Pages:
Author

Topic: Educational plan sa Bitcoin o Insurance? - page 3. (Read 408 times)

hero member
Activity: 2520
Merit: 568
Payment Gateway Allows Recurring Payments
October 11, 2023, 11:25:13 PM
#2
Yung mama ko ay kumuha ng educational plan ko pero nabankrupt at hindi lang ata isang company nangyari yun kaya noong lumaki laki ako, naisip ko na parang hindi suitable sa akin yan para sa anak ko. Mas mainam na kung magse-save, savings nalang sa bank at yun na ang magiging future educational fund ng anak ko ang cons lang nito ay bababa ang value dahil sa inflation pero madaling maliquidate naman. Mahirap  isipan yung mga ganitong bagay dahil hindi naman ako magaling sa bagay na ito. Pero sa pagi-invest sa Bitcoin parang set of plans ang nagagawa ko kasama na diyan ang educational future fund ng anak ko.

Ito ang plan ko. Kukuha ako ng educational plan na mababa lang then half ng salary(signature campaign at real job) ko ay ilalagay ko sa Bitcoin monthly then observe ang Bitcoin market in 4 years basis dahil ito yung tinatawag na crypto cycle tapos ilalabas ko yung half profit ko sa Bitcoin para ilagay ulit sa insurance and so on. Bali not totally all-in sa Bitcoin para may guaranteed profit while still invested sa Bitcoin regularly.
Mga magkano yung educational plan na mababa na kukunin mo? Mukhang magandang strategy yang gagawin mo dahil isa ka namang financial manager at mas maalam ka sa bagay na ito. Interesting yung topic na ito kabayan. Sana magpatuloy pa mga discussions dito at mag share ka pa ng mga makabuluhang posts tungkol sa insurance at finance dahil lahat naman tayo dito may ideya na sa bitcoin.
hero member
Activity: 1288
Merit: 564
Bitcoin makes the world go 🔃
October 11, 2023, 10:46:15 PM
#1
Maaring may iba dito na mayroong mga baby na plano nyo isecure yung future sa pmamagitan ng maagang pagiipon. Isa na ako dito at dahil financial manager ako ng isang insurance company ay naisip ko na gawin ang thread na ito para unbiased decision making.

Naisip ko kasi na both Insurance at Bitcoin ay magandang way para magipon para sa educational plan ng baby ko pero undecided ako since both ay may pros and cons na familiar ako since involved ako sa dalawang ito.

Maganda ang insurance educational plan since mga professional fund manager ang humahawak at nagpapaikot ng funds ko sa stock market pero maliit lang talaga ang profit margin since safe trading lang naman sila at absurd naman kung kukuha ka ng educational plan na aggressive type since future ng anak mo ang nakasalalay dito. Sa Educational plan ay guarantee mo na ang final output ng investment mo ay more or less na dikit sa total investment meaning assured yung ipon mo pero kontin ang profit.

Sa Bitcoin naman ay sobrang volatile ng market kaya may chance na mag incur ng losses in the future. High risk high reward kumbaga pero kung titignan ang chart ni Bitcoin ay sobrang ganda ng performance long term kaya the best din sa long term investment kagay ng educational plan.

Ito ang plan ko. Kukuha ako ng educational plan na mababa lang then half ng salary(signature campaign at real job) ko ay ilalagay ko sa Bitcoin monthly then observe ang Bitcoin market in 4 years basis dahil ito yung tinatawag na crypto cycle tapos ilalabas ko yung half profit ko sa Bitcoin para ilagay ulit sa insurance and so on. Bali not totally all-in sa Bitcoin para may guaranteed profit while still invested sa Bitcoin regularly.


Pages:
Jump to: