Pages:
Author

Topic: Katas ng Crypto - page 6. (Read 1427 times)

member
Activity: 106
Merit: 28
August 28, 2018, 09:58:52 AM
#20
magandang motivation at inspiration ito para sa aming mga baguhan. ngayon taon palang ako nag simula sa crypto pero unti unti ko na rin nakikita ang mga bunga ng mga pag sali ko sa bounty at airdrop.
jr. member
Activity: 33
Merit: 8
"Throwing daggers to your ugly post"
August 28, 2018, 09:34:09 AM
#19
Inspirasyon to sa maraming tao na nagsisimula pa lamang tsaka tama ang ginawa mo na hindi mo sinilid ang sarili mo sa pagbobounty lang at humanap ka ng stable source of income. Marami kase akong nakikita na umaasa lang sila sa pagbobounty which is maling metalidad ng nakararami. May pagkakataon nga din na may nakita akong isang ama na sa bounty lang umaasa kaya masasabi kong saludo ako sa iyo dahil meron kang natatanging kaalaman na mas makakatulong sa sarili mo.
member
Activity: 368
Merit: 11
August 28, 2018, 09:08:15 AM
#18
Napaka inspirational naman nyan kabayan ipagpapatuloy ko na rin ang bounty hunting para maging ganyan din ako maraming maiinspired na kabayan natin dito sana magtuloy tuloy yang business mo.
sr. member
Activity: 645
Merit: 253
August 28, 2018, 08:40:39 AM
#17
Wow! Ang galing nyo po. Sana'y madami pang Pinoy na maging successful dito sa Bitcointalk Smiley Ako poy na inspire sa storya mo. Smiley

Godbless u more Kabayan! Smiley
member
Activity: 316
Merit: 10
August 28, 2018, 08:19:30 AM
#16
Salamat sa mga gantong POST namomotivate kameng mga Bounty Hunters para mag pursige pa sa mga susunod na mga project pa. Boss Mas maganda sana if maishashare modin if anong magandang isig campaign para iwas sa mga SCAM na bounty Smiley
newbie
Activity: 12
Merit: 0
August 28, 2018, 08:11:55 AM
#15
Maraming salamat sa nag share sakin dahil dito mas pag iigihin ko pa ang pag aaral sa crypto para mas lumawak pa ang aking kaalaman at darating din ang panahon ako din ang mag babahagi lalo na sa mga kaibigan at mga malalapit sa akin.

Motivated talaga ako sa pagsali dito kasi nakita ko ang resulta ng pagsali dito e. Yung na bangit ko kanina na nagshare meron na syang sariling bahay, motor at negosiyo. Napakabait nya at ang galing nyang humawak ng pera kasi ipinang tayo nya ng negosiyo na kikita parin sya. Idol
copper member
Activity: 882
Merit: 110
August 28, 2018, 07:20:48 AM
#14
Mga kabayan nais ko pong i share sa inyo ang mga Business na unti-unti kong natutupad dahil sa katas ng CRYPTO.
Naglaan ako ng oras para basahin ang iyong kwento. Masasabi ko talagang malaki ang naitutulong ng lugar na ito sa mga nangangarap na makaahon sa buhay. Sana lahat ng miyembro dito ganito ang motibo. Yung iba kasi inaabuso ang lugar na ito.
Mula nuon ay hindi na ako sumali sa mga investments platform bagkos ay nagsikap ako matuto ng basic trading atleast ako ang may hawak sa sariling pera ko at ako ang lumalaro dito.
Kung nasa trading platform ang pera mo. Ibig sabihin wala sayo ang pera mo. Kapag na-hack ang trading platform syempre kasama nun ang pera mo. Iba pa rin kapag hawak mo ang "seed" / "private keys" ng holdings mo.
So, over all may 35,000php akong income galing sa bounty.
Hindi ka ba nagtira ng bitcoin?
Inisip ko na agad kung anong magandang business ang bubuksan ko sa mga capital na nakuha ko mula sa bounty.
Eto talaga yun eh. Talagang para sa kinabukasan ang iniisip mo. Yung iba kapag nakakuha ng ganyang kalaking halaga ng pera mula sa internet sigurado sa luho lang mapupunta.
member
Activity: 434
Merit: 10
August 28, 2018, 06:19:25 AM
#13
Magaling kabayan pero di tayo parehas mas pinili kong mag invest ulit sa mga ico sa kadahilanang isa pa lamang akong studyante at kulang ako sa oras para asikasuhin ang negosyong itatayo ko kung sakali.
member
Activity: 364
Merit: 18
August 28, 2018, 01:48:19 AM
#12
Meron pang time na nangutang ako ng 10,000php at pinang invest ko lang sa isang investment platform na bumiktima sa akin. Nahirapan ako dahil 310php na nga lang ang sahod ko, madami pang pinagkaka gastusang obligasyon sabay mo pa ang binabayaran kong utang dahil sa pagka scam.
At least you've learned a lot when making a big decision like borrowing someone else's money. It is not advisable to borrow a big amount just to invest in a high risk ICO
Sumali ako sa isang ICO PROJECT using my signature account which is junior member palang nuon at so far naging successful ang 1st project na sinalihan ko, sa pagkakatanda ko ay naka 9,000php din ako sa project na yun I think nitong January lang ito. Sa second na signature campaign na sinalihan ko dito bongga ang nakuha ko naka 26,000php last April . So, over all may 35,000php akong income galing sa bounty.
Gaano katagal yung bounty na sinalihan mo after mong makasahod? Probably how many months? It's just that I am curious.
Swerte ding napasama sa isang team ng nagmomoderate ng isang ico project which is weekly din ang sahod ko duon
Can I know what is the estimation of your earnings here? Paanong moderation thru telegram ba? Please specify since I am also planning doing this kind of activity.

It took 2 months each i guest for the bounty campaigns i work for. The 1st bounty i joined i remember that was october to december and 2nd bounty was january to march and waited for almost 1month  each before they are listed to an exchanger.

Sa moderation naman kabayan ,may isang team akong nasalihan for moderating telegram services para sa ico projects and we are also managing bounty campaign services and yung salary ko dito is SECRET😊

hero member
Activity: 2492
Merit: 542
August 27, 2018, 10:59:53 PM
#11
Very wise move indeed, bilib ako diskarte mo ito tlaga ang dapat tularan natin ipon sabay invest sa mga sarili nating negosyo alam naman natin na hindi pangmatagalan itong bounty kaya dapat ipampuhunan natin sa business mas giginhawa ang buhay natin sa ganitong paraan actually ganito den ang ginawa ko sa mga naipon ko from bounty hehe this is really an inspiration to others lalo na sa mga nag-uumpisa palang jan wag yung mga account farming ang gawin niyo gayahin nio si OP literal na farming po ang gawin natin.   
newbie
Activity: 70
Merit: 0
August 27, 2018, 10:39:44 PM
#10
nakaka inspire naman ang mga kagaya mong tao bro sana magkaroon din ako ng ganyan pag ako kumite din dito sa crypto kaya pagsisikapan ko talaga para may mga maipundar din ako katulad mo.
sr. member
Activity: 763
Merit: 252
August 27, 2018, 10:33:29 PM
#9
good job brad malaki tlaga tulong yung crypto sa atin kailangan lang nang deskarte at sipag.. sarap kumita nang malaki lalo pat alam mong sa susunod may kikitain ka nanaman...
full member
Activity: 476
Merit: 108
August 27, 2018, 09:14:58 PM
#8
Meron pang time na nangutang ako ng 10,000php at pinang invest ko lang sa isang investment platform na bumiktima sa akin. Nahirapan ako dahil 310php na nga lang ang sahod ko, madami pang pinagkaka gastusang obligasyon sabay mo pa ang binabayaran kong utang dahil sa pagka scam.
At least you've learned a lot when making a big decision like borrowing someone else's money. It is not advisable to borrow a big amount just to invest in a high risk ICO
Sumali ako sa isang ICO PROJECT using my signature account which is junior member palang nuon at so far naging successful ang 1st project na sinalihan ko, sa pagkakatanda ko ay naka 9,000php din ako sa project na yun I think nitong January lang ito. Sa second na signature campaign na sinalihan ko dito bongga ang nakuha ko naka 26,000php last April . So, over all may 35,000php akong income galing sa bounty.
Gaano katagal yung bounty na sinalihan mo after mong makasahod? Probably how many months? It's just that I am curious.
Swerte ding napasama sa isang team ng nagmomoderate ng isang ico project which is weekly din ang sahod ko duon
Can I know what is the estimation of your earnings here? Paanong moderation thru telegram ba? Please specify since I am also planning doing this kind of activity.
full member
Activity: 462
Merit: 100
August 27, 2018, 06:28:42 PM
#7
Salamat kabayan at naishare mo samin tong experience mo na magsisilbing inpirasyon ka sa mga pinoy lalo na sa mga taong nasa probinsya na madaming paraan para makaunlad sa buhay lalo na isa kang patunay na maraming natutulungan ang crypto sana lahat ng pinoy ay maging ganyan pero hindi sa laging gagawing hanap buhay ang pagiging bounty hunters bukod sa kikita ka ng pera ay dapat naisin din natin na makatulong dito sa mga tao sa forum may sense ang sinasabi at hindi basta basta kung ano ano lang ginagawa para din sa ikabubuti nating lahat! mabuhay ka kabayan!
full member
Activity: 453
Merit: 100
August 27, 2018, 11:57:16 AM
#6
kakaiba ang ginagawa mo sa earnings mo kapag ako nagkaroon rin ng magandang kita dito make sure ko na lahat ng ito ay mapupunta sa negosyo para umiikot pa rin ang pera ko. sa ngayon kasi yung kinikita ko dito ay pinangbabayad ko sa lahat ng mga utang ko pati na rin sa mga pang araw araw na gastusin sa bahay
legendary
Activity: 1638
Merit: 1046
August 27, 2018, 11:43:54 AM
#5
Ayos bossing muka gumiginhawa ka na sa crypto saakin binalik ko lang din ang mga naging earnings ko sa pag buo ng miner pero ngayun mukang mababa na ang mining profit after bumagsak ang presyo ng mga coins na inbenta ko ang ibang miner at graphics card ko pero nag tira ako kahit papano yung kaya kong budget para sa kuryente since libre lang kuryente sa computer shop ng friend ko dun ko muna pinapaandar para kumita kahit papano.

Hindi naman agad agad ka yayaman kung hindi mo rin pinapaikot ang perang kinita mo wala rin.
Business at leverage lang talaga ang sa palagay ko na mag bibigay ng ginahawa sa buhay.
full member
Activity: 512
Merit: 100
August 27, 2018, 10:08:06 AM
#4
Nakakatuwa naman na tignan na ang isang pinoy ay kumikita ng maganda sa bitcoin at nailalagay sa tamang negosyo, very inspiring ka po sana dumami pa lalo ang mga pinoy na matulungan sa mundo ng cryptocurrency, tulad ko din isa din ako sa mga natulungan at sobrang nakakatuwa talaga, tumigil man ako ng kunting panahon pero ngayon ay magtutuloy na ako ulit.
jr. member
Activity: 243
Merit: 2
August 27, 2018, 09:42:03 AM
#3
praise God! isa kang buhay na katibayan na basta may tyaga may nilaga, tsaka pinatunayan mo na pwede kang may mapatunayan sa sarili mong paraan. ang isa pang maganda sayo ay inilaan mo sa business yung kinita mo dito. salamat din dahil sayo ay nainspire ako lalo na ipagpatuloy ang pagccrypto at ang pagbobounty 😊

first time ko palang sumali sa signature campain last week, gusto ko talaga maitry un kasi parang malakihan nga ang kita. sana magsucceed din ako kagaya mo. more power and Godbless sa business mo at sana lahat ng matagang pilipino sa crypto ay magtagumpay din. Smiley
member
Activity: 268
Merit: 24
August 27, 2018, 09:31:20 AM
#2
Napaka gandang motivation nito para sa aming mga bago dito sa forum.
Salamat sa pag share mo, dahil dito mas pag iigihan ko pa ang pag aaral ng crypto bago ako sumabak.
Mas lamang talaga kasi kung may alam kana.

Good work kabayan!
member
Activity: 364
Merit: 18
August 27, 2018, 09:10:15 AM
#1
         Mga kabayan nais ko pong i share sa inyo ang mga Business na unti-unti kong natutupad dahil sa katas ng CRYPTO. Ako po ay isang salesman lamang sa hardware sa isang maliit na mall dito sa probinsya namin, na may sahod na minimum of 310PHp.
        
          Nakilala ko ang crypto wayback march 2017 at tulad nyo din naranasan ko din ang mga mapapait na karanasan na dulot ng hindi pagsasaliksik ng maayos at napaka agressive ko kasi nuon sa mga investment sites na kala unan ay nagiging scam. Meron pang time na nangutang ako ng 10,000php at pinang invest ko lang sa isang investment platform na bumiktima sa akin . Nahirapan ako dahil 310php na nga lang ang sahod ko, madami pang pinagkaka gastusang obligasyon sabay mo pa ang binabayaran kong utang dahil sa pagka scam.
        
         Mula nuon ay hindi na ako sumali sa mga investments platform bagkos ay nagsikap ako matuto ng basic trading atleast ako ang may hawak sa sariling pera ko at ako ang lumalaro dito. Hindi ganun kalaki ang kapital ko kaya hindi din ganun kaganda ang kita ko sa tradings madalas marami din akong talo nuon dahil sa ako ay newbie pa.
        
         Naghanap ako ng ibang paraan upang kumita ng mas malaki at napasok ako sa pag bo-bounty hunting sa mga ICO projects. Nung una ay wala akong bilib sa bountyhunting gumawa lang ako ng account ko at pinabayaan ,hanggang sa sinubukan ko ulit nitong november dahil no choice na ako. Sumali ako sa isang ICO PROJECT using my signature account which is junior member palang nuon at so far naging successful ang 1st project na sinalihan ko, sa pagkakatanda ko ay naka 9,000php din ako sa project na yun I think nitong January lang ito. Sa second na signature campaign na sinalihan ko dito bongga ang nakuha ko naka 26,000php last April . So, over all may 35,000php akong income galing sa bounty. Swerte ding napasama sa isang team ng nagmomoderate ng isang ico project which is weekly din ang sahod ko duon
          
          Inisip ko na agad kung anong magandang business ang bubuksan ko sa mga capital na nakuha ko mula sa bounty. Sumagi sa isip ko na mas magandang may tradisyonal business muna akong magawa at umiwas muna sa mga materyal na bagay dahil di natin alam kung may for ever ba sa crypto. At dahil taga bukid lang kami na isip kong banatan ang  Agri-business.

BACK YARD PIGS

Medyo mabigat sa bulsa mag alaga ng baboy kaya tiyakin na may sapat na pondo at bawal tipidin ang pagkain ng baboy

PAGSASAKA

dahil nga taga bukid kami, magandang chance ito para sa akin

MUSHROOM FARMING

Bago pa lamang ako sa larangan na ito,actually kakasimula ko palang nuong august 1 at layunin kong mapalago at mapalaki ko ang business na ito.

Sa ngayon po ay medyo nakaka luwag narin sa buhay konti, sabi nga nila "SALARY WONT MAKE YOU RICH,BUT THE WAY YOU SPEND IT WILL DETERMINE YOUR FUTURE". Ito po ang pinang hahawakan ko sa buhay ko. So, payo lang po isipin nyong mabuti kung saan ba talaga mas mainam ilagay ang perang inyong natatanggap at maging madiskarte po tayo at wag susuko sa buhay. Pray lang lagi kay God. Salamat po sa pagbabsa mga kabayan  naway nabigyan ko kayo ng motivation sa buhay.

Pages:
Jump to: