Pages:
Author

Topic: Crypto-friendly Bank experiences - page 2. (Read 752 times)

sr. member
Activity: 966
Merit: 274
October 11, 2019, 03:31:53 AM
#47
Wag mo nalang sabihin na galing sa crypto kung hindi ka kumportable. Sabihin mo lang na galing yan sa freelancing o online, may nabalitaan kasi ako dati na nung sinabi niya sa BDO na galing bitcoin parang pinigilan ata siya ng staff at hindi na pina-open. Hindi naman manghihingi masyado ng requirements yung mga bank ngayon kapag savings lang I-oopen mo. Depende rin siguro sa branch kasi may mga branch na mahigpit, anong bangko pala ang napupusuan mo? sakin sa BPI ako, kapag may account ka na sa kanila, kahit mag-open ka lang ulit walang problema basta may gov't id ka.

Ganyan ginawa ko nung nag open ako ng bank account sa BPI, sigurado kasing itatanong nila saan ang source of fund mo. Hindi ko na sinabing crypto, pero ang sinabi ko nalang ay may kamag anak ako sa ibang bansa at padadalhan nila ako ng pera para sa pag aaral. Small account lang inopen ko yung walang maintaining balance, hanggang ngayon nagagamit ko parin.
hero member
Activity: 1246
Merit: 560
Bitcoin makes the world go 🔃
October 10, 2019, 03:39:13 AM
#46
I think someone missed the most cryptocurrency friendly bank sa Pilipinas; Unionbank
Meron akong Unionbank from previous job before and nagkainteres ako ipaactivate ulit account ko due to earlier news ng ATM machine for crypto holders plus partnership nila sa Coins.ph, will inquire sana sa Unionbank before for process of reactivation kaso mahaba pila till nakalimutan kona and I doubt if they do reactivation. If Uniobank will have more branch kahit sa mga probinsya mas madaming gagamit sa kanila and for traders na nahahaselan na sa banks who question crypto o nagtataka kung saan natin nakuha yung winiwithdraw natin we must try na siguro yung banko na accepted talaga ang crypto, I wonder if meron na dito na nakapglabas na ng bigger amount nila sa Unionbank?
legendary
Activity: 2282
Merit: 1344
Buy/Sell crypto at BestChange
October 09, 2019, 07:02:53 PM
#45
I think someone missed the most cryptocurrency friendly bank sa Pilipinas; Unionbank

Ito pinakamalupit isa sa mga nasubokan ko na banko.
Hamakin mo magkakaroon ka na ng BANK ACCOUNT with ATM CARD habang nasa bahay ka lang na mag dodownload ng app nila sa smartphone mo tapos dun ka na din mag register for your account tapos ang matindi pa, yung ATM CARD mo ipapadala nila sa bahay niyo, DOOR TO DOOR, libre lang, walang bayad.
Transfer to any local banks? You can do it gamit lang mobile phone mo, no more hassle na pupunta ka pa sa mga bank.

I had multiple bank accounts kaya na kompara ko pano kahirap sa ibang bank mag open ng accounts lalo na yung napakaraming requirements at kailangan mo pa pumunta sa branch nila at pumila ng napakatagal.

sr. member
Activity: 1484
Merit: 277
October 08, 2019, 06:20:00 PM
#44
Gusto ko na din mag open ng bank account kaya lang alangan din ako dun sa mga tanung-tanong. BDO sana trip ko kasi malapit lang SM samin. Puro 5 digits pa naman ang nilalabas ko sa remittance. Mas gusto ko sana sa bank para di na ko lumabas tsaka mas mura ang fee. Sa ngayon, ginagawa ko na lang, maglalabas ako tapos isasabay ko kila Mudra, dun muna sa account nila since sila may source of income sa bukid kaya walang problema. Medyo alangan na rin ako sa remittance center ngayon kasi last time 2 ID na hiningi tapos meron pa minsan tinanong ako kung san galing yung pera, di ko alam kung tinatanong is mula ba sa ibang bansa yung pera o yung source ng pera. Sinagot ko na lang, dito sa Pinas. Ilang beses na rin tinanong sakin yan. Galing pa naman sa crypto gambling yung pera.

Kung wala kang other source of income aside from crypto-related o kaya gambling, mukhang mas kailangan mong mamili ng medyo friendly na bangko. Ang BDO, explicitly ayaw nila ng crypto-related funds. I don't know kung sa lahat ng branches pinapatanong muna kapag nagbukas ng account kung crypto-related ba ang source ng pera o hindi, pero yun yung proseso na pinagdaanan recently ng kakilala ko nung nagbukas sya sa BDO. Tinanong nya kung bakit, anong problema kapag galing sa crypto ang pera, hindi alam nung nasa new accounts section. Siguro under instruction lang sila na itanong muna at posibleng i-reject kapag sinabing ang source ay galing sa crypto.

Anyway, hindi naman talaga recommended na sabihin mo yung term na Bitcoin or crypto kapag nagbukas ka ng account sa kahit anong bangko. Medyo malabo sa kanila yun. Pero kapag may other source of income ka naman o kaya employed ka, walang problema yun, mas madaling magbukas.

Sinubukan ko dati magbukas sa Eastwest, andaming cheche bureche kapag hindi ka employed. Tinanong ko kung paano kapag estudyante at pinapadalhan lang ng allowance ng magulang, ang sabi nung nasa new accounts, hihingi sila ng certification from your parents confirming your claim, and in addition hihingi pa sila ng proof of income galing naman sa parents. Thank you na lang, sobrang hassle.

Ganyan talaga ka strict ang requirements kadalasan sa mga bangko sa panahon na to, dahil ito sa anti money laundering law. Pag hindi ka employed dapat talaga may maipakita ka sa kanila na source of income or beneficiary ka ng nagpapadala sayo ng pera. Iba rin sa experience ko sa ibang bangko, di naman ganun ka hassle at saka pag hindi ka employed pwede mo naman ilagay na self employed. Pweding e deklara na may tindahan ka at mga ibat ibang part time kung baga freelance income. Payo ko sayo na humanap ng ibang bangko kagaya ng BDO or China bank at kausapin mo ang manager sa ganyang bagay.
legendary
Activity: 2464
Merit: 1145
FOCUS
October 07, 2019, 02:06:57 PM
#43
Gusto ko na din mag open ng bank account kaya lang alangan din ako dun sa mga tanung-tanong. BDO sana trip ko kasi malapit lang SM samin. Puro 5 digits pa naman ang nilalabas ko sa remittance. Mas gusto ko sana sa bank para di na ko lumabas tsaka mas mura ang fee. Sa ngayon, ginagawa ko na lang, maglalabas ako tapos isasabay ko kila Mudra, dun muna sa account nila since sila may source of income sa bukid kaya walang problema. Medyo alangan na rin ako sa remittance center ngayon kasi last time 2 ID na hiningi tapos meron pa minsan tinanong ako kung san galing yung pera, di ko alam kung tinatanong is mula ba sa ibang bansa yung pera o yung source ng pera. Sinagot ko na lang, dito sa Pinas. Ilang beses na rin tinanong sakin yan. Galing pa naman sa crypto gambling yung pera.
I have a bad experience from BDO. Try reading my story about it. https://bitcointalksearch.org/topic/m.52638190

Baka mas maging problema mo pag labas ng pera mo sa BDO if 5 digits ang ilalabas mo lalo na at galing gambling ang crypto mo. Mas maganda if isasabay mo ang cashout mo sa mga business na legit source ang income like yung sa mama mo. Or you might want to switch banks na mas less strict pag galing sa crypto yung pera like Union bank kasi well educated sila about cryptocurrency and they even launch their own token.
https://www.philstar.com/business/2019/07/26/1937802/unionbank-launches-own-cryptocurrency

legendary
Activity: 2562
Merit: 1854
🙏🏼Padayon...🙏
October 07, 2019, 06:03:36 AM
#42
Gusto ko na din mag open ng bank account kaya lang alangan din ako dun sa mga tanung-tanong. BDO sana trip ko kasi malapit lang SM samin. Puro 5 digits pa naman ang nilalabas ko sa remittance. Mas gusto ko sana sa bank para di na ko lumabas tsaka mas mura ang fee. Sa ngayon, ginagawa ko na lang, maglalabas ako tapos isasabay ko kila Mudra, dun muna sa account nila since sila may source of income sa bukid kaya walang problema. Medyo alangan na rin ako sa remittance center ngayon kasi last time 2 ID na hiningi tapos meron pa minsan tinanong ako kung san galing yung pera, di ko alam kung tinatanong is mula ba sa ibang bansa yung pera o yung source ng pera. Sinagot ko na lang, dito sa Pinas. Ilang beses na rin tinanong sakin yan. Galing pa naman sa crypto gambling yung pera.

Kung wala kang other source of income aside from crypto-related o kaya gambling, mukhang mas kailangan mong mamili ng medyo friendly na bangko. Ang BDO, explicitly ayaw nila ng crypto-related funds. I don't know kung sa lahat ng branches pinapatanong muna kapag nagbukas ng account kung crypto-related ba ang source ng pera o hindi, pero yun yung proseso na pinagdaanan recently ng kakilala ko nung nagbukas sya sa BDO. Tinanong nya kung bakit, anong problema kapag galing sa crypto ang pera, hindi alam nung nasa new accounts section. Siguro under instruction lang sila na itanong muna at posibleng i-reject kapag sinabing ang source ay galing sa crypto.

Anyway, hindi naman talaga recommended na sabihin mo yung term na Bitcoin or crypto kapag nagbukas ka ng account sa kahit anong bangko. Medyo malabo sa kanila yun. Pero kapag may other source of income ka naman o kaya employed ka, walang problema yun, mas madaling magbukas.

Sinubukan ko dati magbukas sa Eastwest, andaming cheche bureche kapag hindi ka employed. Tinanong ko kung paano kapag estudyante at pinapadalhan lang ng allowance ng magulang, ang sabi nung nasa new accounts, hihingi sila ng certification from your parents confirming your claim, and in addition hihingi pa sila ng proof of income galing naman sa parents. Thank you na lang, sobrang hassle.
legendary
Activity: 1988
Merit: 1015
October 06, 2019, 07:26:52 PM
#41
Gusto ko na din mag open ng bank account kaya lang alangan din ako dun sa mga tanung-tanong. BDO sana trip ko kasi malapit lang SM samin. Puro 5 digits pa naman ang nilalabas ko sa remittance. Mas gusto ko sana sa bank para di na ko lumabas tsaka mas mura ang fee. Sa ngayon, ginagawa ko na lang, maglalabas ako tapos isasabay ko kila Mudra, dun muna sa account nila since sila may source of income sa bukid kaya walang problema. Medyo alangan na rin ako sa remittance center ngayon kasi last time 2 ID na hiningi tapos meron pa minsan tinanong ako kung san galing yung pera, di ko alam kung tinatanong is mula ba sa ibang bansa yung pera o yung source ng pera. Sinagot ko na lang, dito sa Pinas. Ilang beses na rin tinanong sakin yan. Galing pa naman sa crypto gambling yung pera.
copper member
Activity: 2142
Merit: 1305
Limited in number. Limitless in potential.
October 06, 2019, 12:59:05 PM
#40
BDO meron ako at never ako nag karoon ng issue sa kanila since 2017, mga 5 digits pinapasok na pera from coins, or some from adsense account ko, lagay ko lang dun is online freelancer ako, meron akong website which is blogging yun lang lol.
Never ako nakatanggap ng kahit anung tawag from them, so far, if meron man ako natanggap from them siguro yung emerald reward card nila dahil sa dami ko pinasok na fund nung 2017 nung ATH si BTC, at di ko pla na abot yung Sapphire card panay withdraw din kase Cheesy.
sr. member
Activity: 854
Merit: 272
October 06, 2019, 11:58:22 AM
#39

-snip

I’m also planning to open a bank account para sana sa future earnings ko from crypto kaso parang most sa mga naexperience niyo guys, medyo hassle yung pag-cashout. Wayback 2017-18 thru eGivecash lang ako magcacashout and Cebuana kapag around 50k. Ngayon wala nang Cebuana sa coins kaya thru Gcash going to BPI naman ako nagcacashout. Mabilis lang yung proseso.

Ituloy ko pa ba mag-open sa BPI and ano ba mas ok if gagamitin for crypto-fiat withdrawal, debit o savings?

Naka-savings account ako currently sa BPI at so far, wala namang problema akong na-encounter. 2 years na yung account ko sa kanila na regular nakakakuha ng deposit from either coins.ph or coins-gcash-BPI.

I see. Then I’ll choose BPI for now since hindi pala sila ma-question based din sa sabi ng ibang comments. Con lang kapag kay BPI, walang instapay. Kailangan pa padaanin ng Gcash kung need mo agad mawithdraw or pag-emergency. Ayoko na kasi gamitin yung payroll atmcard ko.

Will try din magtanong sa Unionbank kasi madami nagsasabi na okay daw sila sa crypto.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1165
🤩Finally Married🤩
October 05, 2019, 01:06:50 AM
#38
Hindi ko pa naveverify sa BDO, nakakatamad lumabas ng bahay 🤣 wag na kayo mag BDO hahaha, nagbabantay din pati kasi ako... Medyo malala yung alaga ko nagsusuka at nagtatae ng malansa.

Pero pag ok na ko ichecheck ko pa rin,... Or kapag may oras ang iba smgawin nyo na din tapos share nyo na 😉
legendary
Activity: 2464
Merit: 1145
FOCUS
October 05, 2019, 12:20:34 AM
#37

Lahat ng banko dito sa atin ay crypto friendly.

Sa kahit saan pa galing ang perang pumasok sa account natin, talagang magiging mainit tayo sa banko kung malakihan at regular ang natatanggap natin.

Iyong sa BDO dati na issue, kaya nila sinara iyong account nung isang client nila kasi sobrang laki ng pumapasok sa account niya regularly. And ang sinabi nyang reason is galing iyon sa crypto. So for this, talaga nga namang mapapaisip ang banko kung paanon nangyari iyon. Pero naayos na yang issue na yan matagal na and because of that they are now aware much of the crypto, at least iyong mga nag-handle ng case.

Di rin natin kasi alam anong amount ang talagang ma-fflagged ang account natin for questioning. Iba-iba kasi kada banko.
I hope ganyan na ang mga banko ngayon.

Idk if saaking case yang sinasabi mo or sa iba pero sa pagkakadescribe mo parang case ko yan, Sobrang paghihinayang at pagkagalit naramdaman ko nun pero ngayon ok namana sakin kasi it's almost 2 years naman na at wala nakong account sa kanila. If gagawa ako ng bank mukang maluwag ang union bank at aware sila sa cryptocurrency no other banks na sobrang higpit once na mabangit ang cryptocurrency.

Nakita ko pala kanina habang na reresearch ako na meron na palang nilaunch na sariling coin ang Unionbank.

Read it here:
https://www.philstar.com/business/2019/07/26/1937802/unionbank-launches-own-cryptocurrency
legendary
Activity: 3108
Merit: 1115
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
October 04, 2019, 06:33:21 PM
#36
For me, Metrobank ginagamit ko. Nagcash out ako ng malaking amount and dumating din same day ung money (As long as na before 10am mo sya itransfer).  Kinatatakutan ko na baka kontakin ako ng bank and magtanong kung san galing yung money na yun but so far wala and seamless yung transaction.

Depende yan sa source of income na dineclare mo by the time na nag open ka ng bank account. Bank usually don't care if the amount is too high based on your declared income basta hindi madalas ung ganito mon transaction. Pero kung araw2 or weekly ay nadedeposit ka ng malaki tpos above sa income mo. Kahit sino nman sigurong banko ay magtataka kung saan mo kinukuha ang pera mo.  Smiley

True. Eto ang sagot mo diyan.

Tandaan naten si Coins.ph ay hindi lang about crypto currency. Yun din ang kinagandahan niya.
Pwede mong sabihin na kinita mo ito sa snartphone loading business dahil kay coins ay may 10 percent na cashback.

Kung deposits naman pwede mo din yun idahilan or pambayad ng bills.
So hindi lang talaga ito nakafocus sa isang service kaya magagawan siya ng paraan.
legendary
Activity: 3122
Merit: 1398
For support ➡️ help.bc.game
October 04, 2019, 06:06:08 PM
#35
Kung gusto mo nang friendly na banko na hindi na magtatanong tungkol sa imcome sources niyo BPI ang sagot diyan.

Depende sa amount yan bro. Imposible walang tanong kung malaki ang amount involved lalo na pag walang source of income sa labas ng crypto.

Natanong na ako dyan sa BPI. Kagandahan kasi dito basta masagot mo lang ng maayos and di fishy, ok na unlike sa BDO na need pa ng cooperation ni coins.ph para sa additional verification. Since verified user ako ni coins.ph and somehow, maayos ang pinasa kong credentials sa kanila including declaring my source of income, napadali ang process. Di ko sure kung talagang kinontak nila si coins.ph regarding my case pero binanggit ko kasi activity ko kay coins.ph and just within the whole day, solved na. Nakatulong din kasi na employed ako so may backup ako sa source of income.

Di rin natin kasi alam anong amount ang talagang ma-fflagged ang account natin for questioning. Iba-iba kasi kada banko.

Gusto ko sana sagutin to based on my experience but I like it to kept secret.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 267
October 04, 2019, 05:45:29 PM
#34
Kung gusto mo nang friendly na banko na hindi na magtatanong tungkol sa imcome sources niyo BPI ang sagot diyan.
Since BPI ang madalas ginagamit kong banko dati pa never ako tinanong ng mga yun kung sa gcash din naman hindi rin ako tinatanong diyan kaya kung mamimili ka between sa dalawa gamitin mo yung BPi at gcash para mas magands at safe ka.
legendary
Activity: 2688
Merit: 1065
Undeads.com - P2E Runner Game
October 04, 2019, 04:53:10 PM
#33

Lahat ng banko dito sa atin ay crypto friendly.

Sa kahit saan pa galing ang perang pumasok sa account natin, talagang magiging mainit tayo sa banko kung malakihan at regular ang natatanggap natin.

Iyong sa BDO dati na issue, kaya nila sinara iyong account nung isang client nila kasi sobrang laki ng pumapasok sa account niya regularly. And ang sinabi nyang reason is galing iyon sa crypto. So for this, talaga nga namang mapapaisip ang banko kung paanon nangyari iyon. Pero naayos na yang issue na yan matagal na and because of that they are now aware much of the crypto, at least iyong mga nag-handle ng case.

Di rin natin kasi alam anong amount ang talagang ma-fflagged ang account natin for questioning. Iba-iba kasi kada banko.
legendary
Activity: 2464
Merit: 1145
FOCUS
October 04, 2019, 02:55:18 PM
#32
I’m also planning to open a bank account para sana sa future earnings ko from crypto kaso parang most sa mga naexperience niyo guys, medyo hassle yung pag-cashout. Wayback 2017-18 thru eGivecash lang ako magcacashout and Cebuana kapag around 50k. Ngayon wala nang Cebuana sa coins kaya thru Gcash going to BPI naman ako nagcacashout. Mabilis lang yung proseso.

Ituloy ko pa ba mag-open sa BPI and ano ba mas ok if gagamitin for crypto-fiat withdrawal, debit o savings?
I really don't have any experience with bpi pero as far as I know mas better ang debit account kasi walang limit per day ang transaction/cashout mo unlike savings na may limit depending sa bank. Debit really suits you kasi for cash out purposes naman ang pag open mo ng account diba?

But here, I'll give you extra reason why you can still use gcash.
Meron ng available na mastercard ang gcash at pwede mo ito magamit sa mga available na ATM machine na tumatangap ng mastercard.
andito sa link ang ibang detalye at kung papano maka avail nito. Ito nadin ang ginagamit kong way of cashout sa ngayon kasi reliable naman siya.

Check it here: https://www.gcash.com/mc-store/orders


legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
Cashback 15%
October 04, 2019, 01:57:16 PM
#31
Para sa akin so far, Security Bank at BPI ang dalawa sa pinakareliable na bangko when it comes to cryptocurrency-related funds. They never asked silly questions sa akin kahit na nagpapasok ako ng malakihang halaga last 2017. Looking to get Unionbank na rin para palitan completely si Security Bank dahil nga medyo inactive na rin ako sa kanilang service at medyo onti ang perks unlike sa Unionbank na tempting talaga mag-open ng account. Marami rin ang nagsasabi na maganda nag BDO para sa gantong klase ng mga deposit,  you might want to look into that as well.

I’m also planning to open a bank account para sana sa future earnings ko from crypto kaso parang most sa mga naexperience niyo guys, medyo hassle yung pag-cashout. Wayback 2017-18 thru eGivecash lang ako magcacashout and Cebuana kapag around 50k. Ngayon wala nang Cebuana sa coins kaya thru Gcash going to BPI naman ako nagcacashout. Mabilis lang yung proseso.

Ituloy ko pa ba mag-open sa BPI and ano ba mas ok if gagamitin for crypto-fiat withdrawal, debit o savings?

Naka-savings account ako currently sa BPI at so far, wala namang problema akong na-encounter. 2 years na yung account ko sa kanila na regular nakakakuha ng deposit from either coins.ph or coins-gcash-BPI.
sr. member
Activity: 854
Merit: 272
October 04, 2019, 01:53:09 PM
#30
I’m also planning to open a bank account para sana sa future earnings ko from crypto kaso parang most sa mga naexperience niyo guys, medyo hassle yung pag-cashout. Wayback 2017-18 thru eGivecash lang ako magcacashout and Cebuana kapag around 50k. Ngayon wala nang Cebuana sa coins kaya thru Gcash going to BPI naman ako nagcacashout. Mabilis lang yung proseso.

Ituloy ko pa ba mag-open sa BPI and ano ba mas ok if gagamitin for crypto-fiat withdrawal, debit o savings?
hero member
Activity: 1694
Merit: 505
$CYBERCASH METAVERSE
October 04, 2019, 11:48:11 AM
#29
Magandang araw mga kabayan. Recently decided na mag open ng panibagong bank account, pero hindi pa sigurado kung anong bank.

Any experiences? Sa mga may bank account jan na hindi matanong ung bangko kung san galing ung pera etc(concerning crypto)? When withdrawing from Coins.ph/Abra.

Hindi naman ako tinantanong noong bangko na ginagamit ko ngayun na BPI kasi yun ang aking atm na payroll namin sa trabaho, at di naman kalakihan ang aking cash-out galing coins.ph patungong bangko. Siguro pinaka malaki ko that time na nag cash out ako ay nasa 10K php mahigit. Smooth lang transaction ko cash-out ako by morning tapos mga mga late 4pm na dumating sa bank account ko.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
October 04, 2019, 04:56:46 AM
#28
Gawa ka sa BDO - KABAYAN SAVINGS ACCOUNT, sabihin mo may kamag anak ka sa ibang bansa 200 lang paopen nyan alam ko or libre. Dala ka ng 4pc 1x1 Picture, Proof of Billing,  2 Valid ID. Mura na, may passbook at ATM Card ka pa.

Currently yan ang gamit ng asawa ko, pero ako talaga gumagamit, sya kasi may trabaho saming dalawa at mas kapani paniwala pag sya. Tatanungin ka lang nun kung para san yung padala, kung kaano ano mo ung nasa ibang bansa atska kung saang bansa. Yun lang.

Heto and pinaka safe sa lahat, nakapag open din si misis nyan dahil may dumadating na pera sa kanya galing abroad. Kung hindi ako nagkakamali 100 lang yata ang minimum at pede mo syang gawing regular na BDO card, kaya lang 5k PHP na ang maintaining balance.

Pinaka safe? Alam mo ba na BDO palang bangko na may issue sa Cryptocurrency? Pinasara nila ang account ng isang user nito nung nalaman nila na sa crypto nanggagaling ung pera na pinapasok nung may ari. Mahigpit sila pagdating sa crypto. Think twice. Hehe

And tinutukoy ko yung pag oopen ng bank account na pinatunayan ko ang sinabi ni cabalism sa post nya sa taas. At hindi ito ung BDO na normal heto ung BDO Kabayan Saving accounts na again tinutukoy ko kasi sinabi kong safe. At ito lahat ay base sa experience ko at hindi haka haka lang. Kaya sinabi ko na safe sya at madaling maka pag bukas ng account. Ang tanong lang eh saan mang gagaling ang pera so obviously sa labas ng bansa.
Pages:
Jump to: