Kaya kudos talaga sa mga influencers na hindi nag promote ng sugal at ok na sakinala ang kita nila sa social media dahil hindi sila nakakasira ng buhay ng tao at tsaka pure good contents lang ang makikita natin.
Yung mga videos na puro prank at katatawanan usually ang mga promoters ng mga gambling platforms pero yung mga nasa health, politics, electronics and motivational videos wala silang pino promote na gambling platform, kaya asahan mo pag nakakita ka ng video na tungkol sa prank o mga chismis o katatawanan asahan mo kalahati ng video dedicated sa promotion ng gambling platforms.
Kaya ako sinasabihan ko yung mga bata sa bahay namin pag naka follow sila sa mga ganitong vloggers pagkatapos ng video at may lumabas na image ng casino i scroll na agad nila pababa kasi puro panloloko lang yan mga yan para ma enganyo ka magsugal.
sana wag mo lang ipa scroll up kundi ipa block mo yong mga ganong account kabayan kasi paulit ulit lalabas ang mga ganitong ads and sa dulo baka mabiktima na sila.