ways to register sa paymaya?

BDO mukang wala pa silang instapay except for BDO network ewan ko kung sakop ng BDO yan pero iba ang icon e.
sr. member
Activity: 924
Merit: 265
December 11, 2019, 04:58:00 AM
Wala ng GCash Exchange sa coins.ph?
Tanggal na ba ang partnership ng dalawa? Baka may iba sa inyo na may balita about this, nung una lang ay temporarily disabled, tapos kanina bigla kong chineck nawala na sa Cash out options si Gcash.
Unfortunately, wala na po sya sa list, with no notice from Coins.ph. Sabi lang maintenance, pero tatanggalin na pala sa list of choices. 



Anyway since GCash and BPI are both operated by the Ayalas at ang BPI lately ay palaging nagkakaroon ng maintenance issue, I guess its really time for us to look for a new option for cash out.

Even sa mismong service nila sa apps nila hindi naaaccess kahit yung log in ang tagal pumasok kaya nag iisip na din akong kumuha ng paymaya card tulad ng ginawa nila @harizen at tulad din ng purpose nila, pang dagdag lang sa option ng cash out since madalas ang maintenance ni gcash at bpi.
legendary
Activity: 3318
Merit: 1133
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
December 11, 2019, 02:12:13 AM


I ordered Mastercard pandagdag sa alternatives for instant cashout..

Since di ako maka-login sa Paymaya as I mentioned above para dun na lang sana ako magpa-deduct, COD na lang pinili ko. Yes, puwede via COD pero may mga area na di suppoted. I will update pag nakuha ko na.



Gusto ko ito.
May card nga.
Ang tanong gaano katagal?

Yung sa post kasi ni epis about sa Unionbank 1 month pa bago dumating.
At yung application nila ay wala yung e-wallet na option for withdrawal. Kanina ko pa iniikot.
Dito na lang muna ako sa PayMaya. Apply din ako. Sana meron silang option na rush delivery para makuha agad.
Stuck na lahat ng pera sa online, wala ng lumalabas eh.  Grin
Baka masanla ang mga ginto pag nagkataon. Sakit pa naman 4 percent ni Cebuana.  Cry

Edit: Okay naka-apply na ako 5-10 days sa COD +50 pesos sa shipping fee. Isa lang kinuha ko muna. Pang testing lang.
legendary
Activity: 3122
Merit: 1398
For support ➡️ help.bc.game
December 11, 2019, 01:46:54 AM
~snipped~

Easy bro. Hold your horses.

Next time ignore na lang. Ako nga iniignore ko na lang iyong ibang post.

Anyways, bago pa humaba tong rant mo, GCASH cashout is now working! Try na mga bro. No more speculations, no more question, no more finding an alternatives. Pero recommended  pa rin na magkaroon na kayo ng alternatives para in case mangyari na naman ang matagal na maintenance sa mga preferred cashout method niyo, may other methods tayo.
legendary
Activity: 2688
Merit: 1065
Undeads.com - P2E Runner Game
December 11, 2019, 01:35:54 AM
Hindi ko masabi kung sino talaga ang may problema sa dalawa; kung sino ang kumalas. Maaaring si coins.ph mismo ang nagbitaw na sa Gcash, o baka si Gcash na ang tuluyan at kusang tinigil ang partnership sa coins.ph. Marami kasi nagsilabasang bad news tungkol sa Gcash na GScam daw dahil sa mga nahack at nawalang funds dahil doon sa facebook page at messenger ng Gcash CustomerCare. Kaya direclty contact na lang sa support email nila kapag may problem. Isa pang madalas na concern ay yung mga nasesendan ng maling mobile number, pero nasa user na ang may sala nyan kasi di sila nag iingat o mag double check man lang bago pindutin ang send button.

Wala sana magagalit pero bahala kayo kahit mainis kayo, pero bakit kasi kailangan may masabi e wala naman nakakaalam ng totoong dahilan? Ano kinalaman ng Gscam na yan na wala naman napatunguhan kung totoo ba or hindi? E di sana may court action na. Di na lang tayo mag-antay ng opisyal na announcement gaya ng ginawa ng Cebuana dati. Iyong isa nag-send pa talaga ng ticket sa coins.ph about sa Egivecash eh halos mag-iisang taon na yang wala.

At isa pa, anong partner partner? Kailan nagkaroon ng partnership ang Gcash sa coins.ph officially? Walang ganun. Malamang lahat ng nationwide payment system natin is layong mag-link sa isa't-isa. Powered by Dragonpay ang Gcash transfer. Ibig sabihin ba partnered din ang Paymaya at mga banko? Partner ni Paymaya si coins.ph? Di ganon yan. Ang partnership may official sign and terms yan or iyong tinatawag na Memorandum of Agreement between company itself (example: PSC company iyong may hawak ng 7-11 and GCASH agreemeent). Di porket included si ganito sa ganito is partner na?  Itong issue ng Gcash is parang sa Egivecash na kesyo tinanggal daw partnership ng Sec. Bank sa coins.ph e, etc. etc. etc. eh wala namang partnership sa umpisa pa lang. Not knowing si Sec. Bank pala eh may bagong terms kaya pala nawala. Dito naman sa Gcash, walang nakakaalam kung bakit unavailable yan kahit itanong pa sa support.

Bahala may mainis sa post ko. Pati kasi non-sense napopost na dito.

TIME! Cheesy Cheesy Cheesy
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
December 10, 2019, 11:40:02 PM
Kailan lang yan nawala, mga 1 day palang ata na nawala. Nung linggo andyan pa yan pero maintenance, ang labo lang kasi major outage at wala silang binibigay na dahilan kung ano talaga ang problema sa kanila. Kaya ang ginagawang method ng iba, paymaya muna.
ganyan naman talaga ang system nila eh kusa bigla nalang mawawala ang partnership ng walang malinaw na pasabi.
i remember when cebuana and coins.ph also take apart.

but i remember nangyari na minsan to dba?na hindi ma access ang gcash from coins.ph pero bumalik naman?nag check ako now wala na nga.
Yung sa cebuana na part nga yung naalala ko eh at si cebuana pa mismo ang nag-announce sa page nila na mawawala na sila ng support sa mga cash out na galing sa coins.ph, doon ko yun unang nalaman pero hindi ko maalala na sila mismo ang nag announce.
Hindi ko maalala yung sinabi mo, hindi kasi ako user ni gcash dati. Sa https://status.coins.ph/ nakalagay pa rin naman si gcash kaya may chance na mabalik kaso nga hindi sila nagbibigay ng timeframe.
legendary
Activity: 1834
Merit: 1036
December 10, 2019, 10:52:07 PM
Wala ng GCash Exchange sa coins.ph?
Tanggal na ba ang partnership ng dalawa? Baka may iba sa inyo na may balita about this, nung una lang ay temporarily disabled, tapos kanina bigla kong chineck nawala na sa Cash out options si Gcash.
Unfortunately, wala na po sya sa list, with no notice from Coins.ph. Sabi lang maintenance, pero tatanggalin na pala sa list of choices. 



Anyway since GCash and BPI are both operated by the Ayalas at ang BPI lately ay palaging nagkakaroon ng maintenance issue, I guess its really time for us to look for a new option for cash out.
hero member
Activity: 2744
Merit: 541
Campaign Management?"Hhampuz" is the Man
December 10, 2019, 10:42:18 PM
                ~snip~

Wala ng GCash Exchange sa coins.ph?
Tanggal na ba ang partnership ng dalawa? Baka may iba sa inyo na may balita about this, nung una lang ay temporarily disabled, tapos kanina bigla kong chineck nawala na sa Cash out options si Gcash.
Kailan lang yan nawala, mga 1 day palang ata na nawala. Nung linggo andyan pa yan pero maintenance, ang labo lang kasi major outage at wala silang binibigay na dahilan kung ano talaga ang problema sa kanila. Kaya ang ginagawang method ng iba, paymaya muna.
ganyan naman talaga ang system nila eh kusa bigla nalang mawawala ang partnership ng walang malinaw na pasabi.
i remember when cebuana and coins.ph also take apart.

but i remember nangyari na minsan to dba?na hindi ma access ang gcash from coins.ph pero bumalik naman?nag check ako now wala na nga.
legendary
Activity: 1834
Merit: 1036
December 10, 2019, 10:37:57 PM
Halos 1 week na din walang Cash Out Option tru GCash, gaano pa kaya katagal ang gugugulin nito? Para sa iba dyan, have you ever tried using PayMaya? Kamusta naman ang Cash Out dito? How much is the fee for withdrawal on an ATM? Ok din sana kung ang mga bank transfer ay hindi umaabot ng 11:59 PM para lang mareceive LoL.
Kahapon nasubukan ko si Paymaya mag cashout, nagulat ako nasa jewelry store na ako at magtransfer na ako sa GCash ko biglang wala na yung G-Exchange sa list so sinubukan ko ang Paymaya, instant naman, transfer fee is 10 pesos yata kung di ako nagkakamali. Good thing meron na din ako card ni Paymaya kaya yun ang ginamit kong pang swipe sa binili ko kagabi, yung card nabili ko from Paymaya site mismo. According sa FAQs ni Paymaya 15 pesos naman ang ATM withdrawal fees. Yung nabili kong jewelry kahapon worth 7,400 pesos, may cash back akong natanggap kay Paymaya na 150 pesos. Not bad. Sa gCash wala ako natanggap na ganun, pero may GCredit ako dun.
hero member
Activity: 2464
Merit: 594
December 10, 2019, 09:03:27 PM
Hindi ko masabi kung sino talaga ang may problema sa dalawa; kung sino ang kumalas. Maaaring si coins.ph mismo ang nagbitaw na sa Gcash, o baka si Gcash na ang tuluyan at kusang tinigil ang partnership sa coins.ph. Marami kasi nagsilabasang bad news tungkol sa Gcash na GScam daw dahil sa mga nahack at nawalang funds dahil doon sa facebook page at messenger ng Gcash CustomerCare. Kaya direclty contact na lang sa support email nila kapag may problem. Isa pang madalas na concern ay yung mga nasesendan ng maling mobile number, pero nasa user na ang may sala nyan kasi di sila nag iingat o mag double check man lang bago pindutin ang send button.
legendary
Activity: 2940
Merit: 1083
December 10, 2019, 05:46:37 PM
Wala ng GCash Exchange sa coins.ph?
Tanggal na ba ang partnership ng dalawa? Baka may iba sa inyo na may balita about this, nung una lang ay temporarily disabled, tapos kanina bigla kong chineck nawala na sa Cash out options si Gcash.

If I recalled correctly, back then it almost took a month before Gcash cashout became available again. I think last year?

But still, we have lots of alternatives for an instant cashout so I'm not really worried. For those Gcash cardholders, they can use Paymaya then transfer it to Gcash.

The good thing here is, there is no fee transferring from Paymaya to GCASH. I'm not sure for higher amounts though.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
December 10, 2019, 05:43:27 PM
Nakatanggap na ako ng email kaya lang medyo wala pang linaw kung kailan nila babalik ang egive cashout,  para din sa ibang nagtatanong ito pala yung email sa akin.
Quote
Nais naming abisuhan kayong kalasulukyang hindi gumagana ang aming eGiveCash option. Nakikipag-ugnayan na kami sa bangko upang maresolba ito at maibalik na sa cash out options.

Walang nakatakdang oras kung kailan ito maibabalik ngunit maaari kayong sumubaybay sa aming Status page para sa real time updates: http://status.coins.ph/

Humihingi kami ng paumanhin para sa naging epekto nito sa inyo. Pakisabihan na lamang kami kung may iba pa kayong katanungan.
Ang tagal ng pinag uusapan yang EGC dito, mas maganda kung wag niyo nalang yang asahan na babalik pa. Ang daming pagpipilian kung saan ka magwiwithdraw.

Wala ng GCash Exchange sa coins.ph?
Tanggal na ba ang partnership ng dalawa? Baka may iba sa inyo na may balita about this, nung una lang ay temporarily disabled, tapos kanina bigla kong chineck nawala na sa Cash out options si Gcash.
Kailan lang yan nawala, mga 1 day palang ata na nawala. Nung linggo andyan pa yan pero maintenance, ang labo lang kasi major outage at wala silang binibigay na dahilan kung ano talaga ang problema sa kanila. Kaya ang ginagawang method ng iba, paymaya muna.
legendary
Activity: 3122
Merit: 1398
For support ➡️ help.bc.game
December 10, 2019, 03:36:32 PM
Pwede ba yun paymaya to Gcash? Paano yun ma isesend?

Nag tatry ako mag register ngayon sa paymaya kaso palaging my error need daw tumawag kaso landline naman. Paano kaya yun gusto ko gumawa ng paymaya for future purposes kung wala ang gcash?

Balak ko rin sana gumawa na rin ng back accounts sa security bank dahil may instant na rin sila.

Coins.ph>Withdraw>Bank>Paymaya

Paymaya>Bank Transfer>G-exchange

Instant yan kasi powered din ni Instapay. Check niyo rin baka kasali BDO and BPI.

About sa error, always check lang from time to time. Di rin ako maka-login as of now, 4:30AM due to System Maintenance.

Working na 6:30am.



May dalawang klase pala silang card, Visa at Mastercard.

I ordered Mastercard pandagdag sa alternatives for instant cashout..

Since di ako maka-login sa Paymaya as I mentioned above para dun na lang sana ako magpa-deduct, COD na lang pinili ko. Yes, puwede via COD pero may mga area na di suppoted. I will update pag nakuha ko na.

legendary
Activity: 1638
Merit: 1046
December 10, 2019, 10:43:49 AM

May utang pa naman ako sa gcredit. Kailangan ko na bayaran kasi due date na.

Hehe gamitin mo muna fiat mo bro, 7-11 muna via Cliqq.

Or coins.ph>Paymaya>Gcash. Sayang ang Gscore rating. Cheesy


Pwede ba yun paymaya to Gcash? Paano yun ma isesend?

Nag tatry ako mag register ngayon sa paymaya kaso palaging my error need daw tumawag kaso landline naman. Paano kaya yun gusto ko gumawa ng paymaya for future purposes kung wala ang gcash?

Balak ko rin sana gumawa na rin ng back accounts sa security bank dahil may instant na rin sila.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
December 10, 2019, 09:31:43 AM
Wala ng GCash Exchange sa coins.ph?
Tanggal na ba ang partnership ng dalawa? Baka may iba sa inyo na may balita about this, nung una lang ay temporarily disabled, tapos kanina bigla kong chineck nawala na sa Cash out options si Gcash.
sr. member
Activity: 924
Merit: 265
December 10, 2019, 09:21:02 AM
Paalala lang malapit na pasko. Mainam na ngayon palang kung may balak kayo mag convert or mag withdraw sa coins.ph magandang iplano nyo na para huwag magulat sa presyo. Usually ganitong season nag tataas baba ang presyo ng bitcoin Smiley

gastos season pa naman ngayong kapaskuhan kaya mas mainam na mailabas na din ang mga coins ninyo kung magcacash out kayo di din kasi natin masasabi yung mag memaintenance na cash out option baka mapamahal pa sa service fee kung sakali.
sr. member
Activity: 1111
Merit: 255
December 10, 2019, 08:55:32 AM
Tanong lang guys may balak pa bang ibalik ng coins.ph ang Egive Cash out?? Iwan ko lang kung na discuss na dito kasi nag email ako sa kanila wala parin silang respond sa akin at hindi ako aware kung ano ba ang status ng egive cash out.

Marami-rami na din ang mga nagtanong at nag-aabang ng balita tungkol eGiveCash pero hanggang wala naman update sa side ng coins.ph pero sa tingin ko naman ay ibabalik din nila ito dahil hindi tinatanggal sa cash-out option. Tungkol naman sa status, maaari mong makita dito https://status.coins.ph/ kung ano yung mga gumagana at hindi na mga serbisyo ng coins.ph at kung mapapansin mo yung sa eGiveCash matagal na yung status na nakalagay ay "Major Outage" kaya abang-abang nalang muna tayo.
Nakatanggap na ako ng email kaya lang medyo wala pang linaw kung kailan nila babalik ang egive cashout,  para din sa ibang nagtatanong ito pala yung email sa akin.
Quote
Nais naming abisuhan kayong kalasulukyang hindi gumagana ang aming eGiveCash option. Nakikipag-ugnayan na kami sa bangko upang maresolba ito at maibalik na sa cash out options.

Walang nakatakdang oras kung kailan ito maibabalik ngunit maaari kayong sumubaybay sa aming Status page para sa real time updates: http://status.coins.ph/

Humihingi kami ng paumanhin para sa naging epekto nito sa inyo. Pakisabihan na lamang kami kung may iba pa kayong katanungan.
sr. member
Activity: 1638
Merit: 364
https://shuffle.com?r=nba
December 10, 2019, 08:34:46 AM
Paalala lang malapit na pasko. Mainam na ngayon palang kung may balak kayo mag convert or mag withdraw sa coins.ph magandang iplano nyo na para huwag magulat sa presyo. Usually ganitong season nag tataas baba ang presyo ng bitcoin Smiley
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
December 10, 2019, 05:56:53 AM
Yung ibang cashout method okay naman ang option nila sa instapay kaya hindi kay instapay ang problema. Yan din ang tingin ko dati na sila ang may problema pero hindi eh, kasi yung iba pwede mo gamitan ng instapay kapah magwithdraw ka. Tignan mo yung sa mga bank option na may instapay, pwedeng pwede ka mag proceed ng walang problema.
Ito siguro ang dahilan kung bakit hindi maaaring makapagcashout sa gcash sa coins.ph dahil may problem ang instapay.
Pero laki rin naman ng tulong ng instapay dahil napapadali nito ang transaction lalo na kapag magcacashout kaya waiting na lang tayo na maayos ito at for sure na naman na hindi ito magtatagal.
Ang problema hindi sa instapay kasi kung nabasa mo yung sinabi ko, yung ibang method may cash out gamit ang instapay kaya wala silang problema. Ang posibleng problema talaga ay nanggagaling kay coins.ph. Katulad ng sinabi ni Text, hindi ko na rin makita yung gcash sa cashout method kaya siguro inaayos pa yan nila. Hindi lang natin masabi kung hanggang kalian nila yan aayusin pero sa ngayon kung meron tayong option naman kay paymaya, doon muna tayo.
sr. member
Activity: 1274
Merit: 263
December 10, 2019, 04:47:13 AM
Buti na lang may Paymaya account na ako, fully verified na rin pero wala pa ako card. Meron ba sainyo ditong meron na? Mukhang pwede rin mag avail sa kanila ng card online using their mobile app katulad ng sa Gcash.

As of now, di ko na makita sa coins.ph bank options yung G-Xchange.



May dalawang klase pala silang card, Visa at Mastercard.
Balak kung orderin yung Love Bundle, isang visa at isang mastercard na.



Di ko rin makita yung cashout option ng gcash account sa coins.ph nukhang hindi na talaga nila ibabalik pero wala pa naman silang official statements kung tatanggalin ba nila ang gcash o hindi pero isa lang ang malinaw sa akin ngayon hindi natin magagamit ito pero may alternative naman na cashout option at sasalo sa atin ay ang paymaha kaya naman sa mga wala pang card nito maaari na kayong bumili.
Pages:
Jump to: