Tingin ko hindi siya mananalo sa eleksyong ito pagka-senador dahil iba na ang mga botante ngayon, msyado ng marunong. Ang masaklap lang sa bansa natin ay pinapayagan pa rin ng constitution na tumakbo sa eleksyon kahit yong may mga kaso sana binago nila ito para naman kahit papano ay medyo malinis yong iboboto natin.
Hindi pwdeng baguhin yan kabayan, at hindi rin makatarugan na baguhin yan.
Ganito kasi ang explanation niyan, kung ang isang tao ay nasa kulungan or may kaso na, innocent pa rin siya hanggang meron ng hatol. paano kung yung nasa kulungan na at lumbas ang hatol na wala pala siyang kasalanan, di ba napaka unfair naman kung kukunin ang rights niya gayong wala naman siyang kasalanan.
Ganyan talaga ang batas sa Pilipinas, and I think kahit naman siguro sa ibang bansa. Ang justice system kasi natin ay mabagal, sabig nga nila, "Justice delayed, Justice denied", kaya marami rin mga inocente na nakukulong at nahahatulan dahil yung mga may pera lang ang may kayang kumuha ng mga magagaling na abogado.
Itong founder ng KAPA, marami ng evidence sa scam niya, until now hindi pa rin nahahatulan dahil maraming pera at maraming magagaling na abogado.