Ngayon, meron kwento na insurance scam artist, nag pa insure sa isang dozenang life insurance company. Nagbayad. Umabot ng 1 or 2 years. Then namatay.
So, si misis, naka kuha ng milyon milyon ... let's say 1 million bawat company, so binigyan sya ng 12 milyon total. Dollars ha, hindi Pesos.
3 years later, nahuli ng private investigator na buhay pa pala si mister, iba na muka, iba na haircut, iba lahat, pero positively identified na sya nga. Nahuli sa isang boat, sa ibang lugar.
Nakulong, kasi ginamit ang katawan ng ibang tao sa fake death o fake accident.
Alam na ng mga companies ito, so wag na subukan.
Magaling din yung private investigator kasi natrace niya pa at nahuli niya even though maraming modification ang ginawa nung lalake para lang maka takas sa scheme na ginawa nila.