Pages:
Author

Topic: Katas ng Crypto (Read 1432 times)

full member
Activity: 560
Merit: 105
September 11, 2018, 07:47:21 PM
Nung unang salang ko sa crypto eh nag aalangan din ako , marami ako tanong lung paano nila nagagawang kumita sa pamamagitan lamang ng pagdotdot sa mga cellphone nila at sa internet through bitcoin nga. At dito ko lahat nasagot ang mga tanong kong iyon nung sumali ako dito sa forum , gumawa ako acvount at nagbasa basa tungkol sa bitcoin at iba pang cryptocurrencies. At nagsimulang sumali sa mga bounty campaigns , unang naging sahod ko naipagbili ko lamang sa halagang 300php dahil nga baguhan nangjinayang ako nung tumaas ang value ng token na naipagbili ko. Dun ko natutunan na maghintay ng tamang panahon para kumita ng mas malaki. Yung mga sumunod na kita ko sa bounty campaign ay malaki laki na at yun ang naipagawa ko sa bahay namin at nakapagpundar din ako ng motor ko.
jr. member
Activity: 462
Merit: 1
September 11, 2018, 07:05:04 PM
Nasa part palang ako ng kwento mo dun sa part na tapos na ako maiscam at mag invest sa kung anu anu nag bobounty na ako ngayon pero wala pa akong kinikita kasi kakamulat ko palang sa katotohanan. Medyo tinatamad na nga ako eh kasi ayon wala parin akong nakukuhang pera pero dahil sa post mo na to nag karoon ako ulit ng lakas ng loob na sa simula talaga mahirap kasi paghihirapan mo talaga bawat bounty project para may makuha tayong sweldo. So ayon plaplanuhin ko ngayon kung pano ako kikita dito at san ko ilalagay mga pera ko para lumago pa para habang student palang ay ready na ako sa buhay ko sa future. Sana patuloy mo lang po yung pag shashare ng ganto kasi tulad ko meron narin mga taong nawawalan na ng pag asa sa crypto pero dahil dito nag kakalakas loob ulit kami. Good bless at good luck po satin.
member
Activity: 364
Merit: 18
September 11, 2018, 10:01:39 AM
Kumita rin ako sa ETHLend (Signature, Facebook, Twitter Campaigns) ng halos Php 800,000 nitong last week of April ko lang natanggap. Nag-down ako Php 100,000 sa 4 na lote (90 sqm per lot) dito sa lugar namin, bumili ng laptop, cellphone, etc...meron pa rin naman natitira sa wallet. Kung nagawa ni OP at ako, magagawa rin ninyo na kumita, basta't i-research lang ninyo ng husto ang inyong sasalihan at kung maari kapag sumali kayo sa Signature isama ninyo ang lahat na pwede ninyong salihan para mas malaki ang rewards at menus gastos kapag dadalhin ninyo sa exchange para ipalit.


wow galing mo naman kabayan, sana nga ay hindi tuluyang mawala ang crypto at sana ay mas lumakas pa ito ng sa gayon ay tuloy parin ang extra income at investment. Mas madami na namang ma iinspire sa pina kita mo, pero sana ay wag puro bounty ang atupagin nila maging responsable din tayo sa forum na ito at tulungan ang  mga newbie para maka iwas sa scam at magka isa tayong lahat na pinoy. Salamat sa ambag mong experience
full member
Activity: 476
Merit: 102
September 11, 2018, 07:12:37 AM
Maraming salamat sa iyong detalyeng panunulat tungkol sa iyong pagiging successful na agri-business nakakapagbigay ito ng good motivation na talagang ang pagkakaroon ng isang tradisyonal na negosyo at di umaasa lang sa pagtratrabaho sa crypto currency ay isang pagiging isang masinop at matyagang Pinoy na dapat nating di kinakalimutan na isa nating magandang kaugalian. Sa survey sa ngayon maraming porsyento ng millenials ang may kaalaman na sa crypto currency at alam nating nakakalimutan na nila ang mga dapat na mga magagandang katangian ng isang tunay na Pilipino sana po ay magakaroon pa ng pagkakalat ng magandang karanasan sa pagtratrabaho sa crypto sabay sa pagkakaroon ng isang tradisyonal na negosyo.
newbie
Activity: 62
Merit: 0
September 11, 2018, 06:08:53 AM
Kapag kikita ako dito sa crypto ang uunahin ko ay laptop para mapadali ko ang aking transaction dito at maisave ko nang maigi yung mga important at restricted files ko, isusunod ko ying bahay namin kaso lang masyadong mahina ang merkado nang crypto ngayon.
newbie
Activity: 252
Merit: 0
September 11, 2018, 05:56:25 AM
Simula nung nagparank up palang ako dito hanggang sa sumali na ako sa mga campaign hanggang ngayon hindi pa ako kumikita, meron na ang mga coins sa wallet ko pero wala pang mga exchange sa market kaya hanggang ngayon wala pa akong mga katas..
sr. member
Activity: 966
Merit: 275
September 11, 2018, 03:59:17 AM
Kumita rin ako sa ETHLend (Signature, Facebook, Twitter Campaigns) ng halos Php 800,000 nitong last week of April ko lang natanggap. Nag-down ako Php 100,000 sa 4 na lote (90 sqm per lot) dito sa lugar namin, bumili ng laptop, cellphone, etc...meron pa rin naman natitira sa wallet. Kung nagawa ni OP at ako, magagawa rin ninyo na kumita, basta't i-research lang ninyo ng husto ang inyong sasalihan at kung maari kapag sumali kayo sa Signature isama ninyo ang lahat na pwede ninyong salihan para mas malaki ang rewards at menus gastos kapag dadalhin ninyo sa exchange para ipalit.

Wow! super na amaze po ako sayong kinita, ako wala pa akong kinikitang ganun, pero one time kumita na ako ng 50k sa isang bounty, pinagawa ko ang kusina namin, doon palang tuwang tuwa na ako yon pala meron pang mga better, nakakatuwa talaga super magiingat na din ako ngayon kung saan ako sasali and make sure ko na din na mas magiging maingat na ako sa pipiliin kong campaign. Super inspiring ang kwento niyo nakakatuwa.

Salamat. I appreciate it. Pero ang totoo muntik nang mapunta sa iba ang aking pinaghirapan. Member ang aking rank ng sumali at iyan ang pangalawa kong sinalihan, ang una WAVES (isa ring successful project) per 2 weeks lang aking inabot pero Bitcoin ang reward direct sa wallet kada linggo. Di pa ako marunong, di ko nga alam ang kung ano ang Stakes, naimbita ako ng isang Pinoy Sr. Member na sumali sa WAVES na napakaganda daw na project, tinuturuan niya ako via PM kung ano gagawin. So, WAVES ang una at 2 x 0.0009BTC kinita ko for 2 weeks.

Kaya ko nabanggit na muntik ng mapunta sa iba ang aking kinita kasi January 31st pa pala nag-kakabigayan ng di ko alam, ang akala ko automatic na ipinapadala sa wallet katulad ng aking unang sinalihan. Kaya sige lang hintay ko at sige bukas ng aking wallet wala namang dumarating. Tamad kasi akong puntahan ang thread dahil tapos na nga at dahil baguhan di ko alam at saka busy na ako sa ibang campaign. Mabuti na lang mayroong 2 nagmalasakit na nag-padala ng PM noong April, "bakit di kinukuha ang rewards ko na sobrang tagal na at malaki at marami raw ang intersado" sa wikang Pilipino. Kaya dali-dali kong tiningnan ang thread ng ETHLend at ang spreadsheet, nagimbal ako na napalitan ang wallet address ko, kaya nag-padala ako ng PM sa campaign manager na isa ring team member. Pasalamat ako at nag-reply agad, ipadala ko raw ang patunay na ako talaga ang may-ari ng account at doon kami nag-uusap sa Telegram account ng ETHLend. Kung nakuha ko lang siya ng on-time o ng maaga, 1st week of February 2018 baka mas malaki ang aking natanggap kasi computation ko ay over $16,000 ang equivalent ng 293762 LEND tokens na aking rewards. Pero ok lang, pasalamat na rin ako at may natanggap kahit papaano kaysa napunta sa iba... Ang pasasalamat ko sa Campaign Manager na tumulon sa akin dito, https://bitcointalksearch.org/topic/m.38416760
member
Activity: 392
Merit: 10
Staker.network - POS Smart Contract ETH Token
September 10, 2018, 10:28:59 PM
Wow! na-amaze po ako sa kumita ng halos 800k, sana mas maaga ko pang nakilala noon itong forum, para nakapag pataas ako ng rank, sayang kasi at naabutan nako ng merit policy. Pero okay lang, kahit barya nalang kung tutuusin ang kita ngayon sa social media campaign dahil sa dami ng participants di parin ako susuko, kahit maka 100k pesos manlang sana ako bago matapos itong taon, magiging sobrang maligayang maligaya nako.
hero member
Activity: 1190
Merit: 511
September 10, 2018, 02:40:28 PM
Kumita rin ako sa ETHLend (Signature, Facebook, Twitter Campaigns) ng halos Php 800,000 nitong last week of April ko lang natanggap. Nag-down ako Php 100,000 sa 4 na lote (90 sqm per lot) dito sa lugar namin, bumili ng laptop, cellphone, etc...meron pa rin naman natitira sa wallet. Kung nagawa ni OP at ako, magagawa rin ninyo na kumita, basta't i-research lang ninyo ng husto ang inyong sasalihan at kung maari kapag sumali kayo sa Signature isama ninyo ang lahat na pwede ninyong salihan para mas malaki ang rewards at menus gastos kapag dadalhin ninyo sa exchange para ipalit.

Wow! super na amaze po ako sayong kinita, ako wala pa akong kinikitang ganun, pero one time kumita na ako ng 50k sa isang bounty, pinagawa ko ang kusina namin, doon palang tuwang tuwa na ako yon pala meron pang mga better, nakakatuwa talaga super magiingat na din ako ngayon kung saan ako sasali and make sure ko na din na mas magiging maingat na ako sa pipiliin kong campaign. Super inspiring ang kwento niyo nakakatuwa.
sr. member
Activity: 966
Merit: 275
September 10, 2018, 11:07:35 AM
Kumita rin ako sa ETHLend (Signature, Facebook, Twitter Campaigns) ng halos Php 800,000 nitong last week of April ko lang natanggap. Nag-down ako Php 100,000 sa 4 na lote (90 sqm per lot) dito sa lugar namin, bumili ng laptop, cellphone, etc...meron pa rin naman natitira sa wallet. Kung nagawa ni OP at ako, magagawa rin ninyo na kumita, basta't i-research lang ninyo ng husto ang inyong sasalihan at kung maari kapag sumali kayo sa Signature isama ninyo ang lahat na pwede ninyong salihan para mas malaki ang rewards at menus gastos kapag dadalhin ninyo sa exchange para ipalit.

newbie
Activity: 98
Merit: 0
September 10, 2018, 09:33:46 AM
Madami na akong nakitang mga kababayan  natin na gumadan Ang buhay dahila sa crypto, hoping na dumami pa Ang katulad natin Ang maka join dito sa crypto world at nang gumaba din Ang  kanilang pamumuhay at gumanda  din Ang future nang kanilang mag anak.
full member
Activity: 556
Merit: 100
September 10, 2018, 06:32:50 AM
Nakaka hanga ang ginawa mong diskarte kabayan. Kagaya mo ganyan din sana ang nasa aking isip kung sakaling ako ay magkakaroon na nang income sa bitcoin napakalaking tulong nito sa amin na maging inspirado kaapag kami ay nakahawak na nang pera galing sa bitcoin.
hero member
Activity: 952
Merit: 500
September 09, 2018, 08:34:50 PM
Wow, This is a success story.
I am amazed by the way you spend your income from trading and bounty hunting, you really are good in planning.
I believe as long as you stick with crypto you will grow your business and of course you will earn more, ika nga nila, sipag at tyaga lang talaga.
full member
Activity: 210
Merit: 100
September 09, 2018, 06:49:15 PM
napakandang resulta ito. Sa aking palagay malaki ang naitutulong ng crypto sa kabuhayan ng mga pilipino.
member
Activity: 284
Merit: 10
The Exchange for EOS Community
September 09, 2018, 07:43:20 AM
napagandang gawing motivation ito kabayan. may mga campaign na ako nagbigay sa akin ng 6 digits na kita pero nauwi lang sa inom pagkain at barkada. bike lang ang napundar ko. sana next bounty mahawakan ko na ng maayos ang kikitain ko.
newbie
Activity: 8
Merit: 0
September 09, 2018, 06:15:10 AM
Very inspiring kabayan..
member
Activity: 364
Merit: 18
September 09, 2018, 06:07:38 AM
Tunay nga napakaraming kumita na sa pamamagitan ng  crypto at sa forum na ito kaya, wag kakalimutan na ishare ang mga nalalaman at mga does and donts sa mga newbies. Sikapin din natin mag post ng mga informative post para maka tulong at makapag bigay ng ideas para maka iwas sa scam ang mga baguhan. Wag din dedepende sa bounty lang,nakaka hiya naman if yung post natin is bounty reports lang  kaya nag diversify ako ng pera para kahit walang bounty may kita parin. Sana ay magtulungan tayong pilipino para sa ika uunlad nating lahat.
newbie
Activity: 966
Merit: 0
September 09, 2018, 04:04:45 AM
Marami talaga ang nabago ng cryptocurrency, dahil sa crypto, nakapagpatayo ako ng kunting sari-sari store at nabili ko lahat ng gamit sa bahay
sr. member
Activity: 454
Merit: 251
September 09, 2018, 03:35:52 AM
Halos maramimg tao na din ang nakapagtayo ng sarili nilang negosyo dahil sa bitcoin. Kaya napalaking tulong ng bitcoin sa isang tao na walang trabaho at nangangailangan ng pera dahil mabibigyan siya ng tsansa na umangat sa buhay.
newbie
Activity: 182
Merit: 0
September 08, 2018, 09:30:27 PM
#99
Ako kakasimula ko lang sa bounty hunting nitong July unang kong sinalihan na bounty na may 1 month reporting at natuwa naman ako dahil nagbunga ang effort ko nung nareceive ko na sa wallet ung katas ng crypto. Di ganun kalaki pero pwede na pandagdag sa gastusin. Marami na akong sinalihan na bounty almost 20 may mga natapos na din at hinintay ko na lang ang distributions ng token.. sana kumita din ako tulad mo at makapag simula ng business.
Pages:
Jump to: