Hopefully yung mabilis na Internet connection pero makatarungan ang rates, tagal ko na nag aapply for fibr kaso di pa raw available sa lugar namin. Pag singilan ang usapan dyan sila mabilis pag ka may problema mag aantay ka pa ng 2-3 days or mahigit pa, pag hingi ka naman ng rebate sobrang baba ng ibibigay sayo nakakadismaya. Hirap kasi makapasok mga new ISP dito satin dahil sa corruption, may napanuod akong video na nag rant about sa pldt di raw makapasok ibang company dahil binabayaran ng pldt, correct me if I'm wrong.
Bro na experience ko na din yan , Last year pako nag babalak mag paconnect fibr dito samin kaso sabi nila wala pa daw fibr sa lugar namin kaya nag tiyaga ako sa globe. Last week pumunta ako sa PLDT at mabuti at available na ang fibr samin ang problema lang after ko daw mag apply waiting daw 3-4 weeks bago ma connect , Isipin mo sobrang tagal nang 3-4 weeks. Tapos nag hahanap pa akong feedback kung sakali kasi dati ung globe namin mabilis sa first 2 months pero after nun bumagal na nang sobra.
Dito kasi samin sa province medyo matagal talaga malatagan ng fibr connections iilang lugar pa lang meron dun sa mga mayayaman na lugar. Grabe naman yung 3-4 weeks kung fibr ready na yung lugar, try mo kaya padulasan baka maikabit agad yung tropa ko kasi may ka batch na nag kakabit or nag aayos ng linya ng dsl ang kwento niya i tetext lang niya tapos gagawan ng paraan nung tech tapos bibigyan na lang niya ng pera at meryenda. Marketing strategy ata ng globe yan dati rin kasi kaming globe tattoo parang 1st week mo libre and pwede mo pa terminate yung contract after ng 3 months yung 5 mbps pumapatak na lang ng 3 mbps sa peak hours. I pag dasal na lang natin na sana unahin nila ang good service kesa profit kaso malabo mangyari
Best internet service provider as of the moment is Converge kasi they offer fiber 25mbps for as low as 1500 pesos. Sila pinaka mura at affordable na fiber na net dito satin bansa. Kaya lumipat kami dito eh, tapos ok naman siya satisfied ako sa net speed namin kasi di siya bumabagal.
Nabalitaan ko na yang converge sa isang forum kaso di siya available dito sa province namin sayang madami pa man ding magagandang feedbacks.