Sa Bitcoin naman ay sobrang volatile ng market kaya may chance na mag incur ng losses in the future. High risk high reward kumbaga pero kung titignan ang chart ni Bitcoin ay sobrang ganda ng performance long term kaya the best din sa long term investment kagay ng educational plan.
Sa bitcoin hindi mo talaga mapapansin ang volatility kung naniniwala ka at nagtitiwala sa HODL , kasi wala tayong pakialam ano man ang takbo ng prices dahil
mas nakafocus tayo sa kung kelan natin ito ilalabas.
kumbaga halos di na natin bibigyan ng pansin ang Bitcoin price sa oras or panahong ito, instead sa panahong kung kelan natin desisyong i benta.
Ito ang plan ko. Kukuha ako ng educational plan na mababa lang then half ng salary(signature campaign at real job) ko ay ilalagay ko sa Bitcoin monthly then observe ang Bitcoin market in 4 years basis dahil ito yung tinatawag na crypto cycle tapos ilalabas ko yung half profit ko sa Bitcoin para ilagay ulit sa insurance and so on. Bali not totally all-in sa Bitcoin para may guaranteed profit while still invested sa Bitcoin regularly.
Maganda din naman ang plan mo mate kasi multi strategy yan , kumbaga mas gusto mong secure ang investments mo .
pero kasi para sakin mas ok ako sa pagkuha ng mga Plans kasi di natin masasabi ang sitwasyon sa future.
pero mas ok na ang nasa dalawang lugar naka posisyon ang pera natin.