Kaya nga nakita ng mga insurance company na pagsamahin ang insurance at investment. Kasi siguro nakita nila na mahirap ibenta ang insurance lang mismo kaya naisip nila na isama ang investment, personally gusto ko na mag insurance with investment ngayon pero kung insurance lang parang negative ako. Kahit kumikita ka ng hindi kalakihan pwede pa ding pumasok sa investment at insurance 2k lang kasi minimum non monthly sa pagkakaalam ko.
Pero risky din kapag may investment, siguro self control na lang ng pera, okay ang insurance, pero need mong maging maingat dahil maraming kaso na nahirapan sila mag claim, kaya medyo hirap ako sa pagdecide ngayon, mas gugustuhin ko ba magkaroon ng insurance, or save ko na lang ng sarili ko and I will just invest on my own, para ka kasing nagiipon lang kapag may insurance ka, kapag may kasamang investment naman super risky.