Hindi lahat ng blessings ay dapat tinatanggap lalo na kung ito’y magdudulot ng negatibong epekto sa iba. Sa totoo lang, hindi natin alam kung magkano ang bayad sa mga endorsers na ito, pero ang mahalaga ay ang kanilang responsibilidad bilang mga influencer. Dapat silang maging maingat sa mga endorsement na kanilang tinatanggap dahil malaki ang kanilang impluwensya sa publiko.
Oo sang-ayon din ako sa sinasabi mo, isa sa mga kinabibiliban ko na mga influencers ay si @kuya renan sa Facebook nasa 100k sa pera natin ang offer sa kanya kada uplod ng video sa pagpromote ng gambling ay hindi nya talaga tinanggap, tapos si @Pepz TV nasa 150k naman ang offer sa kanya kada uplod din ng video na isisingit lang yung pagpromote ng gambling.
Kaya yung ibang mga influencers na nagpopromote ng gambling ay mga hayok sa pera at masasabi kung wala talagang pakialam sa mga taong pwedeng masira ang buhay dahil sa sugal, dahil ang iisipin ng tao na magsusugal ito na yung pag-asa nya bagay na hindi maganda na pwedeng magdulot ng hindi rin maganda sa pagbabago ng kanilng karakter bilang tao.