Pages:
Author

Topic: Gambling popularity sa social media - page 3. (Read 474 times)

hero member
Activity: 2996
Merit: 808
April 08, 2024, 11:18:20 AM
#4
Aware ako sa mga benefits ng mga streamers since hindi naman bago sa atin yung mga kitaan ng gambling streamers sa international streams.

Ang nakakagulat lang ay bakit pinili nila magshift ng content while nakilala sila sa mga gaming content. Sobrang sakit kasi sa mata nilang panoorin dahil alam mong pilit lang yung pag arte nila tapos most of the time ay frustration lang ang makikita compared nung gaming stream ang ginagawa nila dahil nakaka enjoy panoodin.
copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
April 08, 2024, 10:55:15 AM
#3
Mas malaki kasi ang kitaan pag gambling ang inistream mo may isang streamer na nagconfess na 100k pesos ang bayad depende sa dami ng mga followers at mga engagement, kaya nga si Robin Padilla ay gusto gumawa ng batas na ipagbawal ang pag popromote ng sugal sa social media

Ito talaga ang pinaka main reason kung bakit nag shift ang lahat sa gambling. Bukod sa fixed income from casino ay maaari pa silang kumita sa referral commission tapos iba pa yung sweldo nila sa Meta para sa mga content views nila.

In short, May sure profit na sila tapos ginagawa pa din nila yung dati nilang trabaho. Ang pinagkaiba lang ay change content lang sila which is mas madali since nagsusugal lang sila compared sa dati na need ng intense game o isip ng new content para mapansin.

Ang cons lang dito ay pwede silang maging addicted sa laro tapos maubos nila yung ipon nila if ever ma tukso sila na maglaro ng totohanan gamit ang pera nila.
hero member
Activity: 3024
Merit: 614
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
April 08, 2024, 10:49:55 AM
#2
Mas malaki kasi ang kitaan pag gambling ang inistream mo may isang streamer na nagconfess na 100k pesos ang bayad depende sa dami ng mga followers at mga engagement, kaya nga si Robin Padilla ay gusto gumawa ng batas na ipagbawal ang pag popromote ng sugal sa social media

Padilla files bill punishing online gambling promoters

Masyado na kasing talamak at naaabuso ang mga kabataan natin na naeenganyo na sumunod sa influencer nila kapag na aaprove ito kalaahating milyon din ang parusa at may kulong pa..

Quote
Padilla said any person who publishes online gambling content shall be punished with a penalty of imprisonment ranging from six months to one year or a fine not less than P300,000 but not more than P500,000.
hero member
Activity: 2996
Merit: 808
April 08, 2024, 10:20:58 AM
#1
Ano na ang nangyayari sa social media natin. Sobrang dami ng mga content creator at live streamer na dating ML at other games focus na ngayon ay gambling na ang pinopromote.

Halos mga gambling ads na dn ang lumalabas sa wall ko dahil yung mga dating streamer na pinafollow ko ay puro gambling na ang nilalive. Kakapanood ko lng kanina kay Hypebits at Dogie na gambling na ang livestreams tapos sobrang greedy maglaro kaya sobrang dangerous nito kung mapapanood ng mga bata.

Hindi ko alam kung kailan ito nag umpisa pero nagulat ako kung bakit nagkaganito na ang mga streamers. Hindi na ba patok mga online games kagaya ng ML?
Pages:
Jump to: