Author

Topic: [GABAY] sa mga baguhan para sa wastong paggamit ng Trust system [LoyceV] (Read 523 times)

hero member
Activity: 2114
Merit: 562
Kahit matagal na rin ako dito sa BTT, sa totoo lang di ko masyadong naiintindihan yung trust system na yan, now ko lang talaga naintindihan dahil siguro nga ay tagalog ito hehehe, pero ganun pa man malaking tulong ang pagkakasalin mo OP sa wikang tagalog dahil mas maiintindihan ito.

Okay na rin ito dahil mas nagiging accessible ito sa mga Pinoy members. Hindi naman kasi lahat nagmomonitor sa lahat ng sections at boards dito sa forum.

Kung isusummarize natin, hindi naman sya gaanong mahirap intindihin. Kapag trust feeback normally involved dyan ang trading. Kapag nagkaroon kayo ng deal na may significant amount of money involved at okay ang kinalabasan ibig sabihin maaari kang mag-iwan ng feedback na may tiwala ka sa kanya. Yung sa trust list naman parang sa kabuuan yun eh. Tinutukoy nyan yung tiwala mo sa isang particular member dito sa forum not in terms of money but in terms of his overall conduct, judgments, contributions, and decisions dito sa forum.

Ang problema kasi napakaraming gray areas na sa tingin ko ay inumpisahan naman ng mga nasa taas. Hindi naman lingid sa kaalaman natin na yung iba nagkaroon ng red o green sa kanilang feedback kahit walang koneksyon sa trading or money matters. Yung iba nga more on personal na lang eh. In fact, kung susundin natin religiously ang gamit ng mga ito sa tingin ko invalid yung mga spammer, shitposter, etc na red feedback. A spammer or shitposter could actually be trusted when it comes to trades, big or small. 

Para kasing nakakadala na na makipag transact sa mga forum site dahil nga sobrang anonymous ang tao, minsan may nagaalok din sa akin ng transaction dito, pero naiisip ko na baka mablackmail lang ako, at marumihan yung account ko dahil  di maiaalis na may mga tao na talagang hahanapan ka ng butas para masira ka.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1860
Kahit matagal na rin ako dito sa BTT, sa totoo lang di ko masyadong naiintindihan yung trust system na yan, now ko lang talaga naintindihan dahil siguro nga ay tagalog ito hehehe, pero ganun pa man malaking tulong ang pagkakasalin mo OP sa wikang tagalog dahil mas maiintindihan ito.

Okay na rin ito dahil mas nagiging accessible ito sa mga Pinoy members. Hindi naman kasi lahat nagmomonitor sa lahat ng sections at boards dito sa forum.

Kung isusummarize natin, hindi naman sya gaanong mahirap intindihin. Kapag trust feeback normally involved dyan ang trading. Kapag nagkaroon kayo ng deal na may significant amount of money involved at okay ang kinalabasan ibig sabihin maaari kang mag-iwan ng feedback na may tiwala ka sa kanya. Yung sa trust list naman parang sa kabuuan yun eh. Tinutukoy nyan yung tiwala mo sa isang particular member dito sa forum not in terms of money but in terms of his overall conduct, judgments, contributions, and decisions dito sa forum.

Ang problema kasi napakaraming gray areas na sa tingin ko ay inumpisahan naman ng mga nasa taas. Hindi naman lingid sa kaalaman natin na yung iba nagkaroon ng red o green sa kanilang feedback kahit walang koneksyon sa trading or money matters. Yung iba nga more on personal na lang eh. In fact, kung susundin natin religiously ang gamit ng mga ito sa tingin ko invalid yung mga spammer, shitposter, etc na red feedback. A spammer or shitposter could actually be trusted when it comes to trades, big or small. 
hero member
Activity: 2114
Merit: 562
Kahit matagal na rin ako dito sa BTT, sa totoo lang di ko masyadong naiintindihan yung trust system na yan, now ko lang talaga naintindihan dahil siguro nga ay tagalog ito hehehe, pero ganun pa man malaking tulong ang pagkakasalin mo OP sa wikang tagalog dahil mas maiintindihan ito.
sr. member
Activity: 1400
Merit: 269
May nabasa na rin ako about sa trust system i think dun ko yun nabasa sa newbies section pero medyo complicated ang explanation at masyadong maraming info nakakatamad basahin. Kaya siguro iilang miyembro lang sa forum ang tunay na nakakagets ha trust system kasi mahirap masyado at mahaba explanation. Salamat sa simpleng post na to na gets kuna rin. Tanong lang wala bang punishment ang isang user pag may negative feedback na sya ?
hero member
Activity: 2744
Merit: 541
Campaign Management?"Hhampuz" is the Man
I think it would be better to pin this post in our local kasi baka matabunan lang din ng mga upcoming post ng ating local members! And I found out na napaka importante din ng functionality na ito when it comes to giving a proper feedback along with other forum members.


+1 ako dito mas mainam na mapunta ito sa pinned posts sa taas kasi napaka importante nito dahil sa totoo lang andami nating mga kababayan na matatagal na dito pero hindi pa din lubusang nalalaman ang laman ng thread na ito,lalo na ang pag  gawa ng sarili nating trust System in which malaking bagay para makita ng iba na katiwa tiwala ang mga nasabing tao or hindi pwede pagka tiwalaan.
legendary
Activity: 2548
Merit: 1397
Yehey, may guide na about sa trust system. Last time si @asu nag introduce nito sa akin.
(...)
Speaking of Trust System, may nagawa pala si @asu dito sa local section natin about sa Trust System ng forum which is ito with kasamang flags ito (new added feature sa trust system)
: [Filipino] Trust Flags.
Just note guys na magkaiba ang thread na ito at yung na mention ko sa taas, dahil itong kay Yatsan ay pure Trusts tapos shinare din yung pag gamit ng gawa ni LoyceV na trust list viewer which is really helpful..
copper member
Activity: 84
Merit: 3
salamat po dito  Grin
legendary
Activity: 2548
Merit: 1397
Yehey, may guide na about sa trust system. Last time si @asu nag introduce nito sa akin.
At tama si Yatsan guys, kailangan na natin simulan matutunan itong trust system ng forum, explore niyo guys. Sa mga baguhan, normal lang na malito sa umpisa.
Nandito naman kami if may mga tanong kayo, at pwede naman dito na thread na ginawa ni Yatsan magkaroon ng discussion tungkol sa Trust system.
sr. member
Activity: 1162
Merit: 450
I think it would be better to pin this post in our local kasi baka matabunan lang din ng mga upcoming post ng ating local members! And I found out na napaka importante din ng functionality na ito when it comes to giving a proper feedback along with other forum members.

Isa pa pwede din dito idagdag yung pagkakaiba ng "Trusted Feedback at "Untrusted Feedback" para malaman nila kung non-DT ba yung nagbigay ng feedback to other members!

AFAIK, kapag kasi member ng DT yung nagbigay ng Trust Feedback, nag aappear sa lowermost part ng account. Kapag non-DT member naman nag aappear siya kapag na click na yung profile information.
sr. member
Activity: 2828
Merit: 344
win lambo...
Malaking tulong ito sa lahat, hindi lang sa mga baguhan pati narin sa mga hindi kabisado kung paano gagawin yung trust list, kahit nga ako medyo naguguluhan dati.
Siguro nga sa panahong ito mas maapreciate pa natin ang kahalagahan ng trust system sa forum. Though we are not seeing each other pero pwede parin nating ma feel kung yung isang tao ay mapagkakatiwalaan or hindi. Napakasakit lang isipin dahil minsan nadadali pa tayo sa mga hindi magagandang kagagawan ng iba...
legendary
Activity: 2576
Merit: 1252
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Bump!
Ini-invite ko na lahat ng Filipino members ay gumawa ng kanilang trust list! Mahalaga ito sa ikaka-improve ng ating forum! Salamat!
legendary
Activity: 2576
Merit: 1252
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform

    Hindi ko pa ginagamit forum feature na ito. Popular ito sa mga nakikipag-trade sa forum kagaya ng mga nagbebenta ng items pati na din sa involve sa papautang.

    Few typos lang at sa codes:
    Quote
    kahit sino ay maaaring mag iwang ng feedback, at kahit sino ay pwedeng mag customizr ng kanilang Trust list!
    Quote
    mag iwan ng feedback sa mga taong iyong pinagkakatiwalaan o sa mga hindi.[/color]. O mag i-iwan lamang ng neutral na komento.
    Quote
    Tulungan mo akong ma improve pa ang topic na ito, kung anuman ang hindi malinaw o nawawala: mangyari lamang na i-post ito [/list][/glow]

    Thank you Bttzed03 sa pag pansin sa mga typo  Smiley
    Yes, ayun din yun napapansin ko puro mga lenders at traders lang dito sa forum yun mga gumagamit ng Trust list system at feedback system, Kaya nga sabi ni LoyceV ay dapat kahit mga simpleng myembro ng forum ay gamitin ito dahil nakakatulnog ito sa pag progress ng forum. At isa din itong magandang platform para sa pag pili ng ating mga magiging DT Smiley

    May pag-asa din palang maging DT ang mga normal na member kagaya ko Smiley
    Akala ko dati exclusive lang iyon para sa mga matatagal na dito sa forum.
    I te-testing ko na yun pag lalagay sa Trust list at feedback ngayon Smiley Salamat dito!

    Oo naman, kahit sino ay pwedeng maging DT, basta ma meet lang ang mga requirements sa taas, at dapat talaga ay mayroong nagtitiwala sayo dito sa forum. At shempre dapat maging isang mabuting halimbawa ka na myembro para sa hinaharap ay ma-sama ka biling isa sa ating mga DT.
    legendary
    Activity: 2114
    Merit: 1150
    https://bitcoincleanup.com/

      Hindi ko pa ginagamit forum feature na ito. Popular ito sa mga nakikipag-trade sa forum kagaya ng mga nagbebenta ng items pati na din sa involve sa papautang.

      Few typos lang at sa codes:
      Quote
      kahit sino ay maaaring mag iwang ng feedback, at kahit sino ay pwedeng mag customizr ng kanilang Trust list!
      Quote
      mag iwan ng feedback sa mga taong iyong pinagkakatiwalaan o sa mga hindi.[/color]. O mag i-iwan lamang ng neutral na komento.
      Quote
      Tulungan mo akong ma improve pa ang topic na ito, kung anuman ang hindi malinaw o nawawala: mangyari lamang na i-post ito [/list][/glow]





      member
      Activity: 71
      Merit: 10
      May pag-asa din palang maging DT ang mga normal na member kagaya ko Smiley
      Akala ko dati exclusive lang iyon para sa mga matatagal na dito sa forum.
      I te-testing ko na yun pag lalagay sa Trust list at feedback ngayon Smiley Salamat dito!
      legendary
      Activity: 2576
      Merit: 1252
      Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
      TRANSLATION LAMANG ITO NG ORIHINAL NA POST NI LOYCEV: LINK PARA SA ORIHINAL NA POST

      Marami pa rin akong nakikitang high rank accounts na mali ang pag gamit sa ating Trust system. Upang ang Trust system ay gumana ng maayos habang nananatiling decentralized, Mahalaga na maintindihan na ang “feedback” at “Trust lists” ay parehas lamang ang kahulugan dito sa forum at ang tawag dito ay “Trust”.

      Kapag naintindihan na ng mabuti ang system, mahalagang simulant na ang paggamit nito
      • Nakipag trade kaba kung saan nag risk ka ng pondo? Mag-iwan ng feedback!
      • Nakakita ka ba ng member na nag iwan ng tamang Trust feedback sa madaming accounts? I-add mo sila sa iyong Trust list!
      kahit sino ay maaaring mag iwang ng feedback, at kahit sino ay pwedeng mag customize ng kanilang Trust list!

      Ngunit, ipagpatuloy ang pagbabasa upang matiyak na alam mo ang kanilang pagkakaiba.

      Dahil ito ay beginners guide, Ituturo ko lamang ang mga mahahalagang bahagi. Hindi ko maisasama ang lahat, ngunit kahit hindi kumpleto ang mga detalye, maraming tao ang matututo kung paano gamitin ang Trust system.

      Nilikha ko ang TrustTestUser upang makatulong sa pagkuha ng mga screenshot at mga links. Huwag na mag iwan ng positive feedback sa aking alt, Wala akong balak na gamitin ang account na ito para sa iba pang bagay.



      Huwag malito sa Trust list at feedback
      Trust feedback: mag iwan ng feedback sa mga taong iyong pinagkakatiwalaan o sa mga hindi.. O mag i-iwan lamang ng neutral na komento.
      Trust list: listahan ng mga taong iyong pinagkakatiwalaan (username) o hindi mo pinagkakatiwalaan (~username).



      Trust feedback
      Ang Trust feedback (Positive/Neutral/Negative) ay maaaring gamiting sa iyong paghayag ng opinion tungkol sa pagiging mapagkakatiwalaan ng isang tao. Sa madaling salita: magtitiwala kaba o pinagkatiwalaan mo ba ang user na ito ng iyong pera?

      Saan ito makikita: Mag-click sa username upang mapunta sa user's profile, pagkatapos ay i-click ang Trust upang Makita ang kanilang Trust summary (depende sa board maaari din ito makita sa ilalim ng username).
      Pagkatapos i-click, nasa Trust summary.Basahin nang Mabuti ang description per Type:
            New feedback loading...
      Tandaan na ang description para sa Positive, Neutral at Negative ay naiiba 4 months ago: Ito ay nabago nang ipinakilala ang Trust Flags.

      Positive (ipinakikita bilang +1)
      • Kung gumawa ka ng isang maliit na deal sa isang tao, hindi ito nararapat bigyan ng positive feedback.
      • Kung nakipag-deal ka kung saan na-risk mo ang isang malaking halaga ng pera sa isang tao, at nagging maayos ang lahat, nararapat itong bigyan ng positive feedback.
      • Kung ang isang tao ay isang mabait, hindi ito nararapat bigyan ng positive feedback.
      • Kung naniniwala ka na maaaring mapagkakatiwalaan ang isang tao, kahit na hindi ka nakipag-trade sa kanya, nararapat din itong bigyan ng positive feedback.

      Neutral (ipinakikita bilang =1)
      • Gumamit ng Neutral feedback  para sa anumang bagay na hindi nangangahulugang na ang isang tao ay maaaring mapagkatiwalaan o hindi mapagkakatiwalaan. Maaari itong maging good feedback, halimbawa kapag may nakatulong sa iyo.
      • Sa palagay ko ang Neutral Feedback ay kasalukuyang undervalued sa Bitcointalk. Ito ay isang mahusay na tool upang mag de-escalate nang walang matinding consequences. Pakiusap gamitin ito ng wasto.

      Negative (ipinakikita bilang -1)
      • Kung naniniwala ka na ang isang tao ay isang scammer, o ang isang tao ay malamang mang-scam, dapat itong bigyan ng negative feedback. Mangyaring magbigay ng katibayan.
      • Kung galit ka talaga sa tao at siya ay isang troll, hindi ito karapat-dapat bigyan ng negative feedback.

      Ang resulta pagkatapos makatanggap ng feedback para sa bawat uri:
            +1 / =1 / -1 loading...

      Comments
      Sumulat ng malinaw na description. Panatilihin itong maikli hangga't maaari ng walang naiiwan na detalye. Kung masyadong mahaba ang iyong feedback, gumawa ng isang topic sa Reputation o Scam Accusations.
      I-try maging objective. Kung mananatili ka sa katotohanan, tatanggapin ng mga tao ang iyong feedback bilang seryoso kaysa mag-resort ka sa name calling.

      Gumamit ng Reference links
      Ang Reference links ay magbibigay ng mas madaming background information tungkol sa Feedback. Ito ay sobrang nakakatulong upang masuri kung ang iyong paghusga ay tama. Maaari kang gumamit ng isang Webpage archive archieve upang ma preserve ang iyong katibayan kung kinakailangan sa iyong Reference link.

      Be the bigger man!
      “With great power comes great responsibility” (source unknown). Lalo na kapag nasa DefaultTrust ka (o kung nais mong maging DefaultTrust sa hinaharap), hindi mo dapat gamitin/abusuhin ang kapangyarihang iyon sa pamamagitan ng pag-iwan (negative) feedback kapag may nagawa ang isang tao na hindi mo gusto. Ang iyong Ipinadala na feedback ay ang ginagamit ng iba upang hatulan ang iyong judgement. Kung ang isang tao sa internet ay hindi mabuti sa iyo boo fucking hoo! Gamitin ang Ignore button, at kalimutan ang taong ito.

      Delete feedback
      Maaari mong tanggalin ang feedback sa pamamagitan ng pagbisita sa Trust summary. Ang anumang feedback na ginawa mo ay may isang link para ma (Delete) ito:
            Trust summary for TrustTestUser loading...
      Mangyaring lamang na tanggalin ang feedback kapag hindi na ito naaangkop. Maaari mong palitan ang lumang negatibong feedback sa pamamagitan ng bagong neutral na feedback kapag okay na ang sitwasyon. Kung ang sitwasyon naman ay kabaliktaran, iminumungkahi kong iwanan ang lumang neutral na feedback, at magdagdag ng lamang ng bagong negatibong feedback.

      Do's and Don'ts
      • Huwag mag-lagay ng positive feedback para sa iyong sariling alt account.
      • Huwag mag-lagay ng negative feedback kapag ang isang tao ay lumalabag sa forum rules. Sa halip, gamitin ang Report to moderator para sa mga paglabag sa panuntunan.
      • Mag-lagay ng neutral feedback kung nais mong ipakita kung aling mga alt account ang sayo.
      • Huwag mag-lagay ng (negative) feedback para makapaghiganti.
      • Huwag mag-lagay ng (positive) feedback dahil lamang binigyan ka ng isang tao.

      Ito ay mga gabay lamang
      Ang Trust ay hindi moderated, ngunit kung paano mo ito ginagamit ay ang iyong "business card" sa komunidad. Gamitin ang nasa itaas bilang guidelines lamang. Ito ay ginawa upang bigyan ka ng isang pangkalahatang ideya ng kung ano ang itinuturing kong mabuting pag-uugali. Tanungin mo rin ang iyong sarili bago mag-lagay ng feedback: "Gamit ang feedback ko nagging mas magandang lugar ba ang Bitcointalk? At kung ito ay negatibo: tama/sapat ba sirain ang account at reputasyon ng isang tao tungkol dito?". Isaalang-alang ang paggamit ng Neutral feedback kung hindi sigurado kung ito ba ay para sa Positibo o Negatibo.

      Trust Flags
      Hindi ko muna isasama ang Trust Flags details dito (para sa ngayon). Ang pinakamahalagang bagay para sa paglikha, Pagsuporta o Opposing Trust Flag ay basahin nang mabuti ang sinasabi nito bago mag-click. Kung mayroong mali, huwag suportahan ito!



      Trust list
      Dapat mong i-add ang mga user na nag-lagay ng accurate na feedback at mayroong magandang Trust lists sa iyong Trust lists, at dapat tanggalin mo ang mga user na nagiiwan ng inaccurate na feedback. Nangangahulugan na dapat ang iyong Trust lists ay naka base kung paano mo pahalagahan ang judgment ng user sa kapwa nito, at dapat hindi ito naka base kung pinagkakatiwalaan mo ang user o hindi (sa pera) o pakikipag-trade sa kaniya.

      Hinihikayat ko ang lahat na lumikha ng kanilang sariling custom Trust list! Ngunit bago mo gawin, mangyaring magpatuloy sa pagbabasa upang maunawaan mo ito ng mabuti.

      Saan matatagpuan ito: Mag-click sa profile ng isang user, pagkatapos ay i-click ang Trust, at i-click ang Trust settings.
      Inirerekumenda kong panatilihin ang DefaultTrust sa listahan upang makita ang feedback base sa DT1 at DT2 na mga members by default.
      Maaari mong isama ang kahit na sinong user sa pag-add sa kanilang pangalan sa iyong Trust list. At pwede mong i-exlcude ang kahit na sinong user sa pag-add ng "~" sa harap ng kanilang pangalan. Pag tapos ka na, i-click ang Update. Halimbawa:
            Trust list loading...
      Kung makikita nyo ang halimbawa sa taas, naka excluse sa akin si cryptohunter, at naka include naman si guitarplinker and NLNico. Ang DefaultTrust ay nasa aking Trust list din.
      Kung hindi nyo alam ang ginagawa nyo, dapat mong hayaan ang Trust depth sa 2.

      Implikasyon sa paggawa ng Trust list
      Ang pag-add ng user sa iyong Trust list ay mayroong malaking recursive implications dahil ang user na direkta mong pinagkakatiwalaan (Depth 0) ay magiging pinagkakatiwalaan mo din ang kanilang pinagkakatiwalaan (Depth 1), at ang mga user na kanila rin pinagkakatiwalaan (Depth 2) (tignang ang ang mga detalye na lampas sa beginner level).
      Once you have a custom Trust list, you'll see different Trust scores than users without a custom Trust list. You can always add ;dt to any URL to view the forum as if you didn't set a custom Trust list (see this example).

      Public record
      Tandaan na ang lahat ng Trust list ay naka public: nag pa-publish si Theymos ng weekly list, kung saan ginagamit ko ito para sa aking Trust list viewer. Tinatago ko ang mga lumang records (kasalukuyang 38 weekly snapshots). Maaari mong gamitin ang tool na ito, upang masuri mo kung sinong mga user ang karapat-dapat na isama sa iyong Trust list.
      hindi ko sini-censor ang data: ang iyong choice ay mananatili kahit na pagkatapos mo itong baguhin, kaya mamili mabuti.

      Do's and Don'ts
      • Huwag i-add ang user sa iyong Trust list dahil ikaw ay kanya i-nadd niya sakanya!
      • Huwag i-exclude ang user sa iyong Trust list base sa pagganti. Okay lamang na pagkatiwalaan ang judgement ng iba, kahit na hindi niya pinagkakatiwalaan ang sayo.
      • Huwag i-add ang isang tao sa iyong Trust list dahil nagkaroon kayo ng trade, Kahit pinagkakatiwalaan mo siya sa pera, hindi ibig sabihin nito ay pagkatiwalaan mo ang kaniyang judgement sa iba. Sa tingin ko ito ang pinaka karaniwang pagkakamali na ginagawa sa Trust lists!
      • Okay lamang na i-sama ang iyong account sa iyong sariling Trust list. Ibig sabihin nito ay pinagkakatiwalaan mo ang feedback na nilagay mo sa iyong account. Halimbawa:
        Quote
        hilariousandco Trusts these users' judgement:
        7. hilariousetc (Trust: +3 / =1 / -0) (1725 Merit earned) (Trust list) (BPIP)
      • Huwag isama ang iyong main account mula sa iyong alt account. Maaaring maimpluwensyahan nito ang DT1-voting, at bagama’t hindi ito bahagi ng guide na ito masama ito.



      DefaultTrust
      Ang DefaultTrust (o DT) ay mayroong Trust depth levels, at naka set ito sa depth 2 sa kung sino mang hindi ito binabago. Nangangahulugan ito na ang feedback na binigay ng lahat ng DT1 at DT2 members ay default na ipanapakita para sa lahat ng user. Huwag ito alalahanin sa ngayon, hindi ito ang pangunahing tungkulin ng topic na ito.
      Ang anumang binigay mong feedback, ay palaging naka show as Trusted sayo. Ngunit naka depende ito sa Trust settings ng iba kung ipapakita nila o hindi ito Trusted para sa kanila.

      DT1 voting
      Depende sa mga criteria (na hindi na sakop ng topic na ito), Ang paglikha ng sarili mong Trust ay ginagawa kang karapat-dapat bumoto sa para sa mga magiging miyembro ng DT1, at/o maaari kang mapili para sa DT1 mismo. Kapag ikaw ay nasa DT1 na, ang mga user na kasama sa iyong Trust list ay mapupunta sa DT2, kung saan ang kanilang feedback ay mapapakita bilang default din. Iyon ay malaking responsibilidad, ngunit hanggan’t ikaw (at karamihan ng ibang user) ay gumagamit ng Trust ng maayos, ang voting system ay dapat gumana kahit na hindi mo ito lubos na nauunawaan.


      No spam
      kapag na na-quote mo ang buong OP, buburahin ko ang iyong post.


      Tulungan mo akong ma improve pa ang topic na ito, kung anuman ang hindi malinaw o nawawala: mangyari lamang na i-post ito Smiley
      Jump to: