Pages:
Author

Topic: Crypto-friendly Bank experiences - page 4. (Read 858 times)

legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
October 03, 2019, 02:04:27 AM
#8
For me, Metrobank ginagamit ko. Nagcash out ako ng malaking amount and dumating din same day ung money (As long as na before 10am mo sya itransfer).  Kinatatakutan ko na baka kontakin ako ng bank and magtanong kung san galing yung money na yun but so far wala and seamless yung transaction.
I'm assuming na matagal mo ng gamit ang Metrobank. Before ka na-involve at nag-withdraw ng income galing sa crypto-related activities, mga magkano ang mga previous regular deposits mo? Kung ayaw mo ibigay amount, ayos lang. Pakisabi na lang kung halos hindi naman nagkakalayo sa dati.

Alam ko kasi kapag biglang laki ng deposit, dyan nagsisimula yung mga dagdag inquiry nila.


Edit: naunahan na ako sa taas  Grin not the same words pero halos parehong point yung nabanggit.
copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
October 03, 2019, 02:01:50 AM
#7
For me, Metrobank ginagamit ko. Nagcash out ako ng malaking amount and dumating din same day ung money (As long as na before 10am mo sya itransfer).  Kinatatakutan ko na baka kontakin ako ng bank and magtanong kung san galing yung money na yun but so far wala and seamless yung transaction.

Depende yan sa source of income na dineclare mo by the time na nag open ka ng bank account. Bank usually don't care if the amount is too high based on your declared income basta hindi madalas ung ganito mon transaction. Pero kung araw2 or weekly ay nadedeposit ka ng malaki tpos above sa income mo. Kahit sino nman sigurong banko ay magtataka kung saan mo kinukuha ang pera mo.  Smiley
hero member
Activity: 1834
Merit: 523
October 03, 2019, 02:00:17 AM
#6
Sa pagcacashout ko ng pera madalas sa bank ng BPI ang ginagamit ko at hindi pa natin nila natanong sa akin kung saan galing yung pera yung at thankful ako kasi hindi nila tinatanong meron kasi na tinatanong daw at sinasabi naman nila yung totoo at okay naman wala namang problema. Pero para mas safe ka if tanungin ka sabihin mo na lang sa mga business mo sa kamag anak mo para iwas tanong pa ng marami incase lamang na manyari sa iyo.
jr. member
Activity: 125
Merit: 5
October 03, 2019, 01:54:16 AM
#5
For me, Metrobank ginagamit ko. Nagcash out ako ng malaking amount and dumating din same day ung money (As long as na before 10am mo sya itransfer).  Kinatatakutan ko na baka kontakin ako ng bank and magtanong kung san galing yung money na yun but so far wala and seamless yung transaction.
hero member
Activity: 2492
Merit: 542
October 03, 2019, 01:42:43 AM
#4
China Bank at BPI palang yung mga nagamit kong account from Coinsph yung sa Chinabank ata tumawag sakin kung may expected ako ng malaking halaga wayback 2017 kasi nasa above 100k bawat withdraw ko nun ,sa BPI kahit natry ko na rin from Coinsph walang tumawag sakin hindi ko lang alam kung wala silang paki haha tinanong lang ako jan nung mag open ako kung san gagamitin sabi pang savings ko lang po medyo suplado yung sagot ko para hindi na magtanong ulit haha.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1167
🤩Finally Married🤩
October 03, 2019, 12:30:40 AM
#3
Gawa ka sa BDO - KABAYAN SAVINGS ACCOUNT, sabihin mo may kamag anak ka sa ibang bansa 200 lang paopen nyan alam ko or libre. Dala ka ng 4pc 1x1 Picture, Proof of Billing,  2 Valid ID. Mura na, may passbook at ATM Card ka pa.

Currently yan ang gamit ng asawa ko, pero ako talaga gumagamit, sya kasi may trabaho saming dalawa at mas kapani paniwala pag sya. Tatanungin ka lang nun kung para san yung padala, kung kaano ano mo ung nasa ibang bansa atska kung saang bansa. Yun lang.
hero member
Activity: 3178
Merit: 635
October 03, 2019, 12:20:31 AM
#2
Wag mo nalang sabihin na galing sa crypto kung hindi ka kumportable. Sabihin mo lang na galing yan sa freelancing o online, may nabalitaan kasi ako dati na nung sinabi niya sa BDO na galing bitcoin parang pinigilan ata siya ng staff at hindi na pina-open. Hindi naman manghihingi masyado ng requirements yung mga bank ngayon kapag savings lang I-oopen mo. Depende rin siguro sa branch kasi may mga branch na mahigpit, anong bangko pala ang napupusuan mo? sakin sa BPI ako, kapag may account ka na sa kanila, kahit mag-open ka lang ulit walang problema basta may gov't id ka.
mk4
legendary
Activity: 2940
Merit: 3883
📟 t3rminal.xyz
October 02, 2019, 11:51:22 PM
#1
Magandang araw mga kabayan. Recently decided na mag open ng panibagong bank account, pero hindi pa sigurado kung anong bank.

Any experiences? Sa mga may bank account jan na hindi matanong ung bangko kung san galing ung pera etc(concerning crypto)? When withdrawing from Coins.ph/Abra.
Pages:
Jump to: