Sure din kaming matatag ang napili naming insurance company. Ang hirap mamili sa totoo lang.
Iba pa rin ang ready na para at least, secure na ang future. Kumbaga kung may worst-case scenario in the future, may aasahan akong backup at di rin natin masabi ang puwedeng mangyari. Pero sa awa ng Diyos, sana wag ng dumating sa worst-case scenario.
For me, parang di appropriate kung pipili between educational plan o Bitcoin kasi in the first place, magkaiba ang purpose technically kaya natin sila kinonsider sa ating mga financial plans. Kung kaya naman silang pagsabayin, why not? Although pag may educational plan, talagang dapat isapuso ang desisyon na kumuha nyan dahil di rin biro ang monthly payment at as much as possible, walang mintis sa pagbayad.
- Hindi lang natin alam kung bakit kinumpara ni OP ang Bitcoin sa insurance, dahil gaya nga ng sinabi mo technically ang laki ng kanilang pagkakaiba talaga, una volatile asset si Bitcoin, pangalawa decentralized based concept ito, pangatlo connected sa blockchain technology.
Kabaligtaran naman ang Insurance sa Bitcoin, saka lahat naman tayo na kumuha ng insurance ay hindi natin hinahangad ang worst senaryo, pero alam din naman nating meron parin talaga itong risk, ganun pa man hinarap parin natin ang risk dahil hindi natin malalaman kung tama ba ang desisyon na ginawa natin o hindi kung wala tayong aksyon na gagawin.