napansin ko lang ang karamihang tinatamaan nito ay yung mga mayayaman at may edad 50 pataas...
Saan mo nakuha ang data na ito lalo na yung financial status ng mga infected? Sa edad, maraming death cases sa matatanda dahil madalas mas mahina ang resistensya nila. Yung mga mas bata naman, kinakapitan pa din ng virus pero nakaka-survive sila (napanood ko sa isang video ni Dr. Willie Ong na ayon sa data from South Korea, yung mga edad 20-29 ang naitalang may pinakamaraming cases na infected).
Actually, marami na ring bata ang nagpositibo sa COVID-19 pero kung mapapansin natin ay matatanda ang namamatay dahil mahihina na ang respiratory system. Disagree ako na ang mayayaman lang ang laging dinadapuan ng sakit, karamihan ng infected ay mga office workers na nagtatrabaho sa malugar na syudad katulad ng Taguig, Makati at Quezon City.
kung may mahirap man yun ay hanggang sintomas lang..may nababalitaan nba kayo guys na nakatira sa poor area at namatay dahil sa covid dito sa atin?..
--
kung wala pa. nangangahulugan lang na mas mainam talaga yung natural na immune system kaysa sa mga binibiling mga gamot para lumakas ang immune system....
Hanggang sintomas? Ibig sabihin nagpositibo pa rin sa COVID-19 at ibig sabihin 'non walang kinalaman kung mayaman o mahirap ka, kapag dinapuan ka ng virus, delikado buhay mo. Let's avoid this kind of logic na purket wala pang namamatay na mahihirap eh mas prone na yung mga mayayaman na tao sa kamatayan, that's not very intellectual. Like what i've said, karamihan ng nadapuan ay mga office workers na expose sa maraming tao sa mga malalaking syudad.
Kahit exposed ka sa bacteria or virus, iba pa rin ang effect ng COVID-19 kaya nga umabot sa Pandemic level yung virus kasi ganoon kalala. And can I ask what does natural immune system means to you? Pareparehas lang tayo ng immune system at nakadepende yun sa behavior natin like kinakain or pangangalaga sa katawan.
Maraming matitigas ang ulo na mga PINOY, gustong gusto nilang hindi sumunod sa utos ng Gobyerno pero lagi naman silang nakasisi.
Tulad dito sa aming Baranggay, ang mga tao ay hindi nananatili sa kanilang mga bahay at nalabas padin upang tumambay at makipag tsismisan.
Yung aming Punong Baranggay at mga Baranggay Tanod, hindi sila naninita ng mga tao, onti mo mga bata nagtatakbuhan at naglalaro lang sa labas.
Ano man maimbentong gamot kontra CORONA ay napaka buting balita, pero ito ay para maiwasan lamang ang virus o mapagaling ang tao.
Pero kung tayo ay mananatili sa loob ng bahay at wala ng mapapasahan ng virus, ito ay mamamatay ng tuluyan at maglalaho.
Ganoon ang nangyayari kapag mismong sa maliit na brgy, di na agad sinusunod yung kapitan, may mali sa pag iimplement ng rules or hindi na-implement ng maayos. So let's be intellectual for the upcoming 2022 election at piliin yung mabilis ang aksyon at serbisyo. The times like this, mas need natin ang presensya nila pero karamihan sa mga officials, walang kilos.