I don't have an insurance yet dahil wala pa naman akong pamilyang sinusutentuhan. Dependent pa din ako sa parents ko at the moment dahil magbo-board exam pa ako. Pero, hindi habambuhay andyan sila. I mean, the time will come that I will be the one looking after them and my siblings kaya nacoconsider ko na din magkaroon ng life insurance. At my age, dapat na talagang kino-consider ang mga ganitong bagay.
Nadagdagan yung drive ko na kumuha ng insurance dahil sa discussion na ito, op. Thanks for that. But, regarding Dabs' response quoted below:
Go for the bigger life insurance companies, the bigger ones like Sunlife, Manulife, BPI-Philamlife. BDO Life, PNB Life, BenLife, Caritas, Generali, Insular Life, Axa Life, Pru Life ... marami pag pipilian. Lahat ng big banks meron insurance, so kunin mo siguro kung saan ka meron account. Tanong mo yung teller o manager ng branch.
Wala pa kasi akong account sa kahit alin sa nabanggit mo. May mga commercials naman akong napapanuod at halos lahat naman, encouraging.
So I'm just wondering kung aling insurance company ang dapat kong piliin? Anong mga bagay ang dapat kong iconsider in choosing an insurance company? Andami kasing choices hehe. So I thought, maybe there's a criteria.