Yan nga ang isa sa pinoproblema namin dito sa bahay. Di applicable ang work from home sa mga banko kaya no choice kundi pumasok although mahigpit naman ang sanitation at direktiba ng mga buildings. Tatlo sa aking mga kasama dito sa bahay ay nag-wowork sa mga banko na kung saan malapit lang sa building mismo ng may confirmed case ng NCOV. Sentro pa man din ang lugar at alam niyo na rin siguro kung saan yan.
Pero sana mabawasan man lang ang trabaho. Since iyong ibang empleyado is from outside Manila, no choice tong mga kasama ko dito sa bahay kundi sila ang pumasok kasi mas malapit kami sa workplace. Waiting na lang kay BSP kasi sila ang may final words.
For us who are working naman wala na talagang magagawa ang presidente kasi nasa discretion na ng company ng pinagtratrabahuhan natin kung mag-suspend sila or hindi. May mga ibang company nga ako naririnig na pinapayagan nila yung company nila mag-suspend pero without pay which is sad, let see if mag improvised yung EO na ito and baka maging good news din satin na mga nagtratrabaho na.
Actually may nabasa akong proposal pero syempre malabo pa sa ngayon mapagbigyan.
Since no pay kapag nag-suspend ng work, baka raw ang puwedeng gawin solution is i-lessen or totally wag na muna maningil sa mga utilities like bills since walang source of income. Although mahirap iimplement yan at sakop din nyan pati mayayaman gawan na lang ng consideration like sa mga around minimum wage earners.